This chapter is dedicated to:
AeonZeon_________________________
Village of Oblitus
June 6, 2134✴️
The room felt empty.
Kahit pa nakatayo ako sa gitna nito at napapalibutan ng mga pamilyar na kagamitan, hindi ko maiwasang maramdaman na para bang wala pa rin itong laman.
Everything inside became an extension of the man who dwelled in its four corners, for eleven long years.
Nawalan ito ng buhay nang mawala ang presensiya niya.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang nandito ako.
"Mr. David Lexington...so, this is where you've lived for eleven years? Buong buhay ko, pinilit kong tanggapin ang katotohanang patay ka na. Hindi ko naman alam na nangungupahan ka lang pala ng kwarto dito sa ibang planeta."
A humorless laugh escaped my lips. Paniguradong maghi-hysterical si mama kapag nalaman niya ito. I wonder what her reaction will be? I'm guessing she'll be a bit pissed off, dahil nasayang lang ang higit isang dekada ng pagluluksa namin---pero sa kabila nito, alam kong iiyak siya sa saya dahil muling mabubuo ang pamilya namin. Ang pamilyang pinakaitan ng labing-isang taon ng tadhana...
Faex. Why am I getting emotional?
'Because, deep inside, you've been waiting for this day, too. Now, you're one step closer to be reunited with your father,' my mind reminded me.
Huminga ako nang malalim at muling inilibot ng tingin ang kabuuan ng maliit na silid. A small wooden wardrobe stood was pushed to a side. Mayroon ring maliit na kama sa pinakasulok ng silid na mukhang matagal nang hindi nahihigaan. Nakapatong roon ang ilang ng kagamitan sa paggawa. Some of them looked like the same set of tools my grandfather uses. 'Malamang, nagmula ito sa emergency maintenance box sa loob ng space capsule niya.' Samantala, ang ilang kasangkapan naman ay hindi pamilyar sa'kin. They weren't as refined as the ones we have in New Eastwood, though.
Posible kayang may hardware rin dito sa Oblitus? That'll be very useful.
Nagkalat sa sahig ang ilang mga piyesa ng metal at blueprints na kamuntikan ko nang matapakan. Nang dumako naman ang mga mata ko sa mesa, doon ko napansin ang pamilyar na tuwalyang nakapatong doon.
'Kaya pala nawawala.'
Malungkot akong ngumiti, habang tinititigan ang pamilyar na tela. Kupas na ang kulay nito, pero malinaw pa ring makikita ang nakaburdang logo ng angkan ng mga James. Sa tagal na ng panahon, itinigil ko na rin ang paghahanap dito. It was my favorite towel, back when I was a kid...back when I thought the world was a happy place to live in.
I never knew my father took it with him.
"You look so much like him..."
Lumingon ako sa direksyon ng pinto. Hindi ko alam kung gaano katagal nang nakasandal doon si Nesrin, but the hesitant smile on her lips told me she had been watching me for quite some time now.
"Tatawagin lang sana kita kasi tapos nang magluto ng almusal ang bugnutin kong kapatid. Nagutom ka siguro sa biyahe mo. Oh! And don't worry. Hindi ka lalasunin ni Celsius. Kahit naman poker face lagi ang isang 'yon, may puso pa rin naman siya...somewhere. Hahaha!" Nang makita niya ang hawak ko, agad siyang nataranta. "Hala! Nakakaistorbo ba ako? Sorry na!"
Umiling ako at ipinatong ulit ang lumang tuwalya sa mesa. "Hindi naman. It just feels weird being inside his room. Salamat nga pala dahil dinala mo 'ko rito."
BINABASA MO ANG
✔Something Out There
Ciencia Ficción"He is never coming back, isn't he?" Several years ago, Dmitri Lexington lost his father to the unknown universe beyond their indigo skies. Growing up, he had to endure his loss and adapt to the twisted policies of their society. Isang gabi, nang tu...