This chapter is dedicated to:
azicraze✴️
Unlike the Enlightened Followers of Polaris, I never believed in a thing called "karma". Bukod sa wala naman kasing scientific evidences para rito, hindi ko pa naman naranasan ang ganito...
Pero mukhang magbabago na ang paniniwala kong 'yon. Nakakatawang isipin na sa loob lang ng ilang araw, parang binabasag ng reyalidad ang lahat ng mga paniniwala ko.
"Sino ka?"
I was pulled out of my thoughts when Celsius' voice drifted through the silence.
Itinuon namin ni Nesrin ang atensyon namin sa lalaking nakatali sa upuan. Base sa hitsura nito, maaaring kasing-tanda niya lang si papa. The man we (unintentionally) saved a while ago sported a beard and a rogue appearance. Payat ito at marumi ang suot na damit na yari sa pinagtagpi-tagping tela. He reminded me of those beggars in Invio district. 'Malayong-malayo ang hitsura niya kay papa. Faex! Bakit ba hindi ko agad napansin kanina?'
Then again, it was hard to distinguish his features with the cloth that covered his head and the lack of lighting. Isa pa, hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko dahil higit isang dekada ko nang hindi nakikita si Mr. David Lexington. I only remember bits of what he looked like from my childhood memories, and that's the saddest part.
"BITIWAN NIYO AKO! Tangina, wala akong ginawang kasalanan sa inyo!"
Huminga nang malalim si Celsius at sinamaan ng tingin ang pumapalag pa naming "hostage".
"Tinanong kita nang maayos kaya sumagot ka nang maayos."
Bumalik ang pagbabanta sa malamig na boses nito. In an instance, that made the man cower in fear.
'Scaring him won't do any good,' I thought.
Para namang nabasa ni Nesrin ang iniisip ko kaya't agad niyang hinila papalayo ang kuya niya bago pa man siya makagawa ng bagay na pagsisisihan namin. Celsius was reluctant at first, pero nang makita niya ang seryoso kong ekspresyon, hinayaan na niya ako. Alam nilang sa aming tatlo, ako ang pinaka-apektado sa mga nangyayari ngayon.
Hinarap ko ang lalaking matalim ang tingin sa'min.
I sighed and tried to calm myself. "Hey? I'm sorry we had to tie you up. May mga gusto lang sana kaming itanong sa'yo. Pagkatapos nito, papalayain ka na namin."
Matagal na hindi kumibo ang lalaki. Damn. Mali yata ang desisyon naming isama siya pabalik dito... Pero hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa ngayon, umaasa kaming may alam siya kung nasaan si papa. We can't risk going back to the temple and it'll only be a matter of time before the Elders go after us.
Damn. Naguguluhan na rin ako sa mga nangyayari ngayon...
"Gabrio."
Nabigla kami nang, sa wakas, sumagot nang maayos ang lalaki.
Well, that's improvement.
Huminga siya nang malalim at ipinagpatuloy ang pagsasalita, "Gabrio ang pangalan ko, bata... at wala akong ideya kung bakit ako napunta sa ganoong sitwasyon."
"Anong ibig mong sabihin?" Mahinang tanong ni Nesrin.
Pagak namang natawa si Gabrio. "Hahaha! Tangina. Nananahimik lang ako kahapon habang natutulog sa labas ng isang tindahan, tapos bigla na lang akong dinakip ng mga tauhan ng Elders. Wala na akong masyadong maalala. Ngayon, pakawalan niyo na ako."
Nagkatingin kaming tatlo nina Nesrin at Celsius. Alam kong iisa lang ang tanong na naglalaro sa isip namin ngayon: Bakit ba ito ginagawa ng Elders?
BINABASA MO ANG
✔Something Out There
Science Fiction"He is never coming back, isn't he?" Several years ago, Dmitri Lexington lost his father to the unknown universe beyond their indigo skies. Growing up, he had to endure his loss and adapt to the twisted policies of their society. Isang gabi, nang tu...