This chapter is dedicated to:
@Hemmo Winchester✴️
Sa loob ng council house, pakiramdam ni Nesrin ay sinasakal siya ng Elders kahit pa ilang talampakan naman ang layo niya sa mga ito.
'Hindi na nga ako magtataka kung posible talaga 'yon. Hmph!' She rebelliously thought.
The light of candles and the smell of incense.
They were in the same room where Nesrin saw Celsius talking to them a couple of days ago. Noong araw na nawala si Tatay David. Ayaw na sanang balikan ni Nesrin ang alaalang 'yon dahil lalo lang siyang nag-aalala para sa itinuring niyang pangalawang ama, but she couldn't help but recall how much things have changed since then.
Sa loob ng ilang araw, maraming nagbago.
Aside from that "intimidating aura" of the village Elders, of course.
"Ang kasal na ito ay magiging tulay para mas mapagtibay ang pakikiag-alyansa natin sa ibang pamayanan. The village of Madefio had already agreed to the terms of this union," seryosong sabi ni Tandang Isidro, ang lider ng Elders.
Nagpantig ang mga tainga ni Nesrin sa kanyang narinig. Gusto na niyang masuka.
'Nababaliw na nga sila! Do they really expect me to marry someone I don't even know?!' Sa totoo lang, gustong-gusto na niyang humagalpak nang tawa o tumakbo papalabas ng council house. This is stupid. Ang dami-dami nilang problema, tapos may kasalan pang magaganap?
"Inaasahan namin ang kooperasyon mo, Nesrin." One of the other Elders said. Despiye his age, his eyes were sharp and calculating.
"Paano kung ayaw ko?"
Umismid naman ang katabi nitong may bigote. "Psh. Kung inaakala mong nakalimutan na namin ang panggugulo ninyo sa ritwal noong isang gabi, nagkakamali ka! This is a chance to redeem yourself, Cavanaugh."
"Redeem myself?"
Napabuntong-hininga si Tandang Isidro at tumango. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon nito. Nesrin can see the warning look in the old man's eyes.
"If you agree to this marriage, patatawarin ka namin sa tangkang pagliligtas sa estrangherong pumapatay sa mga ka-nayon natin. You will be saved from your sins, Nesrin. Pero kung hindi mo gagawin ang tungkuling ito, wala na kaming magagawa kung hindi ituring na rin kayong mga traydor."
Mga traydor?
"A-Ang ibig sabihin nito..."
"At alam mo naman siguro kung ano ang nangyayari sa mga taong itinuturing na traydor sa Oblitus, hindi ba?" Pagpapatuloy nito na para bang normal nang sabihin ito. Walang bahid ng awa o pag-aalinlangan, "You and your brother will be executed in public."
Executed.
Yes, that is exactly what happens to those who are labelled as traitors of this village.
Inaasahan na ni Nesrin na marinig ang mga salitang ito, pero hindi niya pa ring maiwasan ang panginginig ng kanyang mga kamay. Wala sa sarili siyang napahawak sa diyamanteng kwintas. Ang huling alaalang iniwan ng kanilang nanay.
Indeed, the Elders know how to punish someone.
She had already witnessed it herself.
But then again, she refuses to be their puppet.
Inis na tumayo si Nesrin mula sa pagkakaupo niya sa harapan nila. Sa kasamaang-palad, tuluyan na yata siyang nawalan ng respeto sa kanila.
"So, that explains why you chose me for the arrange marriage? To pay for MY sins? I'm sorry, pero sa pagkakaalam ko mas marami kayong kailangang bayaran... You can't just sacrifice an innocent man! Walang ginagawang mali si Tatay David, at hindi porke't itinuturing niyo siyang 'estranghero' sa Oblitus, siya na agad ng pagbibintangan ninyo! WALA SIYANG KASALANAN!" Tumalim ang tingin sa kanya ng Elders, pero hindi na niya 'yon inalintana.
BINABASA MO ANG
✔Something Out There
Science Fiction"He is never coming back, isn't he?" Several years ago, Dmitri Lexington lost his father to the unknown universe beyond their indigo skies. Growing up, he had to endure his loss and adapt to the twisted policies of their society. Isang gabi, nang tu...