New Eastwood
June 13, 2134✴️
"Impact event" ang tawag sa salpukan ng dalawang "astronomical objects" (katulad ng mga asteroids, comets, at mga planeta) na maaaring direktang makaapekto o hindi sa atin. In most cases, the impact event of asteroids in outer space have minimal effect on us.
Pero syempre, ibang usapan na kung "impact event" sa pagitan ng isang meteor at planeta ang mangyayari.
Isang magandang halimbawa na rito ay ang nangyaring pagbagsak ng "Chelyabinsk meteor" sa Russia (sa Earth) noong taong 2013. Ayon sa nakalap kong impormasyon, 30 times na mas malakas ito kaysa sa nangyaring nuclear bombing sa Hiroshima, Japan. It was also reported that a total of 7,200 buildings were damaged because of the impact.
Why am I telling you all this?
Well, aside from the fact that my "astronomy geek" side is probably controlling me, maihahalintulad ko ngayon sa isang "Chelyabinsk meteor" ang impormasyong inilahad sa'kin nina Erolle at Devika.
Because it really left an impact.
"I-Ipinatapon? Naging assistant ni Sir Nicholas si papa... W-What are you talking about? Hindi niya gagawin 'yon!"
Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi makatingin sa'kin nang maayos sina Devika at Erolle. Sa labas ng bintana, natanaw ko ang ibang mga Aero cars at mga estudyanteng nagmamadali sa paglipad para makahabol sa kanilang mga klase.
'Times flies when you're trying to save two worlds.'
"At bakit naman ipapatapon ng lolo ni Dmitri si Tatay David? Hindi siya masama! H-Hindi niya magagawang manakit ng iba..."
Nahimigan namin sa tono ng boses ni Nesrin ang kanyang pag-aalinlangan. Why is she having doubts? Faex. Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko.
'Ano ba talagang kinalaman ng pamilya ko sa gulong ito?'
Huminga ako nang malalim at pinakinggan ang paliwanag ni Devika.
"Hindi rin namin alam, Dmitri. We just overheard the general talking about it. Binalikan ko ulit kagabi ang na-scan naming pahina ng journals ni Sir Nicholas, pero walang nakalagay roon tungkol sa pagpapatapon niya kay Mr. Lexington."
Hindi na ako nakaimik. Kung ganoon, sinadya ni Sir Nicholas na ipadala sa Earth si papa? Did he know that my father won't be able to return? What in the name of asteroids is really going on here?
"Quack!"
I sighed and stared at Galileo who was sitting my lap. Nararamdaman rin siguro niya ang pagkabalisa ko. Sa hindi ko malamang dahilan, naiipit kami sa misteryong ito.
"You don't think my father's a bad guy, right?"
"QUACK! QUACK!"
Ano bang sinasabi ko? Of course, he can't answer that! Hindi nga pala nakilala ni Galileo si papa. Ilang sandali pa, inanunsiyo ni Erolle na papalapit na kami sa Fort Cassare. True enough, we can see the giant stone walls from a distance. Mula rito, nakikita na namin ang pila ng mga tao sa entrance at ang mga gwardiyang nagbabantay sa paligid.
"Dmitri, about the rectus corpses in Oblitus..."
My eyes found Nesrin's in the rearview mirror. Bakit mukha siyang kinakabahan?
"What is it?"
Sandaling katahimikan. Maging sina Erolle at Devika ay hinihintay ang kanyang sasabihin.
"Nesrin? Anong problema?"
She sighed. "W-Wala naman."
Sa kabila ng pag-usig ng kuryosidad sa isipan ko, hindi ko na siya tinanong ulit. Alam kong may gumugulo na naman sa isip niya, pero kung ayaw niyang pag-usapan, I'll respect that. That's one important lesson I've learned: Sometimes we need to set aside our curiosity to give other people their privacy.
BINABASA MO ANG
✔Something Out There
Science Fiction"He is never coming back, isn't he?" Several years ago, Dmitri Lexington lost his father to the unknown universe beyond their indigo skies. Growing up, he had to endure his loss and adapt to the twisted policies of their society. Isang gabi, nang tu...