QUADRAGINTA TRES

92 19 1
                                    

Devika was able to hack the security lock on one of the city hall's emergency exits. Mabuti na lang at hindi masyadong napagtutuunan ng pansin ang parteng ito ng gusali.

'Baka dahil katabi lang nito ang dambuhalang garbage bin?'

Most probably.

"Hala! Dmitri, bakit ang daming basura? Sinong nagtatapon nito? Saan niyo dinadala?" Mahinang bulong ni Nesrin nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng New Eastwood city hall. Under the fluorescent lamps, Nesrin Cavanaugh's brown eyes still shone with so much curiosity. I'm glad that she's adapting well here in our city---despite all the "not-so-good" things about New Eastwood.

Sinundan namin si Erolle nang lumiko siya sa isang pasilyo. Maingat naming iniwasan ang ilang mga security drones na lumilipad sa ere.

"Maraming basura sa New Eastwood dahil sa kaliwa't kanang mga produktong gumagamit ng plastic. As you can see, almost everything in this city is made artificially, so it takes a very long time for the garbage to decompose. Kaya wala nang magawa ang mga scientist kung hindi subukang tunawin at i-recycle ang mga ito. Kapag hindi na kayang i-recycle, tinatapon na lang nila sa kalawakan."

That's the sad truth about the garbage in New Eastwood.

Plastic bags can decompose in 10-20 years. Ang plastic bottles na palagi nating ginagamit? Tuluyan lang 'yon mabubulok after around 400 or 500 years. Some types of plastics used in other daily products take up to 1,000 years before they decompose. Pero dahil kulang sa "natural resources" ang New Eastwood, mas nahihirapan ang proseso ng pagbubulok ng mga ito.

Kaya kapag hindi na kayang isalba ng mga recycling facilities, they simply put all the garbage in a small rocketship and throw it in outer space. Iyon rin ang dahilan kung bakit ang "dome" sa kalangitan ng New Eastwood ay may maliit na lagusang kontrolado rin ng gobyerno.

Pinahihintulutan ng mayor ang pagtatapon sa kalawakan dahil hindi na namin kayang pamahalaan ang mga basura rito.

Napasimangot naman si Nesrin. "Kung ganoon, bakit hindi niyo na lang limitahan ang paggamit ng mga plastic?"

Mula sa gilid namin, pagak na natawa si Erolle kasabay ng pagbubukas niya sa isang pinto.

"Madaling sabihin, pero mahirap gawin, ganda... Para mo na rin sinabihan ang mga fangirls kong 'wag mag-'fangirl' sa'kin! It's impossible, because everyone loves Erolle!"

Kasabay nito, mabilis niyang ipinakita ang gray T-shirt niyang may "WE ❤ EROLLE" na tatak.

Devika, Nesrin, and I sighed in defeat.

"Brad, magpa-check up ka na sa mental hospital. Please lang."

At para mas mapabilis ang paghahanap namin, we decided to split up. The girls will head to the mayor's office while (unfortunately) I'm stuck with Erolle to find the missing records. Nang tuluyan nang nakaalis sina Devika at Nesrin, agad kaming nagtungo sa Data Storage Office ng city hall.

Wala kaming ideya kung saan nila itatago ang nawawalang mga dokumento na makapagbibigay-linaw sa history ng New Eastwood, but this is the best place to start.

"Dahil pages ng libro ang nawawala, wala tayong magagawa kung hindi isa-isahin ang mga papeles dito. If we can't find anything here, it only means that they've stored the information in a flash drive or something," nanlulumong sabi ni Erolle nang marating na namin ang silid.

"What's wrong with that? Tsk! Para ka namang pinagsakluban ng Jupiter at Mars... I'm sure it'll be an easy task. Hahaha!"

Shuffling through papers.

How hard can that be?

Pero syempre, agad ko ring pinagsisihan 'yon nang tumambad sa amin ang nagtataasang stack ng mga papel. Napanganga na lang ako nang makitang umaabot pa sa kisame ang mga written records at nakahilera pa sa buong silid. Nagkatinginan kami ni Erolle, at sabay sabing...

✔Something Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon