June 25, 2134
Somewhere on Earth✴️
"Minsan ba, hiniling mo ring maging ibon?"
I chucked at her question, not bothering to avert my eyes from the blue sky. The soft green grass cradled me while the sunflowers surrounded us. Aaminin ko namang kahit na hamak na mas maganda ang pwestong ito, nakaka-miss ring tumambay sa rooftop ng dati naming apartment.
Nakakapanibago, pero alam kong panandalian lang ito.
We're all still adjusting. That's part of the process too.
Nang hindi ako sumagot, agad na naupo si Nesrin at sinimangutan ako. May ilang tuyong dahon pang nakasabit sa buhok niya, pero syempre hindi na niya ito pinansin. She was too busy glaring at me, anyway.
"Bakit ka naman natatawa? Hmph!"
I smirked and watched the clouds overhead. "Don't you think being a bird is too impossible? Pwede ka namang lumipad gamit ang Aero boots o Aero car. Besides, humans already engineered that dream into reality. May nabasa ako noon tungkol sa mga eroplano, space ships, at iba pang makina. Building a machine is more possible than growing wings, Nesrin."
"Pwera na lang kung ma-reincarnate ako! Mas masaya 'yon! Hanggang ngayon naman, may mga bagay na hindi pa rin nagagawa ng teknolohiya, 'di ba? Minsan, mas masayang mangarap ng mga bagay na imposible.
Doon na ako lumingon sa kanya. Habang tinititigan ang determinado niyang hitsura, hindi ko maiwasang mapangiti. Walang pagdadalawang-isip akong umupo sa damuhan at hinawi ang buhok sa mukha niya. I wiped away some dirt from her cheeks and muttered, "You're right. Kung ganoon, alam ko na ang pangarap ko."
"Hmm?"
"Maging ibon, para makasama ka pa rin." I winked at her, making her blush.
I picked up one of the sunflowers from the bouquet she made earlier and placed it behind her ear. Ngumiti nang malawak si Nesrin.
It's been a week since I thought I lost her.
A week after Gabrio's death. Sa isang linggong 'yon, unti-unti nang ina-adapt ng mga taga-New Eastwood ang buhay dito sa Earth.
Sa tulong ni Celsius at ng iba pang mga taga-Oblitus, we were learning to actually live and use the natural resources around us. Marunong nang mangisda ang iba, kahit na nakakatawang isipin na unang beses lang naming makakita ng sariwang isda noong isang linggo. Good thing Devika knew what to do, especially with her knowledge of Earth and Eastwood's history. Paminsan-minsan naman, nagmamagandang-loob ang mga scientist namin na gumawa ng mga simpleng imbensyong makapagbibigay ng "convenience" sa buhay ng mga taga-Oblitus. Maniwala kayo o hindi, nai-convert nila ang ilang security drones para maging katuwang ng flower harvesters.
Since we teleported New Eastwood near the seashore, nanatiling buo ang pamayanan ng Oblitus at ang mga kabahayan nito. They relocated the people back to their homes. Meanwhile, the government of New Eastwood launched a project to build new houses inside Fort Cassare (dahil hindi naman namin naisama sa teleportation ang residential areas).
A bond formed between two opposite worlds.
In between New Eastwood and Oblitus.
'A twilight.'
Who would've thought that it's even possible for two opposites to live in harmony? Napabuntong-hininga na lang ako. Sa wakas, nakakahinga na kami nang maluwag.
"Thank you..."
Naagaw ng atensyon ko ang sinabi ni Nesrin. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi. "Thank you for finding me, Dmitri."
BINABASA MO ANG
✔Something Out There
Science Fiction"He is never coming back, isn't he?" Several years ago, Dmitri Lexington lost his father to the unknown universe beyond their indigo skies. Growing up, he had to endure his loss and adapt to the twisted policies of their society. Isang gabi, nang tu...