QUINQUAGINTA UNUM

100 20 0
                                    

New Eastwood
June 15, 2134

✴️

"Secure the perimeter. Mahigpit na ipinagbilin ni mayor na bantayan ninyong maigi ang teleportation system. Walang dapat makaalam---"

"---sa kung nasaan ang lokasyon nito at sa access code na ginagamit natin. We already know, general. Naka-station rin sa labas ng command center ang mga gwardiya. I see no reason why we should be worried about anything." Nakangiting sabi ng babaeng nakaupo malapit sa monitors. She was supervisor, after all. Indeed, ever since the government assigned her to this job a year ago, wala pa namang nangyayaring sakuna.

'But that doesn't mean we should let our guard down,' isip-isip ng heneral.

"Just do your job, Ms. Corriente. Kung may mangyayaring kakaiba rito, contact the mayor's office immediately."

The woman rolled her eyes, "I told you to stop calling me that! 'Christine' has a better ring to it. Tsk! At saka, bakit hindi na lang ikaw ang mangasiwa rito?"

"Dahil hindi ang pagbabantay ng teleporters ang #1 priority ko."

Hindi na nakaimik si Christine Fiel. Matapos niyang sabihin 'yon, agad na nagpaalam ang heneral at tuluyan nang lumabas ng command center. The general past by several employees and guards carrying boxes of newly treated space slugs.

Sa pagkakaalam ng heneral, pagkatapos itong i-treat ng lason ng mga siyentista sa laboratoryo, agad nila itong ipinapa-teleport sa Earth. Sa reports na nabasa niya kanina, mukhang nangangalahati na nga ang bilang ng mga tao roon, but they couldn't be sure about the exact figures. Especially since there are no more robots ("Elders") that allow them to monitor the village's activities.

Sinubukan niyang isawalang-bahala ito, but everyday, General Althon felt guiltier.

Katulad ng iba, gusto niyang iligtas ang New Eastwood at i-teleport ito sa planetang Earth. Pero tutol siya sa ginagawang page-eksperimento ng gobyerno para gawing puno ang mga tao at iba pang nilalang sa planetang iyon. Although their scientists assured them that it's for the "greater good", hindi pa rin maatim isipin ng heneral ang ginagawa nila.

Twisted minds. No empathy.

'Does science strip you off of humanity?'

Marahan siyang napailing. "Damn it, Althon. Mag-focus ka na lang sa ipinapagawa sa'yo ng mayor." He said to himself and vanished in a hallway.

Nang tuluyan na siya makalabas sa underground facility kung nasaan ang teleportation system, agad niyang natanaw ang isa sa mga Pipes. It was the South-West Pipe, ang pinakamahigpit na binabantayan ng Orionid Task Force ngayon. Mula rito, natatanaw pa ng heneral ang kanyang mga tauhan.

Plasma cannons ready in case of an emergency.

Nitong mga nakaraang araw, tuluyan na silang nawawalan ng kontrol sa sitwasyon. Tatlo sa apat na Pipes na ang nagkakarooon ng sira dahil sa mga 'di maipaliwanag na pag-atake. Nang imbestigahan niya ang mga insidente, iisa lang ang sinasabi ng mga gwardiyang nakakita sa kriminal.

They all identified the culprit to be David Lexington.

'Nagiging problema na ang isang 'yon.'

Napabuntong-hininga ang heneral at sinipat ang paligid. Surely, Lexington wouldn't attack the Pipe in broad daylight, right? He's an intelligent man, he wouldn't act so boldly...

Or maybe not.

Dahil noong mga sandaling 'yon, narinig niyang sumigaw sa sakit ang isang gwardiya.

"FAEX! GAAAH!"

Kasabay nito, sumabog ang hawak niyang plasma cannon. The explosion was enough to make the land tremble. Nanlaki ang mga mata ng heneral nang makitang tumalsik ang laman-loob ng tauhan.

"What the hell...?"

Nang akala niyang tapos na ang pag-atake, nabulabog ang paligid nang sumabog naman ang isang bombang nakatanim sa paanan ng higanteng tubo. General Althon ran towards his subordinates and ordered them to handle the situation.

"Report this to the maintenance team. 'Wag niyong hahayaang lumapit ang sinumang residente rito!"

"Y-Yes, sir."

Noong mga sandaling 'yon, nahagip ng heneral ang aninong naglaho sa direksyon ng mga laboratoryo. 'Damn. He's getting away!' Of course, the general won't let him off the hook that easily. Kung kaya't mabilis niyang kinuha ang kanyang foldable assault rifle at hinabol ang kriminal.

General Althon chased him in the alleys in an attempt to corner him. Mahina siya napamura nang bigla itong lumiko ng daan.

BANG!

BANG!

The culprit cursed in pain. Natamaan ito ng bala sa kanyang tagiliran, ngunit hindi pa rin ito sapat para sumuko siya. Mabilis itong naglaho sa kabilang kalye hanggang sa hindi na niya ito matanaw.

Hinihingal na huminto ang heneral, he narrowed his eyes and studied the neighborhood.

"Hindi mo matatakasan ang hustisya."

He activated his Aero boots and took another route. Nearly as fast as the speed of light, agad na hinarangan ng heneral ang kaisa-isang daan na pwede nitong lusutan. He raised his gun and awaited the target.

Hindi naman siya nabigo nang biglang lumitaw ang kriminal.

The man stopped in his tracks, clutching his bleeding side. Ngayong halos matanggal na ang balabal nito sa ulo, malinaw na naaaninag ng heneral ang mukha ng traydor sa kanilang gobyerno. Although he already knew his identity, hindi pa ring maiwasang magulat ng heneral nang makita ang dating assistant ni Sir Nicholas...

"David Lexington."

He spat his name like venom, a clear disdain for this man. Nang dahil sa kanya, lalong dumarami ang mga namamatay at mas lalo pang nagtataas ng presyo ng oxygen bars sa Fort Cassare... David Lexington. He was wearing plain and tattered clothes, bahagya pang marumi ang mga ito.

May mantsa ng dugo mula sa kanyang sugat.

Walang Oxygenator sa kanyang leeg.

The general glared and pointed his gun at him.

"May ideya ka ba kung anong klaseng gulo ang dinudulot mo sa pagsira ng Pipes?! Binigyan ka ng pagkakataong magbago ni Sir Nicholas. Pero mukhang wala ka talagang ipinagkaiba kay Dr. Furlan."

Ngumisi naman si David, "Wala akong panahon para makipagkwentuhan. Be careful with your choices, general. It might cost you more than you think it does."

Bago pa man makakilos si General Althon, mabilis na kinuha ng traydor ang isang bolang yari sa metal. Hinagis niya ito sa direksyon ng heneral. It was too quick! There was a loud ticking noise until the smoke bomb finally went off.

"Faex.."

Napaubo ang heneral, humigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang armas. 'Kahit na hindi ko top priority ang pagdakip kay David, the mayor gave me no instructions to bring him back alive. I'll just make use of that!' With one swift movement, he charged forward, ready to kill him.

But David Lexington vanished, the drops of blood on the plastic-coated ground was the only indication of his existence.

Napasimangot ang heneral.

Speaking of "priorities", he was already late for an appointment.

_________________________

✔Something Out ThereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon