This chapter is dedicated to:
@Ronil San Buenaventura✴️
Nasa tapat na ako ng gusali ng Learning Degree-3 o mas kilala bilang ang "LD3" sa New Eastwood.
Education is mandatory. Awtomatiko naming kailangang mag-aral sa pagsapit ng ika-walong kaarawan namin. This rule is applicable to all residents, except those who were chosen to be guards.
Nahahati sa "learning degrees" ang antas ng pag-aaral, base sa edad. From 8 years old to 11 years old, a student studies at Learning Degree-1 (LD1). Kapag nakakuha ka na LD1 diploma, doon ka lang pwedeng mag-enrol sa susunod na antas, ang LD2. Then, the same rule applies. Mag-aaral ka ng tatlong taon (12 years old to 15 years old) para makakuha ng LD2 diploma. When you turn 16, you'll have to enrol for LD3 and finish another three years of education until your 19th birthday.
Fortunately, I'm at my last year in LD3.
Unfortunately, since LD3 is the last educational degree, ito rin ang pinakamahirap ipasa.
Nang mai-deactivate ko na ang Aero boots ko, agad akong tumakbo papasok ng gusali. Katulad ng inaasahan ko, mabilis na na-detect ng motion sensors sa pintuan ang pagdating ko. My time of arrival was recorded. Alam kong idiniretso na rin ito sa database ng school admins, kaya wala akong pwedeng idahilan. Malalaman rin ng mga teachers na na-late na ako sa unang klase ko ngayong umaga. Faex.
What in the name of asteroids should I do now?
No choice. Ngumisi ako at in-activate ang boosters ng suot kong sapatos. Did I tell you that Aero boots can also be used on land? Oh, well...
"EXCUSE ME!"
"Aray!"
"Hoy, Lexington! Bakit ka ba nagmamadali?"
"Argh! Biningayan mo pa sapatos ko, kainis ka!"
Mahina akong natawa nang aksidente ko pang nasagi ang dala-dalang hologram presentation ng isang estudyante. Normally, I would stop to apologize, but right now, mas importanteng makarating ako agad sa klase. 'Yeah, even though I'm already late!'
I sped down the hallways and corridors.
I zoomed past the faces of several students and teachers.
Nang marating ko na ang tapat ng classroom 102, agad akong nag-retina scan. Nang makumpirma ng system ang identification ko, the electronic door buzzed open. Mabilis akong nagtungo sa likuran ng klase at natatarantang umupo sa katabi ni Erolle. Hinihingal kong inayos ang buhok ko, pero agad rin akong napahinto nang mapagtanto kong pinipigilan niyang matawa.
"Anong meron? At nasaan si Ms. Angela?"
Soon, Erolle bursted out laughing like a lunatic. Naging dahilan ito para mapalingon sa'min ang ibang mga estudyante. Maging si Devika na busy kanina sa pakikipagkwentuhan sa kaibigan niyang si Angelica, biglang napatingin sa'kin.
A sly smile on her lips.
"Hi, Dmitri! Buti naman maaga ka ngayon."
Napanganga ako. Noong mga sandaling 'yon, alam kong napagkaisahan na naman nila ako.
I frowned. "What in the name of asteroids? 'Wag niyo sabihing niloko niyo lang ako kanina?! I'M NOT REALLY LATE, AM I?!"
"HAHAHAHAHAHAHA!"
Sabay na humagalpak nang tawa sina Erolle at Devika.
Naikuyom ko na lang ang mga kamao ko sa inis at mahinang napamura ulit. "Futue te ipsi!" Minsan talaga gusto ko nang ihagis sa kabilang solar system ang dalawang 'to. Pagod akong sumandal sa backrest ng upuan at huminga nang malalim. Nakakagago talaga kapag may kaibigan kang ganito.
BINABASA MO ANG
✔Something Out There
Science Fiction"He is never coming back, isn't he?" Several years ago, Dmitri Lexington lost his father to the unknown universe beyond their indigo skies. Growing up, he had to endure his loss and adapt to the twisted policies of their society. Isang gabi, nang tu...