SEPTEMDECIM

155 27 2
                                    

This chapter is dedicated to:
@Eva Contem
_________________________

New Eastwood
June 7, 2134

✴️

When the glass door closed behind him, Erolle Calvein Pascua sighed in defeat.

Napakamot na lang siya sa kanyang ulo at lutang na naglakad sa isang pasilyo. Malalim na nag-iisip. Ni hindi na niya nabati ang grupo ng mga babaeng LD3 students na dumaan sa harapan niya. Yes, he was mind was just too preoccupied to even think of his fangirls. At ngayong wala rito si Devika, wala siyang dahilan para itago pa ang kanyang pag-aalala.

'Nasaan naman kaya ang siraulong 'yon? Anak ng polaris naman, Dmitri! Kapag nakita kita, baka ihagis pa kita sa kabilang solar system, eh!' Naiinis niyang isip.

Kakagaling lang niya sa opisina ng kanyang tiyuhin, ang vice mayor ng New Eastwood.

Katulad ng ipinangako niya kay Devika kahapon, Erolle made a special request to track Dmitri's Oxygenator. Alam niyang may batas sila laban sa ganitong mga gawain (NE Mayorial Order No. 560, a.k.a. "The citizen privacy act of 2090"), at ginagamit lang ito ng Orionid Task Force sa mga importanteng kaso. Pero may mas "importante" pa ba sa sitwasyong kinakaharap nila ngayon?

Earlier, his uncle handed him the results from the tracking system. Doon na nakumpirma ni Erolle ang kinakatakutan nila...

Dmitri Jude James-Lexington is missing.

He's nowhere to be found in New Eastwood!

'Faex! Paano naman nangyari 'to? Imposible siyang makaalis sa New Eastwood! Baka naman may sira lang ang Oxygenator niya?'

Kung alam lang sana ni Erolle na aabot sa ganito, sana hindi na lang niya pinagtakpan si Dmitri noong nagtago ito sa bahay ni Sir Nicholas James. Ang buong akala niya, kailangan lang nito ng oras mapag-isa. Alam ni Erolle ang pakiramdam ng mamatayan ng lolo, kaya hinayaan na lang niya. Dumagdag pa roon ang nasirang reputasyon ni Dmitri sa LD3 building.

Erolle wanted to think he just needed time to overcome depression... But depressed people don't just vanish in thin air, right?

Huminga nang malalim si Erolle at inis na ginulo ang buhok niya. Alam niyang magwawala panigurado si Devika kapag nalaman niya ang balitang ito.

"Psst! Erolle!"

Napahinto sa paglalakad si Erolle nang may biglang tumawag sa kanya. Nang lumingon siya sa kanilang pasilyo, bumungad sa kanya ang sandamakmak na mga papeles, flashdrives, at virtual notepads. From behind the stack of documents, a girl peeked at him. She looked too young to be working at the city hall, but Erolle knew better than to judge someone by their appearance.

"Oh. Hey, Miss Az! Kailangan mo ng tulong?"

Helping a girl carry a few stuff won't hurt, right? Mabuti na lang at gentleman si Erolle.

'Nasa lahi kasi namin!'

Ngumiti nang alanganin si Ms. Azleen, ang sekretarya ng mayor, at tumango. "Yup. Hay, salamat! Buti na lang nakasalubong kita. Pakidala naman 'to sa opisina ni mayor? Aasikasuhin ko pa kasi 'yong pina-order niyang space slugs."

"L-Lahat ng 'ya---?!"

"Thanks, Erolle! Kaya mo na 'yan."

Bago pa man makaangal ang henyo, bigla na lang ibinigay sa kanya ni Miss Azleen ang bitbit nito. Kamuntikan pang matumba ang binata nang mapagtanto kung gaano kabigat pala ang mga ito! 'What the heck? Bakit ganito kabigat 'to?!' It instantly made him wonder how she carried all this in the first place!

Magrereklamo pa sana si Erolle, kaso huli na.

Tuluyan nang naglaho sa kabilang pasilyo ang sekretarya habang aligaga sa kung anumang pinapaasikaso sa kanya ng butihing mayor.

✔Something Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon