"Yes. And, unfortunately, our astronomers predict that it will happen sometime around next week."
We were speechless.
'Kaya pala sinisimulan na ng gobyernong patayin ang mga taga-Oblitus. They wanted to test their little experiment before they transport New Eastwood back to Earth!' Kinilabutan ako sa nalaman namin. Sa gilid ng mga mata ko, napansin kong sumiklab ang galit sa mga mata ni Nesrin. Her brown eyes glared at the listening device in Devika's hand.
A raw hatred for the mayor and everyone involved in this.
Hindi ko naman siya masisi. Kung ako ang nasa sitwasyon niya, baka bumuo na ako ng atomic bomb at pinasabugan ang mayor's office para matigil ang pagpatay. Because, who in their right minds would turn humans into trees and call it "recycling"? Faex. Mahirap bang pagsamahin ang teknolohiya at pagpapakatao?
These people are evil, indeed.
"Kailangan nating balaan sina Celsius! Hindi nila alam kung anong nangyayari. Dapat nating ilikas ang mga taga-Oblitus bago pa sila madamay!"
Naikuyom ng dalaga ang kanyang mga kamao para itago ang panginginig nito. Before she could walk away and do something reckless, mabilis ko siyang hinigit sa braso.
"Bitiwan mo ako, Dmitri! Kung hindi tayo kikilos---"
"Going into battle without a plan won't save anyone, Nesrin! Kung hindi natin pag-iisipan ang mga gagawin natin, we'll be caught by the OTF before we could even contact your brother," seryoso kong sabi sa kanya.
I stared at Nesrin, pleading her to stay. Sa huli, siya na mismo ang unang nag-iwas ng tingin. Gustuhin man naming tapusin agad ang gulong ito, we simply can't. Kailangan naming maging maingat, dahil hindi lang buhay namin ang nakataya rito.
Sa katahimikan ng silid, narinig ulit namin ang boses ng mayor.
"Actually, that's one of the reasons why I called this emergency meeting---"
There was a loud screeching noise. Hindi na namin naririnig ang sunod niyang mga sinabi. Mabilis akong lumingon kay Devika na natatarantang tinipa ang ilang controls sa kanyang screen. Her eyebrows furrowed in disbelief while Erolle watched in silence.
"What in the name of asteroids is happening?"
"Dmitri, nawawala tayo sa link! H-Hindi ko alam kung anong nangyayari... It's like someone's blocking the hacking mechanism in the vice mayor's EM communicator!" Sagot ni Devika habang patuloy pa ring sinusubukang ibalik ang connection.
Bumilis ang pintig ng puso ko dala ng kaba. Nalaman na kaya nilang nakikinig kami sa meeting nila?
Damn.
Kani-kanina lang, nang mabalitaan namin ang tungkol sa meeting, pasimpleng in-email ni Erolle ang kanyang tiyuhin para hingin ang code nito sa kanyang communicator. Devika was able to hack the device so that we can hear what they were talking about through the vice-mayor's EM communicator. Ngayon, mukhang nawala na ang pag-asa naming malaman ang buong plano ng gobyerno.
BEEEEEEEEEP!
There was a loud beeping sound that followed, before everything went silent again.
Devika stared blankly at the screen. Bakas ang gulat at pag-aalala sa kanyang ekspresyon.
"We were disconnected..."
Mahinang napamura si Erolle. "Malamang natunugan ng tech team ang ginagawa natin. Someone must've noticed my uncle contacting us during the meeting. Baka nga na-trace na nila kung nasaan tayo... FAEX!" Sa inis ni Erolle, nabigla na lang sina Devika at Nesrin nang suntukin nito ang pader.
BINABASA MO ANG
✔Something Out There
Science Fiction"He is never coming back, isn't he?" Several years ago, Dmitri Lexington lost his father to the unknown universe beyond their indigo skies. Growing up, he had to endure his loss and adapt to the twisted policies of their society. Isang gabi, nang tu...