This chapter is dedicated to:
@Helle Española
_________________________Village of Oblitus
June 7, 2134✴️
Hindi alam ni Nesrin kung gaano katagal na siyang nakatitig sa kanyang repleksyon sa salamin.
Usually, she wouldn't even bother to brush her hair or wear "eye-catching" clothes. Bukod sa hindi siya sanay, wala rin siyang nakikitang dahilan para magpaganda. Then again, she had never been the "girly" type to begin with, unlike Irish.
Pero ngayon, hindi maunawaan ni Nesrin kung bakit nagiging conscious na siya sa kanyang histura. Makailang-ulit na niyang pinagtangkaang abutin ang kanyang suklay, subalit palagi lang siyang nagdadalawang-isip.
"Alam ko naman na 'weird' talaga ako...but why am I acting weirder than normal?"
If that made any sense, of course.
Sa huli, mabilis siyang umiling at sinimangutan ang sarili sa salamin. Marami pa siyang kailangang problemahin kaysa sa kanyang hitsura. Hindi niya babaguhin ang sarili niya kung hindi naman siya magiging kumportable.
In the end, she just reached into her worn sling bag at pulled out the diamond necklace.
'Pero wala namang masama kung susuotin ko ito, 'di ba?'
Kaya bago pa man siya makapagdalawang-isip, ibinuhol na niya ang itim na tali nito sa kanyang leeg at mabilis na isinuot ang kanyang sandals. She dusted off her beige-colored dress and sneaked out of her room.
Tahimik siyang naglakad sa pasilyo. Papasikat pa lang ang araw, kaya paniguradong tulog pa ang kanyang kapatid...
"I already told you, you're not good at sneaking out."
Agad na huminto si Nesrin sa paglalakad at kabadong lumingon sa kanyang likuran. Napakamot na lang siya sa kanyang ulo at ninenerbyos na ngumiti sa kuya niyang parang palaging pinagsakluban ng langit at strawberry printed apron. Nakahalukipkip pa ito.
"G-Good morning, Celsius!"
Poker face.
"Umm... Inayos mo ba 'yong buhok mo? Parang may iba sa'yo, eh!"
Poker face.
'Sana ayusin mo rin ang mukha mo, kuya.'
"Cel---"
"Saan ka na naman pupunta?"
Lagot.
Minsan napapaisip na lang siya kung saan ba talaga ipinaglihi ng nanay nila si Celsius. Napabuntong-hininga na lang si Nesrin. Alam niyang wala ring silbi ang pagsisinungaling sa isang 'to.
"Plano ko sanang isama si Dmitri sa pag-iikot sa Oblitus ngayon. Nagbabaka-sakali lang ako na baka mahanap namin si Tatay David o may makapagturo mang lang sa kinaroroonan niya," pag-amin niya.
Tumalim ang mga mata ni Celsius. Halatang hindi gusto ang ideya niya. "After ruining the ritual last night? Tsk. Ngayong alam na ng Elders na kasabwat tayo ni Dmitri, hindi natin alam kung anong kaparusahan ang naghihintay sa'tin. Do me a favor and stop being an idiot. "
Napasimangot si Nesrin. "Kung plano tayong parusahan ng Elders, eh 'di sana kagabi pa sila nagdala ng mga tauhan nila! They know where we live, Celsius. If they wanted to hurt us, they should've done it by now!"
Kagabi pa talaga iniisip ni Nesrin kung bakit hindi pa kumikilos ang Elders. Surely, they got mad because of the riot they caused last night, right? Alam niyang maliit lang ang posibilidad na idadaan lang ng Elders sa "matinong usapan" ang ginawa nila kagabi, but she's still hoping that's the case. Malay natin, 'di ba?
BINABASA MO ANG
✔Something Out There
Science Fiction"He is never coming back, isn't he?" Several years ago, Dmitri Lexington lost his father to the unknown universe beyond their indigo skies. Growing up, he had to endure his loss and adapt to the twisted policies of their society. Isang gabi, nang tu...