SUE'S POV
"Bakit mo ba 'ko dinala dito?" Tanong ko kay Mr. Han. Nandito kami ngayon sa isang malapit na coffee shop. Wala na 'kong palag nung hinila niya 'ko eh.
"Kasi kapag malungkot ako, o kapag may problema ako, madalas akong umorder ng pancake, waffles, at isang tasang kape." Sagot niya. Kaya pala may apat na patong ng pancakes, waffles, at cappuccino sa harap ko. Mukhang masarap yung chocolate syrup na nasa pancake, pero hindi ko 'yon ginagalaw.
"Naalala ko kasi, hindi ka pa kumakain simula nung pumunta kayo ni Aria sa bahay kahapon. After mong mawalan ng malay, hindi na kita ginising para kumain ng dinner kasi baka magalit ka." Dagdag niya pa.
Oo nga naman. Ayokong nahihinto yung tulog ko kasi magagalit talaga 'ko—
Teka, pa'no niya nalaman 'yon?
"Paano mo naman nalamang nagagalit ako kapag naiinterrupt ang tulog ko?" Nagtataka kong tanong pero ngumiti lang siya and took a sip from his coffee. Weird.
Naalala ko, oo tama siya. Hindi pa nga ako kumakain simula kahapon. Ewan ko ba, pero sanay na 'kong nagugutuman.
"Sue, naghugas ka na ba ng mga plato?" Nakakunot-noong tanong ni Mama habang nanonood ng TV. "Opo, Ma. Pauwi na po kasi si Tatay eh." Sagot ko naman sa kaniya.
Madalas umuwi si Tatay tuwing ika-tatlong linggo kada buwan. Kapag dumadating siya, sobra akong natutuwa kasi may kakampi na 'ko sa bahay. Kapag nandiyan siya, hindi ko nararamdaman na sampid lang ako kela Mama. Hindi kasi ako minamaltrato o inuutusan nila Mama kapag nandiyan siya.
"Sue, kunin mo nga yung bag ko sa may bodega. Bilis." Sabi ni Mama kaya sinunod ko siya agad. Nasa likod ko lang siya kaya pumasok na 'ko sa loob ng kwarto kung saan namin nilalagay yung mga sobra naming kagamitan.
"Mama sa'n po dito?" Tanong ko sa kaniya. "Nanjan lang." Sabi niya pero biglang sumarado yung pinto ng bodega.
"M-Mama?! Mama nandito pa po ako sa loob! Mama!" Naluluha ko nang sigaw dahil madilim sa loob ng bodega, baka nakalimutan ako ni Mama.
"Alam ko! Ngayon, jan ka na muna hanggang sa umalis ang Tatay mo bukas! 'Wag kang maingay jan kung ayaw mong hindi makakain!" Sabi niya at iniwan akong umiiyak sa loob ng bodega. Isang buong araw, hindi ko nakita si Tatay. Narinig kong dahilan ni Mama, sumama daw ako sa kasintahan ko kahit na wala naman akong gano'n. Madalas na nila 'kong siraan kay Tatay, para wala na 'kong kakampi at wala na silang kahati kay Tatay. Sa tuwing may bisita, o kung ano mang okasiyon, tinatago nila ako dito sa bodega at hindi man lang hinahatiran ng pagkain. Kaya pinag-iisipan ko kung maglalayas ba 'ko, o buong buhay na magpapa-alipin sa kanila.
"Sue? Okay ka lang?" Tanong ni Mr. Han sakin, doon lang ako nakabalik sa reyalidad. "Kanina ka pa tulala ah, may problema ba?" Worried niyang tanong, at umiling naman ako.
"Ah w-wala. May naalala lang." Sagot ko sa kaniya. "Yung kanina ba? Alam mo, kumain ka na muna. Saka mo na problemahin yung nangyari kapag tapos ka na kumain." Sabi niya kaya tumango ako at saka nagsimula nang kumain. Ang bait niya sakin ngayon ah? Himala.
"By the way, hindi pala ako nakapagpakilala ng maayos sa'yo kahapon. I'm Eros Han. And you are?" Tanong niya sakin. "Sue Floyd." Maiksi kong sagot.
"I like your name. Ang unique." Sabi niya at nagkagat-labi. Pa-fall 'tong taong 'to.
"Anong maganda sa pangalan ko, panglalaki nga eh." Sabi ko at sumubo ng pagkain. "Hm, ilang taon ka na Sue Floyd?" Tanong niya ulit.
"I'm 25 years old. Ikaw ba?" Tanong ko sa kaniya at saka sumubo ulit ng pagkain. Masarap nga yung pancake. "Five hundre–" Natigilan siya sa sinasabi niya at napa-clench ng kamao.
"I mean, 26." Sabi niya at saka uminom ng kape. Naging weird yung kilos niya, pero hinayaan ko lang siya. Siguro iba yung nasa isip niya ngayon kaya niya nasabing five hundred. Eh, wala naman sigurong taong nabubuhay ngayon na five hundred years old na haha!
BINABASA MO ANG
HDSeries 1: Eros Han
General FictionDo you believe in afterlife? Or in another life? Whatever you believe in, Mr. Han believes that Sue Floyd Lastimosa, the greatest writer, is destined to be with him, but not forever. They meet for a very short period of time, and will be separated a...