This chapter is dedicated to:
AciNhicx✴️
Ito ang unang pagkakataong dumalo ako sa isang piyesta.
Nakakalungkot mang isipin, pero walang ganitong kasiyahan sa New Eastwood. Though, Devika told me before that, about a hundred years ago, there was the "Festival of Black Crows" in honor of our town's founding anniversary. Pero matagal nang itinigil ang tradisyon na 'yon, kaya tuluyan na rin itong namatay sa alaala ng mga tao. I guess that's what happens when people don't value tradition---it dies along with the memories.
'Kung sakali bang hindi namatay ang Festival of Black Crows, magiging ganito kasaya rin kaya sa New Eastwood?'
Hindi ko maiwasang isipin habang sinasabayan namin ang prosesyon papunta sa templo. Buong araw naging abala ang mga taga-Oblitus sa pag-indayog sa musikang hatid ng mga musikero at pagpapalaro sa mga bata. May ilang kompetisyon ring idinaos kanina habang pinagsasaluhan ang kakaibang mga putahe. There were even those weird leafy foods, again!
Everyone wore their best outfits---with the theme colors of white, orange, and black.
Napapalamutian rin ang mga lansangan ng makukulay na mga banderita at mga bulaklak. Suddenly, I wished Devika and Erolle were here, too. Paniguradong matutuwa silang maranasan ang piyesta sa Oblitus.
At ngayong patapos na ang araw, nalalapit na ang oras na pinakahihintay ng lahat.
For some reason, it only made me even more nervous.
"Kailangan na lang nating maghintay. Ang sabi ni Irish, pagkatapos pa ng hapunan nila sisimulan ang ritwal."
"Quack! Quack!"
Ngumiti si Nesrin kay Galileo habang karga-karga niya ito. "Hindi ikaw ang kausap ko! Hahaha!"
"Quack! Quack!"
Her orange straw hat caught the last rays of sunlight while it was vanished over the horizon. Papalubog na ang araw, at alam kong hindi magtatagal, tuluyan na itong maglalaho sa likod ng mga punong nakapalibot sa paligid ng pamayanan. I couldn't help but admire the sky in all its glory.
'Ibang-iba pala ang tanawing nakikita namin sa New Eastwood.'
I can't remember the colors being this vibrant or the atmosphere this calm during sunsets. Nang mapansin ni Nesrin ang pagtanaw ko sa kalangitan, she her eyes peeked under her large hat. Another smile played on her lips.
"I always love the sunset. Sometimes, I love it more than the night. Nakakatuwa kasi ang kulay ng kalangitan tuwing ganitong oras."
I nodded, "Sa planetang Mars at Uranus, kulay asul na sunsets ang makikita mo roon. I've read about it in an astronomy book when I was a kid."
"Quack!" Galileo agreed.
Manghang lumingon sa'kin si Nesrin. "Talaga? Ang galing naman! Ano pang a---"
"NESRIN!"
Sa gitna ng kumpulan ng mga tao, biglang sumulpot ang isang dalaga. Her dress looks like it was woven from the finest materials this simple village has. Nang malapitan na niya si Nesrin, agad na kumunot ang kanyang noo nang makita ako. Despite wearing Celsius' clothes, I know people will still be suspicious. Halatang hindi ako taga-rito.
'Sana lang hindi ako mahuli ng Elders mamaya bago namin mailigtas si papa.'
"Nes, sino 'yang kasama mo? T-Teka! Siya ba 'yong...?"
"Quack!"
"H-Hala! Bakit may pato?! Nes, ano ba talagang nangyayari?"
Nang mapagtanto rin ni Nesrin ang katotohanang wala na rin siyang kawala sa pang-uusisa ng kanyang kaibigan, she gave me an uneasy smile. Agad ko itong naunawaan, kaya humakbang ako papalayo para mabigyan sila ng "privacy".
BINABASA MO ANG
✔Something Out There
Science Fiction"He is never coming back, isn't he?" Several years ago, Dmitri Lexington lost his father to the unknown universe beyond their indigo skies. Growing up, he had to endure his loss and adapt to the twisted policies of their society. Isang gabi, nang tu...