DUODESEXAGINTA

107 31 1
                                    

Eleven years has been a long time, indeed.

"Nakakalungkot lang isipin na hindi mo na siya nakilala, Dmitri. Kung sabagay, baka nga ikahiya mo rin siya dahil sa mga nagawa niya noon... But you have to understand that Dr. Furlan Lexington was the kind of man who didn't care if everyone hated him. As long as he fulfills his purpose, that's all that matters. Hindi na mahalaga sa kanya kung masama o mabuti ang tingin sa kanya ng iba. Good and evil is just a matter of perception. At siguro nga, pinanghahawakan ko pa rin ang prinsipyong 'yon."

Habang nakikinig ako, unti-unti ko nang napagtatagpi-tagpi ang mga nangyari.

"Dr. Furlan died before they could even finish the study. Ibig sabihin ba nito...?"

Tumango si papa. "Sabihin na nating ako ang pumalit sa kanya. That's the reason why I applied as Sir Nicholas' assistant in the first place. Noong namatay si Dr. Furlan, kasabay na ring namatay ang interes ng gobyerno sa pamilyang Lexington. I saw this as an opportunity to lie low and aid Sir Nicholas in his researches."

So...he wasn't doing this for revenge? Damn. Mukhang marami nga akong hindi alam sa pamilya ko. After a few moments of silence, I finally found the voice to ask, "Ano naman pong kinalaman nito sa pagpapadala sa'yo sa Earth? I thought you were banished."

"That's what Sir Nicholas wanted the government to believe in, Dmitri. Matalino ang lolo mo, kaya noong pinaghihinalaan nilang may sarili kaming pag-aaral, he made the mayor believe that he dispatched me. Ang hindi nila alam, ipinadala ako sa Earth para sa dalawa pang dahilan. Una, upang mas mapag-aralan pa namin nang maigi ang sitwasyon ngayon sa mundong 'yon. Gusto naming alamin kung magagawa bang mailipad nang maayos ang New Eastwood sa Earth nang hindi naaapektuhan ang Oblitus..this is where the second reason comes in," marahang napadaing si papa nang kumirot ang sugat niya. "Nanatili ako roon sa Oblitus para bantayan ang coding scheme na nasa loob ng diyamante. Ipinatago ito noon ng lolo mo sa isa pang dating scientific adviser ng New Eastwood bago pa man siya ipinatapon sa Earth. When Sir Nicholas lost communication with Gabrio, he assigned me to investigate on the matter."

Napanganga ako sa sinabi niya.

What in the name of atoms?

"Ibig sabihin nito, hindi 'coincidence' na tumira kayo sa bahay ng mga Cavanaugh?"

David Lexington flashed a tired smile, "In a world like this, there is no such thing as coincidences, Dmitri... Tama ang sinabi mo. Nang matagpuan ko si Gabrio, sinabi niya sa'king ipinatago niya ang diyamante sa isang taga-nayon. Kaya nang malaman kong kamamatay lang noon ni Mrs. Cavanaugh, I had to follow her daughter to confirm my suspicions. Nang makita ko ang kwintas sa leeg ng batang Nesrin, nalaman kong ipinagkatiwala ni Mrs. Cavanaugh ang kinabukasan ng New Eastwood sa kanyang unica hija. Sa kabutihang-palad, pumayag si Celsius na umupa ako sa kanila."

I was damn speechless.

Suddenly, I remember that one quotation I've read in one of the books inside Sir Nicholas' library. "When you expand your awareness, seemingly random events will be seen to fit into a larger purpose."

Konektado ang lahat, kahit ang pinakamaliliit na pangyayari sa buhay natin. Hindi lang natin ito napapansin dahil naka-pokus lang tayo sa "micro world" na ginagalawan natin---ang reyalidad na umiinog sa pansarili nating interes. In order to see the bigger picture, we need to take a step back and find that link.

That one connection that ties our realities to the "bigger picture" of life, the macro world.

Sa mga sandaling ito, unti-unti ko nang nakikita ang koneksyong ito.

"Something still doesn't add up... Sir Nicholas told me that you contacted him months ago. Iyon ang dahilan kung bakit gumawa pa siya ng bagong space capsule para sa'kin...para mahanap kita. What was the purpose of all that? Anong kinahinatnan ng pag-aaral ninyo? Bakit ka umalis ng Oblitus?"

✔Something Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon