This chapter is dedicated to:
@Apple✴️
'Village of Oblitus?'
Sa ganitong mga pagkakataon, parang pinagsisisihan kong hindi ako nakinig sa mga lessons na idinadaldal sa'min ni Devika. Most of the time, Erolle and I would just ignore her, simply because: 1.) Hindi namin maintidihan ang kahalagahan ng mga sinasabi niya 2.) Walang katapusan ang mga kwento niya, at 3.) Akala namin nasobrahan lang siya ng singhot sa mga lumang libro sa library.
Now that I've landed on a supposedly dead planet with GREEN grass and a human civilization, I'll admit this just for once...
"Sana nakinig ako kay Devika."
Sa gilid ng mga mata ko, nahagip ko ang kakaibang mga poste sa paligid. Pero nang matitigan ko itong maigi, doon ko nalamang nagkamali ako ng hinala...
It wasn't a post.
It was a human corpse.
Faex. Namamalikmata lang ba ako?!
"W-What in the name of asteroids?" Inayos ko ang salamin ko sa mata. Naaagnas at nanunuyo na ang katawan, pero kapansin-pansin pa rin ang nakapangingilabot na hitsura ng bangkay. A shiver ran up my spine as I stared in horror.
'Just when I thought Earth might be a harmless place.'
"Quack! Quack!" Mukhang pati si Galileo, hindi nagustuhan ang nakita.
Nang nagsimula nang bumaba sa hagdang gawa sa lupa sina Celsius at Nesrin, agad rin kaming sumunod. We descended the ancient steps and passed by several slabs of rocks. Maya-maya pa, narating na namin ang paanan nito.
Sumalubong sa'min ang mga kabahayang yari sa kahoy. Base sa kanilang mga histura, mukhang napaglipasan na rin ng panahon ang kanilang mga haligi. Sa di-kalayuan, may mga harding napupuno ng iba't ibang klaseng mga halaman. These strange plants looked fresh with their green leaves and multi-colored flowers that caught the morning sunlight.
'I've never seen anything like this in New Eastwood.'
Some handmade lanterns gave a soft and warm glow to our new surroundings. The air smelled like freshly baked bread with a hint of roasted meat. Bukod sa tunog ng harmonika, nagsilbing musika ang masasayang tawanan ng mga batang naglalaro sa mga lansangan. Simple ang kanilang pananamit at marurungis ang kanilang mga mukha. But the smiles on their faces looked genuine, much like Nesrin's.
Seeing the village up close almost rendered me speechless. It was too surreal.
"This is amazing."
Naramdaman ko namang tumalon pababa si Galileo. Masaya siyang naglakad-lakad at inilibot ang mga mata sa paligid. The Mandarin duck flapped his wings in excitement. "Quack! Quack!"
"Malapit na tayo!" Nesrin announced.
"Tsk! No ducks allowed. Ayokong makikita 'yan sa loob ng baha---ACHOO!"
Nauna nang maglakad si Celsius patungo sa isang kalye. Halatang naiinis na rin sa kanyang allergy. Nesrin bellowed in laughter and held my hand, "Don't mind him. Palagi siyang killjoy. Hahaha! Tara na, Dmitri!"
Nagpatianod na lang ako sa kanya.
Sa likuran namin, pagewang-gewang pang sumunod si Galileo na wiling-wili sa lupang tinatapakan niya. In New Eastwood, all the roads are cemented and coated with chemicals. Plus, people hardly bother to walk since the Aero boots became available in the market.
Speaking of "people"...
Pinagtitinginan ako ng mga taga-Oblitus.
Puno ng kuryosidad ang mga mata nila, pero nakakatuwang isipin na nakangiti pa rin nila kaming binati ng "magandang umaga". Using her other hand (the one that isn't holding mine), Nesrin returned their gestures and smiled back at them.
BINABASA MO ANG
✔Something Out There
Science Fiction"He is never coming back, isn't he?" Several years ago, Dmitri Lexington lost his father to the unknown universe beyond their indigo skies. Growing up, he had to endure his loss and adapt to the twisted policies of their society. Isang gabi, nang tu...