EROS' POV
Isang araw na naman ang lumipas, at okay naman na kami ni Sue. After nung nangyari kanina, mas naging clingy ako sa kaniya at hindi naman siya nagrereklamo. Bakit, namiss ko siya eh :(
Kumakain na kami ngayon ng dinner, at kanina pa nagtatama ang mga paningin namin tapos sabay kaming ngingiti. Ang tagal kong hinintay 'to!
"Naiinggit ako lab, titigan din tayo tapos ngiti tayo." Sabi ni Kuya Badong kay Nanay Luz kaya hinampas siya nito sa balikat. "Baliw ka talaga." Sagot naman ni Nanay Luz, kaya napatawa kaming lahat.
Simula ng tumira dito si Sue, mas naging mas close pa kaming apat. Para na talaga kaming pamilya, at puro na kami tawa. Ngayon ko lang naramdaman yung may kasalo sa hapag, masaya naman pala. Habang kumakain may kakuwentuhan ka, may katawanan, tapos ang sarap pala sa feeling. Close naman na kami nila Kuya Badong at Nanay Luz dati pa, pero never ko silang inaya na kumain kasama ako. Kakain lang sila kapag nakaakyat na 'ko sa kwarto. Ang iniisip ko kasi, 'yan lang sila at nandito ako sa taas nila. Pero nung nandito na si Sue ulit, narealize ko kung gaano siya kabait sa ibang tao at tinuro niya sakin yun dati.
Kapag nga sumasama yung ugali ko, tinatakot niya 'ko na iiwan niya 'ko ulit. Ano 'ko, matatakot? Malamang, ayokong mawala pa siya ulit sakin kaya bumabait ako.
Matapos namin kumain, naghugas na si Nanay Luz at sinundan ko lang si Sue kung saan siya pumunta. Dumiretso siya sa kwarto niya kaya pumasok din ako, nagulat nga siya nung napansin niyang nakasunod ako sa kaniya eh.
"Oh, anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin pero binagsak ko lang yung katawan ko sa kaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit kaya napayakap na rin siya sakin. "Bakit, may problema ba?" Tanong niya. Siguro sanay na siya kasi kanina ko pa siya niyayakap.
"Na-miss kita." Sabi ko at nagpout, tapos kumalas na sa yakap. Hinila ko siya pahiga sa kama niya, at saka inunan yung braso niya. She started playing my hair so I hugged her tight. Gustong gusto ko talaga kapag pinaglalaruan niya yung buhok ko, feeling ko napaka-special ko.
"Ilang araw lang naman ako nawala." Sabi niya at ako nakapikit habang nakayakap lang sa kaniya. "Kahit na. Pinapag-alala mo 'ko." Sabi ko, yung boses ko malat.
"Saan ka ba galing? Napakadami mong sugat sa braso at mukha. Okay ka lang ba?" I asked and looked up at her. "Okay lang. May kumidnap sakin. Naalala mo yung binugbog mong mga bata?" Tanong niya kaya napaisip ako.
Oo, naalala ko yung tatlong lalaking nagpaiyak sa kaniya. May kasama silang tatlong babae at isa pang lalaking nakasalamin na halos nanginginig na sa takot. Tapos pagkatapos no'n, pumunta kaming coffee shop tapos pinunit ko yung kontrata nila ni Bill tapos napalayas siya sa bahay niya tapos dito na siya tumira. Ah, nung unang araw na nandito siya, sobrang saya ko talaga.
"Oo, naalala ko na." Sabi ko sa kaniya't ipinagsiksikan yung ulo ko sa leeg niya. "Ano ba, ba't bigla na lang parang ang landi mo ngayon?" Natatawa niyang tanong kaya tumingin ako sa kaniya habang naka-pout. "Ayaw mo ba?" Pagpapaawa ko, at ngumiti naman siya. Napakacute talagaaaaa.
"Ewan ko sayo. Bigla-bigla ka na lang nanghahalik... 'K-kala mo naman may tayo." Sabi niya't nagpigil ng tawa. Umupo ako, tumapat sa mukha niya habang ang isa kong kamay ay nakatukod sa gilid niya. "Gusto mo bang ulitin natin?" I said with my sexy tone and bit my lower lip. "P-parang baliw ka." Nahihiya niyang sabi at saka iniwas ang tingin kaya tinapat ko pa rin yung mukha ko sa kung saan man siya tumingin, para ako lang yung tititigan niya.
"T-tigilan mo nga!" Sabi niya't hinampas ako sa dibdib. "Alam mo, handa akong ligawan ka ulit. Kahit ilang beses, o kahit ilang taon pa. Kasi alam ko namang sakin ka pa rin mapupunta." Sabi ko't mas inilapit ang mukha ko sa kaniya.
"Baka niloloko mo lang ako." She said while I started kissing her cheeks gently. Namiss kong lambingin siya, isa 'to sa mga weakness niya. "Why would I? Kung nasa'kin ka na? Ang tanga ko naman masiyado para lokohin ka pa." I whispered in her ear and kissed her down to her neck.
Alam niyo na kung saan pauwi 'to.
BINABASA MO ANG
HDSeries 1: Eros Han
General FictionDo you believe in afterlife? Or in another life? Whatever you believe in, Mr. Han believes that Sue Floyd Lastimosa, the greatest writer, is destined to be with him, but not forever. They meet for a very short period of time, and will be separated a...