QUINQUAGINTA SEPTEM

83 27 1
                                    

David Lexington.  

Former assistant of ex-scientific adviser and astrophysicist Sir Nicholas Gregor James; son of the shameful ex-NESO scientist, Dr. Furlan Lexington; the man who was banished to Earth eleven years ago for unknown reasons; "Tatay David" and the stranger of the village of Oblitus.

A man with many roles.

Pero sa kabila ng mga nakakamanghang papel na ginaganpanan ni Mr. David Lexington sa istoryang ito, isang mahalagang karakter ang nakalimutan niya yatang ipakita: ang pagiging isang haligi sa nawasak na naming pamilya.

Hindi ko na alam. Ano ba ang dapat kong maramdaman? Should I be happy that I finally get to meet him again? Alarmed because of his injuries? Or should I be angry because he's a traitor to New Eastwood?

At this point, I refuse to believe that life is fair. Because, for me, it never was and it never will. The universe must be laughing at me right now; mocking my existence. Hindi ko na alam. Palagi akong naiipit sa mga personal kong problema, at ni minsan, walang nagturo sa'kin kung paano makakawala.

Nakakasakal.

Sa huli, pagak akong natawa. Walang kabuhay-buhay. Walang bahid ng saya. Noong mga sandaling 'yon, hinayaan ko nang dumausdos ang mga luha sa pisngi ko.

Nawalan na ako ng ganang pigilan ang mga 'to.

Whether I cry or not, it doesn't change the fact that I'm already hurting inside.

"You shouldn't be here."

Mahina.

Noong una, akala ko hindi niya ako narinig. Nakayuko ako, pero ramdam kong nakatuon ang atensyon niya sa'kin. Maya-maya pa, napabuntong-hininga na lang si David Lexington.

"Anak, alam kong marami akong hindi naipaliwanag sa'yo---"

"Save it. Hindi mo ba nakikitang huli na ang lahat? Nanganganib na ngayon ang New Eastwood dahil sa naging mga desisyon mo, pa. Hindi mo ba nakikita? Lumala ang problema ng bentahan oxygen bars dahil sa'yo. You think everyone can afford to live in this artificial hell?! People are dying because you messed with Pipes!" I snapped, not realizing my hazel eyes glared at him.

My voice echoed and left an emptiness in its wake.

An emptiness that can no longer be filled by the person I once idolized.

Sa likuran ko, naramdaman ko ang presensiya nina Nesrin at Devika. Kung nagulat man sila sa hindi inaasahang pagtatagpong ito, mas pinili na lang nilang manahimik. I wouldn't be surprised if they can actually feel the tension between me and my father.

Huminga ako nang malalim, at sinubukang pakalmahin ang sarili ko.

'I have no time to deal with this. Ang kaligtasan ng New Eastwood ang priority namin ngayon,' I reminded myself and swallowed the lump forming in my throat. Ano na lang kaya ang iisipin ni mama kapag nalaman niyang nandito na siya? Damn.

Nagsasabay-sabay.

"Umm... Dmitri?"

Nesrin's voice pulled me back to reality. With one last glance at the aged man, tuluyan ko na siyang tinalikuran para kausapin ang dalawang dalaga.

"We have to go."

Devika opened her mouth to object, glancing at the man behind me. Pero sa huli, mas pinili na lang niyang itikom ang kanyang bibig sa usaping ito. She knew that family matters are always too sensitive.

"F-Fine."

Samantala, nagpapabalik-balik naman ang tingin ni Nesrin sa'kin at kay papa. For eleven years, she treated him as her father figure. Kung may iba pang nasasaktan sa mga pangyayaring 'to bukod sa pamilya namin, siya iyon. Nesrin is confused and hurt, too. Nakikita ko sa mga mata niyang gusto niyang magtanong at pairalin ang kanyang kuryosidad, but just like Devika, Nesrin knew this isn't a good time for that. Malaki ang nakataya sa misyon naming ito.

✔Something Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon