IKALABING-DALAWANG KABANATA

5 1 0
                                    

SUE'S POV

          "Aaaargh! Nakakainis ka! Nakakainis kayong lahat! Akala mo naman kung sinong pogi... O-oo pogi ka! P-pero wala kang karapatan!" Malakas kong sigaw habang padabog na naglalakad sa kalsada. Ang lakas ng loob niya, pacorner-corner pa siyang nalalaman, dapat pala dinala ko yung pepper spray ko para nakita niya yung hinahanap niya! Bwisit!

Habang naglalakad, may nakabunggo akong babae. Medyo mas maliit siya sakin ng kaunti, medyo light brown ang buhok niyang shoulder length, at maputi siya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" Sigaw ko sa kaniya. Narinig ko siyang bumulong, sabi niya, "'Wag mo na siyang patulan Shadow." Eh wala naman siyang kausap.

Maya-maya pa, may biglang tumulak sakin kaya napaupo ako sa semento. Alam kong siya 'yon kasi wala naman kaming ibang kasama dito. Alangan namang hangin yung tutulak sakin? Siguro ginantihan niya 'ko kasi sinigawan ko siya. Napakamaldita ne'to!

"Tinulak mo ba 'ko, ha?!" Sigaw ko sa kaniya. "H-hala, hindi ako 'yun... Si Shadow po 'yun! Shadow kasi, sabi ko sa'yo 'wag mo na patulan!" Sabi niya at tumingin sa tabi niya. Wala naman akong nakitang kausap niya.

"Alam mo, Miss? Magpatingin ka na sa psychiatrist kasi nababaliw ka na. Lahat kayo baliw na!" Malakas kong sigaw at saka umalis. Wala na 'kong pakealam kung pinagtitinginan na 'ko ng mga tao. Basta mga baliw sila lahat! Lalo na yung Eros na 'yon!

"Hermosa? Clarita? Ugok! Crush mo lang ako kaya maski mukha ko pina-painting mo eh! Pa-Hermosa Hermosa ka pa jan, hambalusin ko mukha mo eh!" Badtrip kong sabi sa sarili ko. Ang galing niyang gumawa ng kwento, siguro mas magaling pa siyang writer kesa sakin.

Pumasok na 'ko sa building at sumakay sa elevator. Pagkarating ko sa 7th floor, nakita kong parang may nag-aabang na babae sa harap ng pinto ko. Agad naman akong lumapit sa kaniya, at mas lalong nag-iba yung mood ko nang makilala ko kung sino siya.

Siya yung masungit na receptionist. Tinarayan ako neto nung nabunggo ko siya sa labas nitong building. Tapos tinarayan ulit ako nung nakasama ko siya sa elevator.

Naalala ko, muntik ko na 'tong sabunutan dahil gigil na gigil na 'ko eh. Nung nakasama ko siya sa elevator, titingnan niya 'ko tapos iirapan. Tapos bigla niyang sabi, "Kamusta naman yung pinatikim lang sayo yung pakiramdam ng pagiging sikat? Tapos ilang taon lang, laos ka na agad. Kaya siguro wala kang pangbayad sa apartment."

Pagkarating ko sa harap ng pinto ng apartment ko, tinarayan niya na naman ako. Pigilan niyo 'ko, dudukutin ko na mata neto.

"May pinapaabot sayo yung hotel manager. Marami ka na raw utang kaya pinapalayas ka na." Naka-smirk niyang sabi pero hindi ko siya pinansin at binuksan ko na yung pinto ng apartment ko.

Please, 'wag ngayon kasi mapapatulan talaga kita.

"Hindi mo ba 'ko papansinin? Lumayas ka na. Bakit ka ba kasi nagsisiksik sa hotel namin eh wala ka naman palang pambayad? Tsk." Nang-aasar niyang sambit kaya sinara ko ulit yung pinto ng padabog, at saka namaywang.

"Wala ka nang pakealam do'n. Bakit ka ba nandito? Diba dapat nasa table ka doon sa baba? Kasi that's the perfect place for you. Somewhere lower than me." Sambit ko naman pabalik.

"Really? Kaya ka lang naman mas mataas sakin kasi... Siguro kapit ka sa mayayamang daddy? Tell me, ilan ba sugardaddy mo? Pati siguro si Manager, dinali mo kaya hindi ka mapaalis-alis dito. Para kang linta, ang kapit mo." Sabi niya't muling nag-smirk.

Lord, bigyan niyo po ako ng pasensiya dahil baka mapatay ko ang babaeng 'to.

"Wala ka nang pakealam kung ilan sugardaddy ko. Inggit ka ba? Edi hanap ka rin ng sayo." Sagot ko sa kaniya. She then flipped her wavy blonde hair, and then shooked her head.

"Edi inamin mo rin na kapit ka nga sa sugardaddy. Sabi na nga ba, alam ko naman na kahit sinuka ka na ng lahat, may magnanasa pa rin sayo. Kasi, how come na isang laos na writer, may kakayahan pa ring tumira sa mamahaling hotel na 'to? Saan ka kumukuha ng pera? Siguro magaling ka gumiling kaya ka nagkakasweldo." Sabi niya na nagpa-init ng ulo ko.

"Bakit, gusto mo ba 'kong makitang gumiling? Ha? Gusto mo? Eto gagawin kitang giniling na baboy!" Sabi ko't inabot yung mahaba't wavy niyang buhok at saka siya sinabunutan. Gumanti rin siya sakin pero hindi niya mahila yung buhok ko kasi nga naka-boycut ako.

Sa kakasabunot ko sa kaniya, napahiga siya sa lapag kaya umupo ako sa tiyan niya't walang tigil siyang pinagsasabunutan. "Ano? Masarap ba magilingan ha?! Gusto mo pa?! Ayan!" Sigaw ko't inundayan siya ng sapak sa mukha. Kahit babae ako, hindi lang puro sabunot ang alam ko 'no!

May mga guards na dumating para awatin ako. Maski yung manager ay dumating din. Ayaw ko pa sanang magpaawat, kaso tatlong guards na yung nakayakap sakin eh kaya wala na 'kong palag.

"Bwisit kang babae ka! Pasalamat ka maiksi lang 'yang buhok mo, kung hindi baka kinaladkad na kita palabas ng building!" Sigaw nung babaeng receptionist na 'yon at susugurin pa sana 'ko pero pinigilan siya nung hotel manager.

"Oh talaga? Edi SALAMAT! Salamat sayo ha kasi maiksi buhok ko! SALAMAT!" Sigaw ko at pilit nanlalaban kahit pa tatlong guwardiya na yung humaharang at pumipigil sakin.

"Ms. Lastimosa, enough!" Sigaw nung manager kaya natigilan ako. "Bitawan niyo nga 'ko!" Sabi ko dun sa tatlong guards at binitawan naman nila 'ko, saka ako nag-ayos ng sarili.

"Ms. Lastimosa, binigyan na kita ng last warning noong mga nakaraang buwan, but you disregarded it! Tapos ngayon ikaw pa may ganang sumugod at magalit?! Inutusan ko 'to si Miss Receptionist para paalisin ka na dito dahil anim na buwan ka nang hindi nakakabayad sa apartment mo! Ngayon kung hindi ka aalis, idedemanda ka namin!" Sigaw niya sakin. Oo nga pala hindi pa 'ko nakakabayad.

"Eh siya naman yung nauna eh!" Sabi ko't tinuro yung nang-aasar na receptionist. "It doesn't matter kung sino ang nauna! Ang mahalaga dito, kung sino ang nagbabayad ng tama! At hindi ikaw 'yon, kaya umalis ka na dito, now!" Utos niya sakin.

"Teka lang! Kukunin ko pa yung mga gamit ko!" Sabi ko at naglakad patungo sa pinto ng apartment ko. "Guards, kunin niyo siya." Utos nung manager kaya hinawakan ako ulit nung mga guwardiya.

"Bakit mo kukunin ang mga gamit mo? That'll be your payment! Kaya guards, kaladkarin na 'yan palabas!" Sabi nung hotel manager kaya hinila na nila ako palabas ng building.

Hindi pwede 'to! Napaka-unfair! Ano bang kasalanan ko?! Bwisit na buhay 'to!

HDSeries 1: Eros HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon