Village of Oblitus
June 9, 2134✴️
"Didn't anyone tell you that it's rude to stare, kid? Tsk!"
'What in the name of asteroids? So I'm the one who's being 'rude' now?' Napasimangot na lang ako, hindi pa rin inaalis ang matalim kong tingin sa kanya.
"It's rude to avoid answering questions, too."
"Eh?"
"Hindi mo pa rin sinasabi sa'kin kung paano ka napadpad dito. As far as I know, people don't just appear on another planet like a mushroom."
Unless they have a space capsule, of course.
Pagak na natawa si Gabrio, nakatuon pa rin ang atensyon niya sa pagbubutingting ng Oxygenator sa leeg ko.
Sa kasamaang-palad, dahil sa biglaang pag-uwi nina Celsius at Nesrin kahapon mula sa council house, hindi ko na ito napatanggal kay Gabrio. Oo, tinanggap ko ang inaalok niyang "tulong" para tanggalin ito. In all honesty, I don't know what shocks me more---him claiming to be able to remove an Oxygenator or that he admitted he came from New Eastwood!
Such a twist of events, indeed.
Alam kong hindi siya dapat pinagkakatiwalaan. Pero matapos ko itong pag-isipan magdamag, napagdesisyunan kong sakyan na lang ang mga sinasabi niya. Bukod sa wala namang mawawala sa'kin kung sakali, pagkakataon ko na rin ito para alamin ang katotohanan sa likod ng pagkawala ni papa. Yes, I still don't believe he doesn't know anything about my father's disappearance.
If I could just get him to talk, I may get a clue.
"Paano ka napadpad dito sa Oblitus, Gabrio? Ilang daang milya ang layo ng New Eastwood sa planetang ito."
Sandaling natigilan ang nakatatanda sa pag-ikot ng screwdriver. May hindi maipaliwanag na emosyong sumilay sa kanyang mga mata. An emotion that's between anger and remorse. Kamuntikan ko nang hindi nahagip ang sinabi niya...
"New Eastwood isn't as far away as you think it is. At kung inaakala mong ang pagsakay sa isang spacecraft lang ang paraan para lakbayin ang distansya sa pagitan ng New Eastwood at Oblitus, mukhang marami ka pa ngang hindi nalalaman sa mga sikreto nila, bata..."
Kunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ibig sabihin, pwedeng akong pumunta ng New Eastwood o ng Oblitus nang hindi gumamit ng space capsule?"
Hindi umimik si Gabrio. Magtatanong pa sana ako nang mapadaing ako sa sakit nang higpitan niya ang Oxygenator sa leeg ko.
"ARAY! Fute te ipsi! Pinapatay mo ba ako?!"
Tsk. Mukhang nagkamali nga ako ng hiningian ng tulong. Sabi na nga ba, dapat ako na lang mismo ang gumagawa nito.
Napapailing na lang si Gabrio, sabay ikot ng isang pang wire sa pagitan ng hawak niyang plais. "Mas mainam pang 'wag mo nang alamin, bata. Mapapahamak ka lang. Knowing too much will only get you banished from New Eastwood---like what they did to me... Or it can get you killed like what happened to the others."
Pakiramdam ko, may mas malalim pang kahulugan sa likod ng mga salitang 'yon. It only added to the list of questions running around in my head, giving me a headache. Faex. Ano ba talagang nangyayari rito? At paano nagkaroon ng koneksyon ang New Eastwood at Oblitus?
"QUACK! QUACK!"
Napalingon na lang kami nang naglakad papalapit sa'min ang alaga kong pato. Galileo's colorful feathers looked out of place inside the dull-colored shed. Napangiti na lang ako. "Naiinip ka na ba?"
"Quack!"
Again, is that a "yes" or a "no"? Kailangan ko na yatang maghanap ng duck dictionary (or should I say, "Quack-tionary") para magkaunawaan kami ng alaga ko. Maya-maya pa, umakyat sa ulo ko si Galileo at ginawa na namang pugad ang buhok ko. I didn't mind. Right now, having a messy hairstyle is the least of my problems.
BINABASA MO ANG
✔Something Out There
Science Fiction"He is never coming back, isn't he?" Several years ago, Dmitri Lexington lost his father to the unknown universe beyond their indigo skies. Growing up, he had to endure his loss and adapt to the twisted policies of their society. Isang gabi, nang tu...