QUINQUE

176 42 2
                                    

This chapter is dedicated to:
@Jade Rull

✴️

The exit of Forte Cassare is located at the Southern part of New Eastwood.

Nasa timog na bahagi rin ng bayan ang iba pang mga industriya at research laboratories. Sa kabila ng panganib na hatid ng kaliwa't kanang page-eksperimento, may mangilan-ngilan pa ring kabahayan sa lugar na ito. But compared to our subdivision (west of Fort Cassare), here in the south, Invio district is a place for unknown dangers. Dikit-dikit ang mga kabahayan at hindi na nakakayanan ng cleaning bots ang kalat sa lansangan. Hindi masyadong nasisinagan ng araw ang pamayanang ito at matagal nang hindi gumagana ang led lights ng ilang kalsada dahil sa pagnanakaw ng mga residente rito.

Before, our teachers in LD1 told us that Invio district is the place for the poorest of the poor.

Ngayong nasaksihan ko na ito, paniniwalaan ko na ang sinabi nila.

'Higit isang dekada na mula noong huli akong napadpad dito,' paalala sa'kin ng isip ko. Pero sa tinagal-tagal ng panahon, nakakatuwang isipin na naaalala ko pa rin ang daan papunta sa bahay niya.

He wasn't considered the "poorest of the poor", but he lived here. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay.

When I saw the old biochemical lab, kumanan ako sa isang abandonadong kalye. Tanging ang tunog lang ng mga sapatos ko ang narinig sa paligid. Soon, the sound of my own footsteps stopped when I finally reached my destination.

Bumalik bigla ang mga alaala noong maayos pa ang pamilya namin.

"Kapag malaki ka na, ikaw naman ang mamamahala rito." Mahinang sabi ni papa habang hawak ang maliit kong kamay. He guided me pass the star-filled hallway and sat me down on a high chair.

"Dmitri, dito ka lang, ha? May tinatapos lang kaming project ng lolo mo. Hintayin mo na lang si mama. Papunta na 'yon dito."

Pero hindi ko na halos inintindi ang sinabi ni papa. Manghang-mangha ako sa mga kagamitang nagkalat sa loob ng silid. To my seven-year-old self, the place looked like a wonderland. May mga ilaw na nakasabit sa mataas na kisame, mistulang mga bituin sa madilim na silid.

The walls were covered in constellations and maps. There were large shelves of old astronomy books, a celestial sphere at the center of the room, an astronomical clock, and a...

"Papa! Pwede po 'ko gamit telescoop?"

Habang inaayos ang suot niyang roba, kumunot ang noo ni papa. Para bang naguguluhan sa sinabi ko. "Huh? Telescoop?" Nang sundan niya ng tingin ang tinuturo ko, humagalpak siya nang tawa. "HAHAHAHA! You mean a 'telescope'? Telescope ang tawag diyan, anak."

"Telescoop!"

He ruffled my hair, making it messy again. Paniguradong magagalit na naman si mama kapag nakita niyang ginulo na naman ni papa ang buhok ko.

Ngumiti sa'kin si Mr. David Lexington. "Maybe when you're older, Dmitri. Masyado ka pang bata. Sa liit mong 'yan, ni hindi mo pa nga kayang abutin ang eyepiece! Hahaha!"

I pouted and stubbornly crossed my arms over my chest. Sa huli, wala na akong nagawa kundi magmaktol habang pinapanood sila ni lolo.

My mother came in a hour later and pinched my chubby cheeks, "Don't be sad, Dmitri. When you grow up, you'll be just like them. Sa ngayon, marami ka pang kailangang matutunan, anak."

The memory faded as soon as I found myself in front of the door. Huminga ako nang malalim bago ako kumatok. Kumatok na ako, bago ko pa makumbinsi ang sarili kong umuwi. I still have my hesitations. Sa nangyari kaninang umaga, baka nga hindi pa niya ako pagbuksan ng pinto!

✔Something Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon