SEPTEM

184 35 4
                                    

This chapter is dedicated to:
@Dannieca Buyayo

✴️

"Alam na nilang lolo mo si Sir Nicholas. Alam na ng lahat na galing ka sa angkan ng mga James."

The last time I wanted everything to be a nightmare was when my father ventured across the sky, eleven years ago. Labing-isang taon na ang nakararaan, pero malinaw ko pa rin itong naaalala. Ang huling beses na ginulo niya ang buhok kong pinaghirapang ayusin noon ni mama para sa "okasyon" na iyon. Kung alam ko lang sanang hindi na siya babalik, I would never had said my goodbye with such an innocent smile on my face.

A smile that had been so ignorant to the dangers lurking in every corner of reality.

Ngayon, binigyan na naman ako ng tadhana ng pagkakataong sabihin ulit ito...

Sana isang bangungot na lang ang lahat.

Devika and Erolle started counselling me like all good friends do when they know their bestfriend's life is screwed. I didn't listen. Lihim na lang akong nagpasalamat nang umalingawngaw ang tunog ng mga in-built alarm system sa learning bands namin. 'Classes are about to start,' I nervously thought but didn't move.

Nang mapansin ito ng dalawa, nag-aalala silang lumingon sa'kin.

"Hey? Okay lang 'yan! Hindi ka naman namin huhusgahan. It's not so bad---!"

"BECAUSE IT'S REALLY BAD! Kung nakita mo lang kanina ang reaksyon ng mga kaklase natin, parang ikinakahiya ka na nila! In fact, they're all calling you a lunatic, too! Kalat na sa lahat ng LD buildings!"

"EROLLE!"

"What? I was just telling the truth! Psh."

Huminga ako nang malalim at pinilit ngumiti. 'Stay cool, Dmitri. Magpanggap ka na lang na hindi ka naaapektuhan, tulad ng palagi mong ginagawa,' my rational part reminded me. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang nalaman na nila ang totoo. At simula sa puntong ito, alam kong magbabago na ang lahat.

I smirked.

"Kung mag-aaway lang kayo hanggang mamaya, baka lalo tayong hindi makakakuha ng LD3 diploma. Tara na," pag-aaya ko sa kanila at nauna nang lumabas ng robotics lab. Naramdaman kong ang pagsunod sa'kin ni Galileo.

"Quack!"

A simple gesture of loyalty.

Alam kong natulala na lang ang dalawa kong kaibigan sa pagbabago ng ugali ko. Hindi siguro nila inaasahan ang ganitong reaksyon sa'kin, sa kabila ng pagkakabunyag ng sikretong matagal ko nang iniingatan. For now, I'll act like it doesn't bother me.

For now, I will act like Dmitri Jude J. Lexington, one of the coolest guys in this building---not some astronomy geek with a shameful ancestry.

Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang panindigan ito.

*

Every other day, the LD3 admins allow us to watch news on the giant hologram projector per section. Sa iisang TV station lang ito naka-link at madalas live pa ang pinapanood naming footage. Tumahimik ang buong klase habang nakatutok ang mga mata namin sa screen.

"M-Maawa kayo...p-please, don't ki---GAAAAH!"

Walang nagtangkang magsalita sa amin.

Sa paanan ko, napansin kong hindi mapakali si Galileo habang pinapakinggan ang mga tunog. It's almost like he wanted to cover his ears from the way he keeps hiding his head behind my shoe. Walang-gana kong itinuon ang atensyon ko sa screen habang isinasagawa ang Execution-40. Marahas na kinaladkad ng mga gwardiya ang mga residenteng nahuling lagpas 40 years old na. Ang ilan sa kanila ay pinipilit pang maglahad ng mga pekeng dokumento para dayain ang kamatayan. Of course, nothing can escape the trained eyes of the Orionid Task Force. Agad nilang na-verify ang mga ito, dahil sa ilang security features na tanging sila lang ang nakakaalam. 'They weren't hand-picked by the mayor for nothing.'

✔Something Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon