SUE'S POV
"S-sin... S-sino ka para magpakita pa sakin ulit?! Napaka-kapal ng mukha mo Aria!" Malakas kong sigaw pero tumawa lang siya. "Sue, alam mo? Nakakaawa ka sa lagay mo ngayon." Sabi niya't nagsmirk. Ang kapal ng mukha nitong babaeng 'to. Hindi ko naman alam na matapos pala namin magsagutan, hindi na maibabalik pa yung friendship namin.
"Aria tinuring kita bilang kapatid ko na, pero ano 'tong ginagawa mo?! Ikaw yung pinaka-importanteng tao para sakin pero bakit nagpapahawa ka ng kademonyohan sa taong 'ya—"
"Kasi si Mark yung umintindi sakin nung mga panahong hindi mo 'ko maintindihan! T-tinuring mo 'kong kapatid? Pero bakit gano'n! Lahat na lang ng gusto ko sayo napupunta! Yung tiwala ng mga magulang ko, yung career na gusto ko, yung lalaking mahal ko, lahat sayo napunta! Pati si Eros sayo na! Sobrang makasarili mo! Tapos sasabihin mo sakin tinuring mo 'kong kapatid?!" Humihikbi niyang sigaw.
"Aria hindi ko naman ginustong humantong tayo sa ganito! Kung gusto mo sige magpalit na tayo ng buhay 'wag ka lang magalit sakin kasi ilang beses akong nag-attempt na makipagbati sayo pero walang nangyari! Kung gusto mo, sayo na lahat para makuntento ka!" - Ako.
"Blah blah blah. Alam mo, Sue? Sayo na 'yang buhay mo kasi hindi ko pangarap mamatay ng maaga. By the way, you should know what's the drill." Sambit niya't ngumisi habang umiiyak.
"Kapag hindi dumating yung prince charming mong si Eros hanggang bukas, malulunod ka jan sa baba." Sabi niya. Biglang may hinagis na hose yung dalawa nilang kasama dito sa baba. May dumadaloy na tubig dito kaya kinabahan ako bigla.
"Ngayon pa lang, magdasal ka na Sue. Pa-advanced happy birthday ko na 'to sayo. Malapit na birthday mo diba? Goodluck." Huling sambit ni Aria at saka umalis. Naiwang nakatayo sa taas si Mark. "Sayang ka Sue. Ang ganda mo pa naman, kaso ang tanga mo." Sabi niya't umalis na rin.
Ilang beses ko pang tinanggal yung tali sa kamay at paa ko, pero ayaw talaga. Pupuntahan ko sana yung hose pero ang bigat nung bakal kaya hindi ako halos makaalis sa kinalalagyan ko.
"Lord, alam kong marami akong nagawang hindi maganda sayo... P-pero ilang beses Mo na 'kong niligtas, at sana kahit ngayon na lang. G-gusto ko pang mabuhay. Kahit ito na yung huli, pramis magiging mabait na 'ko." Umiiyak kong sambit.
Eros, pumunta ka dito. Alam kong minsan palaban at pasaway ako, pero sana makaligtas ako rito para makasama ka pa ng mas matagal. Parang awa mo na.
BINABASA MO ANG
HDSeries 1: Eros Han
General FictionDo you believe in afterlife? Or in another life? Whatever you believe in, Mr. Han believes that Sue Floyd Lastimosa, the greatest writer, is destined to be with him, but not forever. They meet for a very short period of time, and will be separated a...