This chapter is dedicated to:
@Jonice Ram Yambao✴️
"Wala akong napapansin, eh. Pasensya na, Nes."
Huminga nang malalim si Nesrin at pinilit ngumiti. She tried to mask the disappointment in her tone, "Salamat, Jonice. Kung sakaling makikita niyo siya, balitaan niyo kami, ah?"
Pero kapansin-pansin ang pagkailang ng kausap sa kanya. Hindi makatingin nang maayos ang dalaga, at kanina pa mahigpit ang pagkakahawak nito sa basket ng mga bulaklak. Ilang sandali pa, naglakas-loob na itong sabihin kay Nesrin ang kanina pa gumugulo sa isip niya...
"I don't think you should be roaming around the village, anymore. Nakita ng lahat ang ginawa ninyo sa ritwal kagabi, at hindi natuwa ang Elders sa pakikialam ninyo. I'm sorry, Nes...pero hindi talaga namin inaasahan na aabot sa ganito."
Finally, someone voiced it out.
Noong mga sandaling 'yon, inilibot ni Nesrin ang kanyang mga mata sa paligid. Bumigat ang kanyang nararamdaman nang makitang nag-iwas ng tingin sa kanya ang ibang mga residente. Ever since this morning, Nesrin saw the signs. Children started avoiding her, the villagers' smiles were forced, and nobody bothered to greet her a "good morning" like they used to. Kanina pa nararamdaman ni Nesrin ang pagbabago ng pakikitungo nila sa kanya, pero pinipili na lang niyang isawalang-bahala ito.
Pinipilit na lang niyang ipakita na hindi siya apektado.
Pero mahirap piliting maging masaya.
Mahirap magkunwaring hindi ka nasasaktan.
Napalunok na lang si Nesrin at muling bumaling kay Jonice, "Alam ko namang mangyayari ito... Pero hindi ko naman siguro kailangang ipaliwanag ang sarili ko para lang bumalik sa dati ang tingin ninyo sa'kin. It's pointless to explain your actions to people who refuse to listen."
Malungkot na ngumiti si Nesrin at tuluyan nang nagpaalam sa kanya.
Nilapitan niya si Dmitri na kanina pa nakasandal sa isang bakod.
She has to admit, Celsius' clothes looked better on him. Pero sa kabila ng kupas na tela at simple nitong pananamit, pinagtitinginan pa rin siya ng mga taga-Oblitus. Most of them stared in curiosity, but Nesrin noticed some flower harvesters (both male and female) were eyeing him in admiration.
Napailing na lang si Nesrin.
"Wag mong hawakan 'yan. Baka sugurin ka pa ng mga nakatira diyan. Hahaha!"
Dmitri's hand froze in midair just when he was about to touch a bottle tied to a palm tree. Nakatanim ang puno ng niyog sa kabilang bahagi ng bakod. Kunot-noo namang lumingon sa kanya ang binata, bakas ang pagtataka.
"Bakit naman nila ako susugurin? These are just bottles of beads, right?"
Umiling si Nesrin. "Those aren't normal 'bottles of beads', Dmitri. 'Yan ang mga bangkay ng namayapa nilang mga kamag-anak."
Nanlaki ang mga mata ng binata sa kanyang sinabi. "A-Ano? Wait, so, you're telling me...these beads are made from dead bodies?"
"Yup! From their ashes, specifically."
He looked uncomfortable.
Wala namang nakakagulat doon, hindi ba? Muli, kailangang ipaalala ni Nesrin sa kanyang sarili na posibleng iba nga pala ang tradisyon ni Dmitri sa lugar na pinanggalingan niya. "In Oblitus, we call them 'death beads'. Kapag may namatay na miyembro ng pamilya, tatlong araw namin itong lalamayan. Pagkatapos 'non, dinadala namin ang katawan nito sa Elders at sila na ang nagdedesisyon kung ano ang gagawin sa bangkay."
BINABASA MO ANG
✔Something Out There
Science Fiction"He is never coming back, isn't he?" Several years ago, Dmitri Lexington lost his father to the unknown universe beyond their indigo skies. Growing up, he had to endure his loss and adapt to the twisted policies of their society. Isang gabi, nang tu...