TRIGINTA QUATTOUR

137 26 1
                                    

Village of Oblitus
June 11, 2134

✴️

"Martilyo."

"Quack!"

"Slotted screwdriver."

"Quack!"

"Isang baso ng malamig na tubig."

Natigilan ako nang mapansin kong natahimik si Galileo. When I turned to look at him, I chuckled when I noticed his expression. He tilted his head to the side, para bang hindi makapaniwala sa pinapakuha ko sa kanya. Siguro kung nakakapagsalita lang si Gali, baka kanina niya pa ako minura. He knew he won't be able to give me a glass of water.

'Smart duck, indeed.'

I patted his head and chuckled, "Fine. I'll get it myself."

Bitiwan ko muna ang inaayos kong panel at pinunasan ang pawis ko gamit ang bimpong tinangay noon ni papa sa'kin. Nang akmang tatayo na sana ako para kumuha ng maiinom, tumambad sa harapan ko ang isang basong naglalaman ng malamig na tubig. Nang mag-angat ako ng tingin, agad kong nasilayan ang isang ngiti mula sa mga labi ni Nesrin.

Wala sa sarili kong kinuha ang baso.

"Quack!" She mimicked and sat beside me, laughing.

Hindi ko maiwasang mapangiti. "Hindi mo bagay maging pato."

As if on cue, Galileo jumped into her arms and---

"QUACK!"

This time, I didn't bother deciphering what he said.

Pagkatapos kong uminom, agad akong bumalik sa ginagawa ko. Huminga ako nang malalim at pinunasan ang salamin ko sa mata. 'Anak ng polaris. Kanina ko pa ginagawa 'to, but it still looks like a complete mess!' Isip-isip ko habang tinitingnan ang sira sa space capsule.

Sa totoo lang, hindi ko na alam kung ilang oras na akong nandito, but the sun overhead gave me an idea that it was a little past noon time.

Nakakapagod palang maging imbentor.

O baka naman sadyang nakadagdag lang sa pagod ko ang halu-halong mga emosyong nararanasan ko mula pa kagabi?

Until now, my mind was having a hard time processing everything that's happening. Nang makausap ko kagabi sina Devika at Erolle, nakaramdam ako ng saya at pagkamangha. Damn, who wouldn't be? My bestfriends just contacted me from outer space! Gustuhin ko mang alamin kung paano nila ito ginawa, I knew there were other matters to be concerned about.

Nagkakagulo na sa New Eastwood.

Habang tumatagal, lalong nakakaalarma ang sitwasyon. Hindi ko alam kung anong eksaktong plano ng gobyerno o kung paano ito konektado sa nangyayari ngayon rito sa Oblitus, but I know what I need to do...

I need to go home, with or without my father.

That's the reason why I didn't sleep last night to work on fixing this space capsule. Maybe that's also the reason why I'm feeling a bit sad today.

"Hala! Dmitri, mali naman ang ginagawa mo, eh! Dapat inalis mo 'tong wire at----"

"Faex. Nesrin, 'wag mong pakialaman 'yan!" Napabalik na lang ako sa kasalukuyan nang biglang ginalaw ni Nesrin ang ilang piyesa sa panel.

What in the name of asteroids? Nababaliw na ba siya?!

Napapikit na lang ako habang hinihintay ang malakas na pagsabog o anumang trahedyang mangyayari. Lumipas ang ilang sandali, wala pa rin akong narinig. Nang magmulat ako ng mga mata, I saw the LED lights finally blinking to life. Napanganga na lang ako nang mapagtanto kong napagana na niya ang kanina ko pa sinusubukang ayusin.

✔Something Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon