IKADALAWAMPU'T PITONG KABANATA

2 0 0
                                    

SUE'S POV

          "Anong nangyari anak? Bakit ka bumalik agad?" Salubong na tanong ni Nanay Luz, pero hindi ko siya pinansin at dire-diretsong pumasok sa kwarto ko. Naghanap ako ng medyo malaking bag, at inilabas lahat ng damit at gamit ko sa closet.

Lumalabo na ang paningin ko dahil sa kakaiyak. Tanga ka Sue, napakauto-uto mo. Ang dali mong mapaniwala, tapos iiyak-iyak ka ngayon.

"Sue, sa'n ka pupunta?" Tanong niya pero hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pag-iimpake ng damit ko. Kahit hindi niya 'ko palayasin, aalis ako ng kusa. Wala na 'kong pakealam kung saan ako pupulutin neto, basta ang kailangan ko ngayon ay makaalis na sa bahay na 'to.

"Sue tigilan mo na 'yan." Utos niya sakin pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Ang kapal ng mukha neto? Uutusan ako pagkatapos akong lokohin? Pinaramdam niya sakin na ako lang yung pinaka-espesyal na tao sa buong mundo, pina-fall niya 'ko sa kaniya, pinasaya, pinatawa, tapos ibang tao pala yung gusto niya.

"Sue ano bang problema mo?" Seryoso niya nang tanong at hinila ako patayo. "Anong problema ko? Ikaw Eros! Napaka-kapal ng mukha mo! Siguro gawa-gawa mo lang si Hermosa, 'no? Gusto mo 'kong paniwalain na totoo sila para mauto mo 'ko!" Malakas kong sigaw sa kaniya. "Hindi kita pinapaniwala." Seryoso niyang sambit.

"Oh talaga? Eros ilang araw lang akong nawala! Alam mo ba kung ano pinagdaanan ko?! Akala ko ba nandito ka lang sa tabi ko?! Ilang araw lang akong nawala tapos makikita kita sa bahay ng best friend ko, hinahalikan mo kamay niya?! Best friend ko?! Alam ko naman 'yon eh! Alam ko naman na siya talaga yung gusto mo tapos ako ginagamit mo lang para makuha siya! Sino ba namang hindi magkakagusto sa kaniya?! Mas maganda siya sakin, mas matalino, mas mayaman, siguro nga napipilitan ka lang na tumira ako dito, na sa totoo lang eh gusto mo na 'ko paalisin kasi si Aria naman talaga yung gusto mong ibahay!" Galit na galit kong sigaw. Gusto ko nang ilabas 'to lahat, kasi alam kong mamaya, magsha-shutdown na naman ang katawan ko dahil sa pagod.

"Hindi mo naiintindiha—"

"Ayoko nang makinig sayo Eros. Idadaan mo na naman ako sa mga pambobola mo? Fine! Panalo ka na! Napaniwala mo 'ko! Napaniwala mo na 'ko sa lahat! Suko na 'ko kasi Eros pinamahal mo 'ko sayo! Panalo ka na, panalo na kayo! Pagod na pagod na 'ko kakapaniwala sa mga kasinungalingan mo!" Sigaw ko. Gasgas na yung boses ko kakasigaw, at pakiramdam ko matutumba na naman ako anytime. Lagi namang ganito kapag masiyado na 'kong napapagod sa lahat.

"Tumigil ka na." Utos niya. "Wow?! Eros ang kapal ng mukha mo! Hindi ako titigil kakasalita dito kasi sinaktan mo 'ko! Bakit mo pa kailangang gawin 'to, pwede mo namang sabihin sakin ng harapan! Dapat una pa lang sinabi mo sakin na si Aria pala yung gusto mo, hindi ako! Hindi yung hinintay mo muna akong mawal—"

Hindi ko pa natatapos ang mga sinasabi ko nang bigla niya 'kong hilain sa bewang papalapit sa kaniya't hinalikan ako.

At first, it was slow and is full of doubt. I can feel his tongue slowly fighting with mine. But after that, our fight became faster. He wants more. I can't help but to kiss him back and hold him in his nape. He's like a thirsty child, asking for his mother's milk. Our tongues fought like swords in a battle and gives us pleasure and heat.

After some minutes, we stopped, trying to catch our breathes. We're sharing the same air, and we seemed to like it. He looked at my eyes, and I also did the same. "Hayaan mo muna 'kong magpaliwanag, please?" He said with his sexy tone that made my mouth shut. I gasped when he looked at my lips once again. Maybe he's thinking if he will kiss me for the second time or nah.

"Walang kami ni Aria. At hindi ko babalaking ligawan siya o kung ano man ang nasa isip mo. Kanina, pinakiusapan niya 'kong iacting namin yung napanood namin sa TV noong nagpropose yung lalaki doon sa babae. Kaya please, 'wag mo kaming pag-isipan ng masama. Kaya kong patunayan 'yon sayo, kahit mag-make love pa tayo sa harap niya." He said and smirked, kaya pinalo ko siya sa balikat. I'll admit it, he's hot.

Pero virgin pa 'ko! At... F-first kiss ko 'to.

HDSeries 1: Eros HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon