"Let me guess, you haven't slept last night...again?"
Kasabay nito, humikab ako at kamuntikan nang natabig ang iniinom kong coffee-in-a-can. It was an exotic flavor. Almond and wine. Not my favorite. Pero dahil ito na lang ang nahanap namin sa refrigerator, I had no choice. 'Palagi naman akong walang choice sa buhay ko,' I bitterly thought and tried to stay awake.
Another yawn.
Pagod akong ngumiti ako sa dalagang nakapamaywang na sa harap ko.
"I'm fine, Nesrin. By the way, anong sabi ng informant na nakuha ni Devika tungkol sa lokasyon ng teleporters?"
Magmula kaninang umaga, naging abala kami sa pangangalap ng impormasyon tungkol sa teknolohiyang makapagliligtas sa New Eastwood---ang teleportation system. Ito rin ang ginagamit nila para magpadala ng space slugs at mga gwardiya sa Earth.
Step one: Use the enemy's asset to our advantage.
Napabuntong-hininga na lang siya. "Nasa isang underground facility raw ang command center ng teleportation system, malapit daw sa South-West Pipe?"
"Underground? South-West Pipe, huh?" Sandali kong inalala ang pinag-aralan namin noong topography ng New Eastwood. They must've kept this a secret. Wala akong natatandaang laboratory na nakatago roon. Maya-maya pa, nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung nasaan ito. "Teka! Malapit sa South-West Pipe? That's the---"
"The base of operations of the Orionid Task Force. Nasa balwarte ng OTF ang hinahanap ninyong command center ng teleportation system."
Agad kaming napalingon sa bukana ng pinto kung saan nakasandal doon ang isa sa mga taong matagal ko na ring 'di nakikita. Nonetheless, her presence made me confuse. "Angelica? Anong ginagawa mo rito?"
Just then, Devika walked into the private study and answered, "Siya ang informant natin. Narinig ni Angel 'yong usapan ng ilang gwardiya sa Bibliotheca de Eastwood. Doon niya nahagip ang usapan nila tungkol sa underground facility."
Angelica smiled, "Being a bookworm has its advantages, I guess. May mabuti talagang dulot ang pagtambay sa library."
I couldn't agree more.
Nang sumulpot si Erolle mula sa pagbabantay ng security system ng bahay ni lolo (just in case an enemy attacks), pinag-usapan na namin ang mga kailangan naming gawin para makapasok sa facility. Samantala, tahimik lang na nakinig si Angelica; paminsan-minsang nagtatanong at nagbibigay ng sarili niyang opinyon.
"Bale, gagamitin ninyo ang teleportation system ng gobyerno?" Angelica inquired.
"Yeah, that's the plan! Teka, bakit mo natanong?" Pang-uusisa ni Erolle. I noticed the dark circles under his eyes. Ano na naman kaya ang pinagkaabalahan nito kagabi?
"Paano kung may masira kayo roon? New Eastwood will be affected. Masyadong delikado ang gagawin ninyo."
Masama ang kutob ko rito.
Ilang sandali pa, humakbang papalayo sa'min ang matalik na kaibigan ni Devika. There was remorseful look on her face, a sad smile on her lips.
"Plus, you know David Lexington is here, right?"
Devika's eyes widened in confusion. "A-Angel, paano mo nalaman ang tungkol diyan?"
Pero imbes na sagutin niya ang tanong nito, napapailing na lang ang dalaga. "Noong ibinalita ng gobyerno na nagta-traydor kayo sa bayan natin, I didn't want to believe them... Pero habang tumatagal at nagiging desperado na ang lahat mabuhay, hindi ko maiwasang isipin kung may kinalaman nga ba kayo rito." That's when we realized she was probably torn in what to believe in, too. Frustration was evident behind her eyes when she continued, "I'm sorry."
BINABASA MO ANG
✔Something Out There
Science Fiction"He is never coming back, isn't he?" Several years ago, Dmitri Lexington lost his father to the unknown universe beyond their indigo skies. Growing up, he had to endure his loss and adapt to the twisted policies of their society. Isang gabi, nang tu...