VIGINTI QUINQUE

152 31 5
                                    

This chapter is dedicated to:
@Aneesha Nicole Solito

✴️

Hindi ko alam kung ilang oras ko nang kinakalikot ang suot kong Oxygenator.

"Quack!"

I sighed. "Galileo, kapag namali ako ng putol ng wire at bigla akong bumulagta rito, gusto kong malaman mong nakapangalan sa'yo ang life insurance ko."

"Quack! Quack!"

Alam ko namang tinanggap ko na ang pagiging miyembro ng angkan ng mga James, pero hindi ko naman alam na ganito kahirap gawin ito. I don't know if it's because I'm inexperienced with these kinds of stuff, because I'm still bothered by the "theory" that New Eastwood came from Earth, or because my father "possibly" knows a whole lot more.

Baka nga "all of the above" pa.

Ang daming katanungang gumugulo sa isip ko, pero walang ni isang sagot. Walang nagbibigay ng sagot.

This mystery is really getting even more mysterious.

For the nth time this afternoon, inis kong binitiwan ang hawak kong plais at sumandal sa upuan. 'Faex. Sumasakit na ang ulo ko... Paano ba nakalas ni papa ang Oxygenator niya?'

Noong mga sandaling 'yon, dumako ang mga mata ko sa labas ng bintana.

Mula rito, natatanaw ko ang bakuran ng bahay ng mga Canavaugh at ang lumang bodega sa di-kalayuan. Naningkit ang mga mata ko nang mapansin kong bahagya pang nakabukas ang pinto nito. Inayos ko ang salamin sa mata ko. I leaned closer to get a better view. Iniwan ba talaga ni Celsius na nakabukas ang bodega?

O baka naman...?

"What in the name of asteroids? Baka nakatakas si Gabrio!"

"Quack!"

'Good thing I'm prepared, though.'

Wala na akong inaksayang oras at mabilis kong binuksan ang bintana. In-activate ko muna ang suot kong Aero boots at sumaludo sa alaga kong Mandarin duck bago ako tumalon. The warm air rushed around me as I zoomed towards the shed. Inaamin ko, nakaka-miss lumipad at makipag-unahan sa Aero cars sa himpapawid, but I'll talk about that some other time.

Sa ngayon, kailangan ko na munang alamin kung anong nangyari sa "hostage" namin.

Nang mabalik na ako sa lupa, maingat kong itinulak ang pinto at pinakiramdaman ang paligid.

"Gabrio?"

Walang sumagot.

Napasimangot na lang ako at naglakad papasok sa loob. Agad din akong sinalubong ng nakabibinging katahimikan. It was dark and cramped with old hunting equipment. Nang pasadahan ko ng tingin ang paligid, napansin kong bakante na ang upuan.

The ropes that bounded him laid lifelessly on the floor.

Doon na ako kinabahan.

'Faex! Nasaan na siya?!'

Bago pa man ako makapaghanap, naramdaman ko ang presensiya niya sa likuran ko.

"Nandito ka ba para tanungin ulit ako, bata?"

Pinuno ng baritono niyang boses ang katahimikan sa apat na sulok ng bodega. Standing behind me, his tall and lanky figure casted a shadow on the ground. Mahina akong napamura at mabilis na nilingon ang lalaki. I went into a fighting stance, just in case he attacks. Hanggang ngayon, hindi namin alam kung mapagkakatiwalaan ba o hindi ang isang 'to. I won't take any risks.

'Sa sitwasyon namin ngayon, kahit sino ay pwedeng maging kaaway.'

Pero hindi dumating ang inaasahan kong pag-atake. Instead, the sound of a metal tray being placed on top of an old, wooden table stopped me. 'T-Teka, hindi ba niya ako aatakihin?'

Matapos ilapag ni Gabrio ang tray na naglalaman ng pagkain, kumuha siya ng tinapay ay inalok ito sa'kin.

"Want some?"

"Err... No, thanks."

Nagkibit lang siya ng balikat at sinimulan nang kumain. Maya-maya pa, nang mapansin niya ang nagtataka ko pa ring ekspresyon, huminga siya nang malalim at sinimulang magpaliwanag. "Pinakawalan na ako ni Celsius kahapon, bata. He even insisted I help myself to their kitchen in case I get hungry. Hindi ba niya nasabi sa'yo?"

'Wala namang sinasabi si Celsius, ah?'

Noong mga sandaling 'yon, sumulpot sa isipan ko ang mga kaganapan kagabi. Dahil sa biglaang balita ng pagpapakasal ni Nesrin, wala na kaming ibang napag-usapan pa. Not that we had time to do so, anyway. Bukod doon, hindi naman talaga pala-salita ang isang 'yon.

Kung pinakawalan na nga siya ni Celsius, ibig sabihin lang nito ay wala siyang hatid na banta sa'min. Pero ang ipinagtataka ko...

"Kung pinalaya ka naman pala ni Celsius, bakit hindi ka na lang umalis dito?"

Really, shouldn't he just run away or something? That's the most logical thing to do.

Nilagok muna ni Gabrio ang tubig sa kanyang baso bago natawa nang pagak. "Kahit pa umalis ako rito, wala naman akong partikular na pupuntahan. Palaboy-laboy lang ako sa mga lansangan ng Oblitus, bata. Besides, I'm not an idiot to miss out the opportunity of free food." Itinaas niya ang hawak na tinapay at kinagatan ito.

Well, he does have a point.

Pero sa kabila nito, hindi pa rin ako makahinga nang maluwag.

Marami pa ring tanong ang gumugulo sa'kin. Akmang magsasalita na sana ako nang unahan ako ng misteryosong lalaki, "Kung kukulitin mo na naman ako kung nasaan ang tatay mo, magsasayang ka lang ng laway. Hindi ko alam. At katulad ng sinabi ko kay Celsius, hindi iyon ang dapat ninyong pagtuunan ng pansin sa mga oras na ito."

Napasimangot na lang ako. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Tsk! Are you saying that searching for my father isn't important? Dahil sa pagkakaalala ko, iyon mismo ang dahilan kung bakit ako napadpad dito," sarkastiko kong sabi.

How can this man tell me what my priorities should be? Ni wala nga siyang alam sa mga nangyayari!

Pero hindi pa rin natinag si Gabrio sa kanyang kinakain. After chewing his food, he spoke again. "Wala akong sinasabing 'wag mo hanapin ang tatay mo, bata. Ang ibig kong sabihin ay minsan kailangan nating isantabi ang personal nating agenda para sa kapakanan ng nakararami. Instead of throwing a tantrums like a fucking kid, why don't you look at the bigger picture?"

Bigger picture? Ano bang sinasabi ng isang 'to? At ano ba talaga ang mga nalalaman niya?

Nang hindi ako nakasagot, napabuntong-hininga si Gabrio at nagpatuloy, "Ni minsan ba, hindi ka nagtaka kung bakit nanatili rito ng ilang taon ang tatay mo? Do you still believe that his landing on Earth was just a mere coincidence? Walang 'nagkataon lang' sa buhay, bata. Masyadong sadista ang tadhana para bigyan ka ng ganoon kasimpleng dahilan."

A sad expression passed Gabrio's eyes. Noong mga sandaling 'yon, hindi na ako nakaangal nang maglakad siya papalapit sa'kin.

Kumunot ang noo ko nang nakatitig siya sa leeg ko. His fingers then tapped the metal device around my neck. Hindi ko na nga pala ito naitago sa damit dahil sa pagmamadali kong pumunta rito. Ilang sandali niya lang itong tinitigan, na para bang may malalim na iniisip. Kaya't ganoon na lang ang gulat ko sa sunod niyang sinabi...

"Do you want me to help you take that off? Wala kang mapagbibilhan ng oxygen bars dito. Matagal na panahon na mula nang tinanggal ko 'yong sa'kin, but I think I can help you with that."

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung tama ba ako ng pagkakarinig.

"Y-You know what an Oxygenator is?"

Anak ng polaris! Iisa lang ang ibig sabihin nito. Mapait lang siyang ngumiti at tuluyan na akong tinalikuran para tapusin ang kanyang kinakain. But not before I heard him say...

"Hindi ko pa ba nasabi sa'yo? Dati rin akong residente ng New Eastwood, bata."

_________________________

SOT is a twisted story, indeed. Kaya pa ba? Hahaha! Until next update. ---KoyaNoks

✔Something Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon