PABAGSAK akong nahiga sa sahig ng dance studio ng school ko, I just finished a dance routine for my ballet class I usually stay late in school para lang mag-sayaw kahit tapos na ang practice and this is one of that time that I prefer to practice and dance alone without any audience.
The music is still playing in the background pero nakatitig lang ako sa kisame habang habol ang hininga na pinunasan ko ang pawis sa noo gamit ang palad ko. Napabangon ako ng marinig kong bumukas ang pinto ng dance studio.
“You’re still here?” nakangiting pumasok si Miss Catherine, siya ang dance instructor namin sa ballet club, maganda si Miss, matangkad at maputi na bumagay sa napakaamo niyang mukha. Pati paglalakad at pagtayo ay katulad ng poise ng isang ballerina.
“Just practicing Miss Catherine.” Sinundan ko ng tingin si Miss Catherine ng lumapit siya sa stereo at pinatay ang music.
“Papadilim na, wala ka pa bang sundo?”
I remove my ballet shoes and gently massage my feet. “Papunta na po siguro.”
“You should change.”
“Yes Miss.” Tumayo na ako, kinuha ang bag ko at dumiretso sa shower room para magpalit. Naghilamos ako and changed my wet shirt to a new white shirt, hinubad ko na rin ang leotard ko and wore a leggings and a black flats.
Paglabas ko ng CR ay nagulat pa ako na makita si Miss Catherine na hinintay pala ako.
“Let’s go? Hintayin na natin sundo mo.”
“Pero kayo po Ma’am?”
“Papadilim na I can’t leave you here sa school na mag-isa.”
“I’m okay Miss besides dyan naman po ako naghihintay ng sundo sa guard house.”
Tinuro ko ang guard house na tanaw mula sa entrance ng building kung saan kami nakatayo at nakahinto ang pulang sasakyan na siyang sundo ni Miss Catherine.
“But—”
“Besides Miss hindi naman po ako mag-isa.” Tinuro ko ang ilang estudyante na naglalakad at may ilang classrooms pa rin ang nakabukas ang ilaw.
“Are you sure?”
“Yes Miss.”
Napipilitang tumango siya, “Stay at the guard house okay?”
“Opo. Bye Miss.” Nakangiting kumaway ako sa kanya ng sumakay na siya ng sasakyan, nakatanaw lang ako sa papaalis na sasakyan hanggang mawala ito sa paningin ko.
Naglakad na ako papunta ng guard house papatawid na ako ng bigla naman bumuhos ang malakas na ulan kaya napatakbo ako bigla ng may malakas na busina ng sasakyan na dumaan sa harap ko kasabay ng malakas ring paghila sa braso.
“Aah!”
Napapikit ako at pahigang bumagsak when I realized na hindi ako sa sementadong kalsada bumagsak but there’s someone under me na umuungol sa sakit siguro ng pagbagsak namin.
Napatayo agad ako. “Sorry!” I said to the guy na nakasapo sa pagbagsak ko, hindi ko masyado maaninag ang mukha niya sa lakas ng ulan at sa dilim na rin.
“Hindi ka ba marunong tumawid?!” galit na sigaw ng lalaki na umupo at iniinda ang masakit na likod.
Lumuhod ko sa harap niya, “Sorry talaga, hindi ko naman sinasadya na madaganan ka bigla ka kasi nanghila.”
“Muntik ka ng masagasaan!”
Napakagat labi ako, he’s right hindi ko kasi napansin yung paparating na sasakyan sa pagmamadali kong makasilong dahil sa ulan. “Sorry…”
BINABASA MO ANG
Four Letter Word
FanfictionL-O-V-E series #1 two people, one story to tell and a four letter word.