This chapter is dedicated to:
@Ericka Louise Luzana Cañon (Hemmo_Winchester)✴️
Kung maraming fans si Erolle, asahan mong hindi magpapatalo si Devika...
"Anak ng polaris! Ang init talaga sa New Eastwood!"
"FAEX! Natatamaan mo na ako sa mata eh! Pwede ka namang magpaypay nang hindi nakakasakit, 'di ba?!"
Tumawa lang nang malakas si Devika at in-adjust pa ang size ng kanyang higanteng pamaypay. Its brilliant moss green artificial peacock feathers glistened under the sunlight. Simple lang tingnan, pero mayroong nano-technology ang mga balahibong 'yon para makapag-generate ng mas malakas na hangin kaysa mga ordinaryong mga pamaymay.
Indeed, Devika has a lot of "fans", too.
Nang masimula na naman silang mag-away, inilibot ko na lang ang mga mata ko sa papalapit na lagusan.
The tall iron gates were pulled open as residents of New Eastwood fell into line. Sa itaas ng makintab na pader, nakaukit ang simbolo ng bayan---isang uwak na may lubid na nakatali sa kanyang mga paa. Naging tanyag na logo na rin ito ng city hall. Nakaburda rin ito sa cloak ng mga gwardiyang nagbabantay sa Pipes.
Carpe Corvus.
Nakakatawang isipin na sa kabila ng labing-siyam na taon ko rito sa New Eastwood, ngayon ko lang napansin ang ibig sabihin nito. Most days, I would just ignore my curiosity and act like I didn't see anything. Ngayon, hindi ko mapigilang tanungin... bakit nga ba walang ibang nakakapansin dito? Bakit hindi nai-discuss sa LD kung bakit ganito ang simbolo ng bayan namin?
Damn.
'Kaya hindi mo dapat pinapairal ang kuryosidad mo, Dmitri. Sumasakit lang ang ulo mo sa mga problemang hindi mo na dapat pinapakialaman,' I reminded myself and focused my attention straight ahead.
Nakarating na pala kaming tatlo sa North gate ng Fort Cassare. Its century-old granite walls were far less intimidating than the guards that blocked our path.
"Identification?"
Ngumisi si Devika at masiglang sumagot, "Sorenn. Code: 0906."
"Lexington. Code: 0625," walang-gana kong sinabi.
Tumango naman ang gwardiya nang makumpirma ng system nila ang pagkakakilanlan at oras ng pagtatapos ng klase namin. 'Iwas cutting classes,' isip-isip ko. Sunod naman nilang binalingan ang kasama naming hindi nakapagsalita. Napabuntong-hininga na lang kami ni Devika nang makita parang maiihi na sa takot ang henyong si Erolle. May trauma nga pala siya sa mga gwardiya.
Daig pa niya ang nakakita ng multo tuwing nakikita nita ang mga ito.
His hands were already shaking as he tried to avert his attention elsewhere. "P-Pas...P-Pascua. 0109."
Napasimangot ang gwardiya. "Anong problema ng isang 'yan? Are you disrespecting us?!"
"H-H-Hindi..."
"GUSTO MO BANG MAMATAY?!"
Oops.
One important rule you need to keep in mind to survive this place (aside from maintaining your oxygen bars) is to never anger the guards. Sa Fort Cassare, sila ang mga hari. Direkta silang nagtatrabaho sa city hall. Anumang oras, pwede nilang i-report ang kahit na sinong pasaway sa opisina ng mayor. Sometimes, they even bully people for fun! It takes only one call to make you wish that you had never stepped foot in Fort Cassare in the first place.
Every resident's nightmare.
Kaya bago pa man maging susunod na biktima ang kasama namin, mabilis akong humarang sa pagitan nila ni Erolle. I laughed nervously and did the only thing I'm good at...
BINABASA MO ANG
✔Something Out There
Science Fiction"He is never coming back, isn't he?" Several years ago, Dmitri Lexington lost his father to the unknown universe beyond their indigo skies. Growing up, he had to endure his loss and adapt to the twisted policies of their society. Isang gabi, nang tu...