The village of Oblitus.
When the former mayor of New Eastwood passed on the knowledge of their history to him, ikinabigla rin ng kasalukuyang mayor ang katotohanang ito. Nang malaman niya ang tungkol sa existence ng Oblitus, hindi niya alam ang kanyang dapat maging reaksyon.
Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwalang may pamayanang nabubuhay sa kinalimutang lupain ng New Eastwood.
Just like a flower that was reborn from the ashes of their mistake.
"For several decades, the government had been monitoring Oblitus. Nagpadala ng artificial intelligence ang mga scientist natin doon, na kinilala nilang 'Elders'. Through those robots' eyes, we gathered more data about their culture and heritage. Sa pamamagitan ng 'Elders', nakontrol natin ang Oblitus," seryosong sabi ng mayor.
Sa kasamaang-palad, wala na silang kontrol sa Oblitus nang aksidente nilang madiskubre ang katotohanan tungkol sa Elders. Ayon sa report ni General Althon, kagagawan ito ng anak ni David Lexington.
'That kid is ruining everything. Tsk!'
"Why are you telling this to us, sir? Anong kinalaman nito sa mga nangyayari ngayon sa bayan at sa Pipes?" Aneesha asked. Kung tama ang pagkakaalala ng mayor, she was one of the newly promoted employees representing the Department of Learning. Pinalitan nito ang yumaong representative nang nalagutan ito ng hininga last week.
Bago pa man makasagot ang pinuno, inunahan na siya ng pinakamatandang empleyado sa loob ng meeting room.
"This has everything to do with New Eastwood, Ms. Solito. Sa katunayan, matagal na itong pinaghahandaan. May kinalaman ito astronomical prediction ng dati nating empleyadong si Sir Nicholas, hindi ba?" The old man asked. Nahagip ng mga mata ng mayor ang suot nitong Vita Insurance ring.
'Only the privileged can acquire those.'
Kaya hindi na nakakapagtakang mayroon 'non si Sir Nicholas James.
"Dr. Quinzel is right... Kaya namin idini-discuss sa inyo ang sensitibong mga impormasyon na 'to ay dahil nakataya ang kinakabukasan ng New Eastwood sa mga plano natin. As many of you know, Sir Nicholas James was well-known for the 99% accuracy of his astronomical predictions. Nagkakatotoo lahat ng sinasabi niyang magaganap. Unfortunately, he predicted a tragedy this year... The '2134 Asteroid Drift Theory'."
Using the 3D holographic models, ipinakita ng mayor sa kanila ang mangyayari sa kanilang tahanan.
"As you already know, mini-moons don't last forever. Sa taong ito, tuluyang makakawala sa gravity ng Earth ang asteroid 2016 HO3, at hihilahin papunta sa araw. Imagine yourselves being roasted by the sun... In simple words, we're all going to die."
Namayani ang katahimikan sa loob ng meeting room. Maging ang nakaantabay na serving robots ay huminto sa pagkilos, as if they can sense the tension. Everyone held their breaths as they waited the mayor to explain.
"Therefore, our ancestors were forced to formulate a plan to save New Eastwood. Dahil sa naging 'koneksyon' natin sa Oblitus these past years, we also discovered that the situation on Earth is better now. Sapat rin ang natural oxygen sa atmosphere nito at ilang taon na naming pinag-aaralan ng advisers na i-teleport ang pabalik sa Earth ang New Eastwood."
Nang marinig nila ang salitang "teleport" agad na nagkaroon ng pagdududa at bulungan sa pagitan ng mga pulitiko.
"I-teleport ang buong New Eastwood pabalik sa Earth?! Masyado pong delikado!"
"Palaging may 'conditions' ang paggamit ng teleportation technology, sir! Kaya nga matagal na natin itong ipinagbawal sa New Eastwood..."
"Hindi kakayanin ng kahit anong teknolohiya ang i-teleport ang buong bayan dahil sa bigat nito!"
BINABASA MO ANG
✔Something Out There
Science-Fiction"He is never coming back, isn't he?" Several years ago, Dmitri Lexington lost his father to the unknown universe beyond their indigo skies. Growing up, he had to endure his loss and adapt to the twisted policies of their society. Isang gabi, nang tu...