SUE'S POV
"Bukas, pupunta tayo sa bahay nung boylet. Maganda daw yung bahay eh sabi ni Mom. Kaya dapat mag-ayos ayos ka para naman magustuhan ka no'n. Yieee!" Kinikilig niyang sambit tapos sinundot-sundot ako sa tagiliran. "Parang baliw ka." Sabi ko sa kaniya.
Naglalakad kami ngayon sa kalsada habang may hawak na coffee. Kanina niya pa 'ko kinukulit at nire-remind na aalis kami bukas pupunta doon sa bahay nung lalaking 'yon. Boict, parang sirang plaka ang bibig eh.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Medyo pagod na rin kami kakagala kasi after namin pumunta sa coffee shop, gumala pa kami sa malapit na mall, bumili siya ng kung ano-ano, tapos nilibot namin yung buong mall, tapos bumalik ulit kami sa coffee shop para bumili ng kape, tapos eto na, para kaming mga ewan na rumarampa sa kalsada. Medyo maghahapon na rin, hindi na namin namalayan yung oras. Puro kasi kami tawanan at kulitan.
Maya-maya pa, may bigla akong nakabunggong lalaki. Medyo mas matangkad siya sakin, naka-black siya na cap, black na hoodie, black na jeans at rubber shoes, pero sobrang puti ng balat niya. Para siyang pinaglihi sa snow, o baka wala na siyang dugo? Ewan ko, basta makapal at mapula rin yung mga labi niya, matangos siya, tapos ayon bastaAaaAaa ang pogi niya.
Pero natapunan niya 'ko ng kape sa damit at hindi nakakatuwa 'yon.
"Sorry." Maikli niyang sambit. Hindi gano'n kababa yung boses niya pero pwede na rin. Para siyang singer, ewan basta ang ganda ng boses niya.
Lord, kung magkakaboyfriend ako, sana kagaya niya hehe.
Hindi ko na namalayang umalis na pala siya, kasi nakatitig lang ako sa kaniya. Ang perfect ng mukha niya, para siyang Greek god. Nakatitig lang ako sa malapad niyang balikat at maangas na paglalakad hanggang sa hindi na siya matanaw ng mga mata ko kasi sobrang layo na niya. Sayang dapat pala tinanong ko na siya ng 'hi sir ken ay get chow nambah'.
"Huy, Sue. Titig na titig?" Sambit ni Aria habang natawa, saka lang ako nakabalik sa reality. Boict, ano nangyari sakin? Ganito ba talaga 'ko 'pag nakakakita ng pogi? Nakakahiya ka, Sue! Hindi ka man lang nakapagsalita.
"Baliw ka. Tara na nga! Magbibihis pa 'ko, bwisit na lalaki 'yon." Sabi ko sa kaniya't nagpatuloy na sa paglalakad. To be honest, hindi naman siya bwisit kasi blessing siya hehe. 'De, joke lang. Ano na Sue? 'Pag talaga nakakakita ka ng pogi nagiging maharot ka eh.
---
"Tell me, ano ba'ng magandang scene para sa next chapter?" Sabi ko sa ballpen ko. Nakaupo ako ngayon sa harap ng typewriter ko. Hindi ko naman 'to masiyadong ginagamit. Ginagamit ko lang siya kapag magpapasa na ako kay Bill. Pero kapag magda-draft ako, papel at ballpen yung gamit ko.
"Eh kung isulat ko kaya yung nangyari kanina?" Tanong ko sa sarili ko at saka sinimulang pasayawin ang panulat sa blangkong papel.
"Nagkita sila sa kalsada kasi nabangga ni boy si girl. May hawak na kape si girl tapos ayon natapunan siya. Kinabukasan nagkita sila, tapos nag-bonding sila, tapos mahal na mahal na nila ang isa't isa, tapos nagpakasal sila, tapos nagka-pamilya, the end." Sabi ko at nakangiting tiningnan yung naguhit kong unggoy.
"Ay, wait may nakalimutan ako. Dapat may salamin ka tapos malaking ilong." Sambit ko at dinrawingan pa ng salamin at ilong yung unggoy. "'Yan, tapos na! Alam mo Bill, mas pogi ka sa drawing ko na 'to kesa sa personal." Sabi ko at natatawa. Oo, si Bill yung naiisip ko sa tuwing magdo-drawing ako ng unggoy.
Agad kong nicrumple yung papel at binato sa trash bin pero hindi nashoot. Duleng.
I sighed and looked around. Ano ba 'tong ginagawa ko, para akong ewan. Ba't ba 'ko nagsusulat para kay Bill?
"Ano ka ba Sue? Diba sabi ko sayo maglaba ka na?! Ano ba 'yang ginagawa mo?!" Sigaw ni Mama at saka hibablot mula sa'kin ang sinusulatan kong notebook.
"S-story po Mama. Gusto ko po kasing m-maging writer." Nahihiya at nauutal kong sagot sa kaniya na nagpagalit sa kaniya. "Writer?! Ha?! Pang-mayaman lang 'yon! Bakit mayaman ka ba ha?! 'Wag ka nang mangarap dahil habangbuhay ka nang hampaslupa! Kung hindi ka nga lang mahal ng Tatay mo, hindi ka namin tatanggapin dito eh! Ni hindi ka nga namin kadugo, anak ka lang ng Tatay mo sa una niyang asawang namatay na!" Bulyaw niya sakin.
"Saka ito? Itong mga sinusulat mo yung pinagmamalaki mo sa'kin?! Ito ang bagay dito!" Sigaw niya't pinagpupunit ang notebook ko na may sulat ng patapos ko nang storya.
Wala na 'kong nagawa kundi ang umiyak. Ano nga ba'ng laban ng kinse anyos na ako? Tama siya, anak lang ako sa namatay kong Nanay, ni hindi ko nga nakita ang mukha niya. At simula noong makilala ni Tatay sila Mama at ang dalawa pa nitong anak, eh nagsama na sila at araw-araw na nila akong minamaltrato.
"Oh ano, hindi ka maglalaba—"
"Hindi! K-kasi... Aalis na 'ko dito! Magiging successful ako! Makikita niyo pangalan ko sa buong Pilipinas! Kaya maglalayas ako d-dito!" Malakas na loob kong sigaw. Sa buong buhay kong kasama sila, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob sumagot at manlaban.
"Ang drama mo. Edi umalis ka, ito oh inimpake ko na mga damit mo." Sabi ni Kuya at inihagis sa akin ang bag na puno ng mga damit ko.
"Umalis ka na, hindi ka naman namin kailangan dito. Hindi ka naman namin kapatid eh." Sambit naman ni Ate habang nakahiga sa sofa at nagseselpon.
Pinulot ko yung bag ko at nagsimulang maglakad palayo. Palayo sa pagpapahirap, panunumbat, at pananakal nila.
Masasabi kong maswerte ako, kasi natupad ko yung pangarap ko. Pero hinahanap ba 'ko ni Tatay ngayon? Nag-aalala ba siya sakin? Siya lang yung naging kakampi ko mula pa noong ipanganak ako sa mundo, pero simula ng umalis ako wala na 'kong balita sa kaniya, hanggang sa sumikat ako at maging laos na writer din. Miss na miss ko na siya. Pero hindi ko naman alam kung saan siya hahagilapin, o kung pa'no magsisimula. Sana, sana makita ko ulit siya.
BINABASA MO ANG
HDSeries 1: Eros Han
General FictionDo you believe in afterlife? Or in another life? Whatever you believe in, Mr. Han believes that Sue Floyd Lastimosa, the greatest writer, is destined to be with him, but not forever. They meet for a very short period of time, and will be separated a...