VIGINTI UNUM

129 26 1
                                    

This chapter is dedicated to:
@Angelica Eparua Batac
_________________________

New Eastwood
June 7, 2134

✴️

"Noong sinabi kong 'imbestigahan na'tin', I meant doing something easier! You know, like searching the internet? Ever heard of it? Para saan pa ang 100 Mbps at 24/7 free public access?!"

"Shhh!" Sabay na saway ng dalawang dalaga na abala sa pagbubuklat ng mga pahina.

Ilang sandali pa, napabuntong-hininga na lang si Angelica at bumaling kay Devika. She stood up and finally closed the dusty old history book she was reading earlier. "Titingnan ko sa archives kung may mahahanap tayong libro na kumpleto ang mga pahina. These doesn't make sense at all."

"Paano kung mahuli tayo ng mga guwardiya?" Tanong ni Devika habang pasimpleng sumusulyap sa entrance ng silid-aklatan. Mula sa kinaroroonan niya, natatanaw pa niya pa si Mrs. Batac, ang head librarian ng Bibliotheca de Eastwood.

Ngumisi naman si Angelica sa kanila, "Oh, don't worry about that."

At naglakad na ito papalayo, leaving Devika alone with an irritated Erolle. It's honestly a miracle that they haven't been kicked out yet because of the curfew, but knowing her bestfriend, she knew some strings were probably pulled.

Napabuntong-hininga ulit ang binata at tamad na inusog papalayo sa kanya ang tumpok ng mga antigong aklat. Nakasimangot pa rin ito. "Again, why, for the sake of Jupiter, can't we just use the internet?! Faex! Nagsasayang lang tayo ng oras dito sa library eh! Sumobra ka na naman ng singhot sa papel---ARAY!"

Agad ring natigil sa pagsasalita ang binata nang hampasin siya ng pamaypay sa mukha.

'Puro na lang reklamo! Tsk.'

Umirap na lang si Devika at seryosong sumagot, "That's the problem, you egghead! Baka nakakalimutan mong ang gobyerno natin ang namamahala sa mga server? Kontrolado nila ang lahat!"

That was a given fact, at iyon mismo ang ikinakatakot ni Devika. Sa pagkakaalam niya, ang IT experts mismo ng city hall ang namamahala sa internet services ng buong bayan. They can have access to any personal information. They can filter or alter anything on the internet! Aaminin niya, may punto si Erolle na mas mapapabilis sana ang pagi-imbestiga nila kung gagamit na lang sila ng internet, pero walang kasiguraduhan kung totoo ang impormasyon doon.

The internet isn't 100% reliable in New Eastwood. Kung mamalasin, baka mai-trace pa sa kanila ang hahanapin nilang impormasyon.

Baka malaman pa ng gobyerno na iniimbestigahan nila ang mga nangyayari ngayon sa New Eastwood.

Kalaunan, napabuntong-hininga na lang si Erolle at sumandal sa kanyang upuan. He adjusted the goggles over his head and spoke, "Sa tingin mo ba may mahahanap din tayo rito? Dev, ilang oras na tayong nakasubsob sa mga libro! At ikaw na mismo ang nagsabi na lahat ng history books natin may kulang na mga pahina, 'di ba? Admit it or not, nagsasayang lang tayo ng pagod."

Hindi na nakaimik si Devika.

Dumako ulit ang mga mata niya sa sandamakmak na mga librong nakalatag sa harapan nila. He was right. All of these books from the archives have missing pages. Katulad ng nauna niyang nakita, pawang sinulatan at binago ang page number ng mga ito.

'Hindi ko na alam kung paano kami mag-iimbestiga. Dmitri, ano nang gagawin namin? Nasaan ka ba talaga?'

Kanina lang ay pinuntahan siya sa bahay ni Erolle at ikinuwento ang tungkol sa narinig nitong pag-uusap ng mayor at ng heneral ng Orionid Task Force. Aside from this, Erolle also told her about Dmitri's disappearance. Imposible mang isipin, pero hindi nila ma-track ang Oxygenator nito. Given the situation, malakas ang kutob niyang may alam ang gobyerno sa biglaang pagkawala ni Dmitri.

✔Something Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon