DUODETRIGINTA

128 29 5
                                    

"Nang sinabi mo kaninang alam mo kung anong gagawin mo, hindi ko inakalang seryoso ka pala."

Hindi makapaniwalang sabi ni Devika habang pinapanood si Erolle sa kanyang ginagawa. She sat on the edge of his bed and watched him upload the images on the monitor. Iniisa-isa niya ang mga ito at zino-zoom para mabasa ang mga detalyeng nakasulat dito. Kasalukuyang nakatalikod sa kanya ang binata habang abala ito sa pagtitipa sa kanyang holographic keyboard.

Matapos nilang picturan ang mahahalagang notes kanina sa private study ni Sir Nicholas, napagdesiyunan nilang pareho na dumiretso sa Pascua compound. It's closer, plus Erolle needed to do his "magic".

The sooner they rescue Dmitri from Earth, the better.

Panandaliang huminto si Erolle. He gave her a  sideways glance and adjusted the goggles on his head, "Tsk! Anong akala mo sa'kin? Marunong rin naman akong magseryoso, Dev. Hahaha!"

"Seryoso sa fangirls mo?" She rolled her eyes.

"Aw. Don't be jealous, Devika! Pwede ka rin naman maging fangirl ko eh. Kung gusto mo, ikaw gagawin kong presidente ng fans club---ARAY!"

Napadaing na lang sa sakit ang binata nang tamaan siya ng unan sa mukha. Devika doesn't regret it. 'Akala ba talaga niya tatalab sa'kin 'yan? Tsk!'

Agad din silang natigilan nang awtomatikong tumunog ang notifications sa main monitor ni Erolle. Nang mabasa niya ito, agad niyang ginamit ang voice command para buksan ang panibagong screen.

"There's an emergency announcement from the mayor. Ano naman kaya ang sasabihin niya? It's 4:00 a.m., for polaris' sake!" He muttered and yawned.

Ilang sandali pa, lumitaw na sa screen ang pamilyar na logo ng Carpe Corvus. Kasunod nito, lumitaw ang imahe ng kanilang pinakamamahal na lider---ang mayor ng New Eastwood. 'Kung may emergency announcement ng ganitong oras, siguradong masamang balita ang sasabihin niya,' isip-isip ni Devika. Tuluyan na nilang itinuon ang kanilang mga atensyon sa screen.

"People of New Eastwood," the man in a tailored black suit started. "For a hundred years, the four Pipes had been around to provide energy in order to power our Oxygenators. A hundred years, and we had never experienced any trouble with them...until now."

Nagkatinginan sina Devika at Erolle. Parehong binabalutan ng kaba at labis na pagtataka ang kanilang mga ekspresyon. 'Ano ba talagang nangyayari sa New Eastwood?' Wala sa sariling napahawak si Devika sa metal sa kanyang leeg. Ang naglilimita sa kanilang oras ng paghinga ng oxygen.

Bumigat lalo ang tensyon nang magpatuloy ang mayor, his dark eyes stared at the camera. Almost like he was staring right into their souls.

"Earlier, I was informed by the secretary of the Department of Oxygen and Energy that the leakage in the North-West Pipe is getting worse. Aside from that, the guards have also noted some abnormalities in the South-East and South-West…"

Panandaliang huminto sa pagsasalita ang mayor na lalo lang nakapagpakaba kina Devika. 'Leakage? I-Imposible.'

Pero sa kabila ng pagtanggi niya, alam ng dalaga na manipis lang ang harang sa pagitan ng mga bagay na "posible" at "imposible".

"Because of the energy shortage, the price for 'oxygen bars' powered by the Pipes at Fort Cassare will increase by 50%. As what my advisers and I have discussed, this will only be temporary," a fake smile played on his lips. "Temporary, until we 'resolve' this issue, for the sake of our future generation. We are expecting your cooperation."

Naglaho ang mayor sa screen, at muling napalitan ng logo ng New Eastwood.

Namayani ang sandaling katahimikan sa loob ng silid ni Erolle.

'Increase the price of oxygen bars?! And by 50%! Ano bang akala nila sa mga tao? Nagtatae ng pera? This is injustice!' Naikuyom ni Devika ang kanyang mga kamao dala ng pangigigil sa kanilang gobyerno.

Bakit ba hindi na lang sila mag-isip ng ibang paraan? Bakit walang magawa ang scientists? Kung ngayon pa nga lang ang dami nang namamatay dahil lang sa hindi sila makabili ng oxygen bars!

But as much as she wanted to throw a tantrums or rally in front of the city hall, alam ni Devika na kailangan nilang maging matalino sa kanilang mga desisyon. A rebellion will not solve anything. Not now.

"Erolle, tapos na ba 'yang ginagawa mo?"

Nang magtama ang mga mata nila ng kaibigan, alam niyang naunawaan na rin nito ang gusto niyang ipahiwatig.

Base sa narinig nila sa usapan ni General Althon at sa nalaman nila tungkol kay Dr. Furlan Lexington, mukhang may kinalaman nga ang pamilyang James at Lexington sa nangyayari ngayon. Their only hope is to inform Dmitri about this---about the chaos happening inside his own family. A chaos that can be a clue to figure out what is really happening in New Eastwood.

This is not just a coincidence.

"Hindi pa. Actually, I need your help with this, Dev." Seryosong sabi ni Erolle na muling itinuon ang atensyon sa monitor. "I need you to hack Dmitri's Oxygenator."

Kumunot ang noo ng dalaga sa sinabi nito. "Teka, iha-hack ang isang Oxygenator? Y-You're crazy!"

Erolle smirked, "I'm not. We can use the transmitter here at the Pascua compound to our advantage. Kayang magpadala ng radio waves ang transmitter patungo sa kalawakan. Kung ili-link natin ito sa Oxygenator tracking system sa cityhall at ilalagay ang coordinates ng Earth, mapapadali ang paghananap natin sa eksaktong lokasyon ni Dmitri. Pagkatapos 'non, kailangan mong i-hack ang voice command feature na naka-inbuilt sa Oxygenator niya. Kapag naging matagumpay ito, we'll be able to speak to him and know if he's alright."

Napanganga si Devika sa plano ni Erolle. Para bang ibang binata ang kaharap niya ngayon. 'Naisipan pa niyang gawin 'yon? Damn... Is this because of his Pascua bloodline?' Ngayon, parang gusto na ngang maniwala ni Devika na namamana ang pagiging matalino.

"Pero bakit hindi na lang tayo gumawa ng space capsule? We have Sir Nicholas' blueprints and I'm sure your family has materials for it!"

Napailing na lang si Erolle. "Dev, we don't have enough time to build a spacecraft. Aabutin tayo ng ilang linggo o buwan! We don't have a space capsule, but Dmitri does. Kailangan na lang natin ma-contact si Dmitri sa Earth at ipaalam sa kanya ang sitwasyon natin. Makakabalik siya rito dahil nasa kanya pa rin ang space capsule ng lolo niya. Let's just hope that it isn't damaged."

"Kahit naman siguro nasira ang space capsule, kakayanin pa rin ni Dmitri na ayusin 'yon. I have faith in him," Devika smiled.

Kapansin-pansin namang nag-iwas ng tingin si Erolle. Maya-maya pa, tumayo na siya mula sa kanyang upuan at tumikhim. "Err... Well, we have to get working. Kailangan na natin puntahan ang transmitter. Sana lang gumana ang naisip kong plano. Hahaha!"

"I know it will."

"Hmm? Why is that?"

She grinned. "Because I have faith in you, too."

At nauna nang naglakad papalabas ng silid ang dalaga, sabay hikab. Para sa kanya, walang malisya 'yon. Pero bakit parang namula ang mga pisngi ni Erolle? No. It can't be. He's just like a brother to her. Namamalikmata lang siguro siya.

'Damn. Baka nga epekto lang ito ng kawalan ng tulog.'

Sa ngayon, kailangan na nilang pagtuunan ng pansin ang paglo-locate at pangha-hack sa Oxygenator ni Dmitri...

Sana lang ay hindi niya ito sinusubukang tanggalin.

_________________________

✔Something Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon