VIGINTI DUO

149 24 0
                                    

This chapter is dedicated to:
@Ivy Loud

✴️

Just like any other teenage boy, Erolle had always liked his Aero boots.

Kaya nang tuluyan na siyang nakapuslit papalabas ng library, mabilis niyang in-activate ang kanyang mga sapatos at lumipad sa kalangitan. Pasimple pa niyang itinatago sa kanyang jacket ang bitbit na libro. 

''Buti na lang na-distract ni Angelica ang nanay niya!" Erolle sighed in relief as he flew farther away from Bibliotheca de Eastwood.

Naramdaman ng binata ang malamig na simoy ng hangin sa kanyang mukha. The cool evening breeze instantly calmed him down. Sa totoo lang, isa lang ito sa maraming dahilan kung bakit niya gustong-gusto ang paglipad. At sa mga sandaling kagaya nito, kailangan nga niyang kumalma.

'Sana lang gising pa si Devika.'

Binasa niya ang mga nakasulat sa pahina kanina at nangalap ng impormasyon tungkol kay Dr. Furlan Lexington. Erolle doesn't know how he fits into the giant puzzle, but it's best to take note of this. Kaya, gustuhin man niyang ipagpabukas na lang ang pagpunta sa bahay ng mga Sorenn, alam ni Erolle na kailangan na niyang ibalita kay Devika ang mga nalalaman niya.

This is important!

Plus, he wanted to check if she was okay.

"Bakit ba kasi hindi niya sinasagot ang EM communicator niya? Tsk!"

Nang dumako ang mga mata ni Erolle sa ibaba, natanaw niya ang ilang mga gusaling yari sa makikintab na metal. With the same dull and modern architecture, it was quite difficult to distinguish the apartment buildings from the industrial ones in this area. Nagbibigay-liwanag ang LED lights na nakalagay sa gilid ng mga kalsada habang abala naman ang ilang drones sa paglilibot ng mga lansangan.

Sa di-kalayuan, natanaw ni Erolle ang isa sa apat na dambuhalang mga tubong bumubuhay sa mga residente, ang North-East (NE) Pipe.

'The four giant pipes: North-West, North-East, South-West, and South-East...They all meet at a single point inside Fort Cassare, the center of New Eastwood.'

Sa mga tubong ito nanggagaling ang oxygen na hinihinga nila, controlled by the government itself. They merely buy the time to breathe in this oxygen, thus the Oxygenators. He wasn't creeped out about this. Nasanay na sila. Ganito talaga ang sistema sa New Eastwood...

At lalo lang siyang sinampal ng reyalidad na ito nang makarating na siya sa kanyang destinasyon.

"Taasan ang presyo ng oxygen bars? Ano raw?! THIS IS INJUSTICE!"

Hindi makapaniwalang sigaw ni Devika matapos niyang basahin ang impormasyong nadiskubre nina Erolle kanina. Hawak-hawak pa rin nito ang aklat at tinititigang maigi ang mga salita, na para bang umaasang magbabago ang mga ito.

Too bad that won't happen.

Erolle sighed. 'I knew she would react like this.'

"Wala rin ito sa history modules ng kahit anong LD levels."

Kasalukuyan silang nakaupo sa sahig ng kwarto ng dalaga. Bukod sa sari-saring mga pamaymay, pinuno ng tensyon ang silid. Devika Sorenn's room was decorated with a floral wallpaper and a pink queen-sized bed. Hindi na nagreklamo si Erolle sa matapang na amoy ng pabango at kumukutikutitap pang mga ilaw.

Pero sa kabila ng maraming beses na niyang pagbisita rito (nang walang malisya), hindi niya maiwasang mailang.

Truth be told, he still felt bad after their little "fight" in the library. Sa ilang taon na nilang pagkakaibigang tatlo, bilang lang ni Erolle sa kanyang mga daliri ang mga naging seryosong away nila.

But both of them decided to push aside the little "incident" to focus on more important matters.

A silent truce.

Besides, aminado naman siyang may mali rin siya. Pare-pareho lang silang naii-stress sa pagkawala ni Dmitri. Sana lang ay nasa maayos na kalagayan ang kaibigan nila...

"New Eastwood had records since 2034. A hundred years ago. Noong 2034 rin binago ang pangalan nito mula sa dating 'Eastwood'. Kung tama ako ng pagkakaalala, the Pipes had always been here since then." Mahinang sabi ni Devika na mukhang malalim ang iniisip.

'Ano naman kaya ang sinasabing problema ng mayor sa Pipes?' Erolle thought.

"Sa tingin mo ba may kinalaman si Dr. Furlan sa mga nangyayari ngayon? Kaya tumataas na rin ang presyo ng oxygen bars? It was his stupid idea in the first place!" Nanggigigil na baling sa kanya ni Devika. Her auburn locks fell over her fair cheeks.

"Nah. I already did some research on him. Hindi nagustuhan ng publiko at ng scientific advisers ng dating mayor ang suhestiyon niyang 'yon. Heck, he was even kicked out of NESO!"

Erolle projected the screenshots of what he found on the internet. Nakatuon na lang ang atensyon nila sa mga imaheng nasa pader.

"After NESO took his job away from him, namatay rin noong taon na 'yon si Dr. Furlan Lexington, leaving his wife and son with his savings."

Sandaling natahimik si Devika habang nakatingin sa mga larawan ng binatang David Lexington. Hindi maipagkakailang magkamukha talaga sila ni Dmitri. Then again, she couldn't piece together this information. Ano naman ang kinalaman nito sa mga nangyayari sa New Eastwood?

"Erolle, hindi ko sigurado kung ano ba ang kinalaman nito sa pagkawala ni Dmitri, but we need to find him! Kailangan natin ang tulong niya. Dumarami na ang mga namamatay araw-araw dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng oxygen bars sa Fort Cassare... I've seen dead people on the streets again!"

Huminga nang malalim si Devika at hinawi ang buhok sa kanyang mukha. Mabilis niyang ibinaba ang aklat at niyakap ang stuff toy nitong space slug. The Oxygenator around her neck  almost distracted him. "Kaliwa't kanan na ang mga namamatay... Kung hindi tayo mag-iingat, baka tayo na ang sumunod." She squeezed the slug.

Ironically, si Erolle ang nagregalo ng stuff toy na 'yan kay Devika noong 16th birthday niya...

Space slugs.

Napangiwi na lang si Erolle sa hindi magandang alaala. Pakiramdam niya may trauma na rin siya sa mga 'yon. He can still feel their slimy bodies! 'Faex. I never want to see those things again!'

Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili.

"Mukhang kailangan na nating i-upgrade ang pagi-imbestiga."

Kumunot naman noo ni Devika sa sinabi niya. "What do you mean?"

Kanina pa ito pinag-iisipang gawin ni Erolle. At first, he was hesitant. May iniingatang reputasyon ang pamilya nila at paniguradong magagalit sa kanya ang tito niya kapag nalaman niya ito. Erolle's fangirls will probably be disappointed in him...

'But I can't always be a coward now, can I?'

Kahit na nanginginig pa ang kanyang mga kamay at namumuo ang pawis sa gilid ng kanyang noo, seryoso niyang sinabi kay Devika ang mga sumunod na salita.

"Pakiramdam ko, mas mabibigyang-linaw ang pagkawala ni Dmitri kapag pumunta tayo sa bahay ni Sir Nicholas. In order to sneak inside, w-we need to get past the..."

Devika's eyes widened in disbelief.

"You mean...?"

Napalunok si Erolle at asar na nag-iwas ng tingin.

"Tsk! We need to get p-past the... g-guards."

At alam nilang pareho na hindi magiging madali ang misyon nilang iyon, lalo pa't ang heneral mismo ng Orionid Task Force ang naka-assign sa pagbabantay nito. Pero alam rin nilang kailangan nila itong gawin.

Wherever Dmitri is, they need to drag him back to New Eastwood.

_________________________

✔Something Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon