SUE'S POV
It has been days simula nang tumira ako dito kela Eros. Hindi na rin ako masiyadong nahihiyang makipag-usap sa kanila, pero kapag naaalala ko yung kababalaghang nangyari, parang umuurong yung dila ko.
Ilang araw na rin, pero wala pa 'kong balita kay Aria. Kamusta na kaya siya? Kayang kaya ko naman siyang puntahan ngayon dahil nakatira lang naman kami sa iisang subdivision, pero wala akong lakas ng loob. Siguro galit pa rin siya sakin dahil sa mga nasabi ko nitong mga nakaraang araw. Para sakin, wala na yung mga pinagsasasabi niya tungkol sa pamilya ko. Ayos lang, nakalimutan ko na 'yon. Pero hindi ko alam kung ano na ang ginagawa niya ngayon.
Simula rin ng tumira ako dito, hindi na 'ko ginugulo ni Bill ulit. Malamang, hindi niya naman siguro alam kung nasaan na 'ko ngayon. Wala na rin siyang contact sakin kasi nga durog-durog na yung phone ko, tapos naiwan ko pa yun sa apartment ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang tawaging 'malas' si Eros, kasi kung tutuusin siya yung nagligtas sakin sa mga kamalasang nangyari sa buhay ko. Noong nawalan ako ng trabaho at ng tirahan, pinatuloy niya 'ko dito sa bahay niya. Siguro nga ako lang yung gumagawa ng malas sa buhay ko, tapos sinisisi ko lang siya. Kawawa naman yung tao, Sue. Kinupkop ka na nga, sinusungitan mo pa.
Naisip ko rin, simula nung tumira ako dito, hindi na 'ko lumalabas. Kung lalabas man ako, hanggang jan lang sa gate. Wala naman sigurong masama kung maggagala ako ng ilang oras lang diba?
Tumayo na 'ko't nagbihis. Mostly sa mga damit ko dito, puro hoodie ni Eros kaya wala akong choice. Kinuha ko yung black hoodie at yung pants. Tinuck-in ko na lang yung hoodie sa pants kasi sobrang laki, tapos nagsuot din ako ng rubber shoes. Wala dito si Eros kasi may pinuntahan daw sila ni Kuya Badong sabi ni Nanay Luz.
Nang makababa ako sa sala, nakita ko si Nanay Luz na naglilinis. "Oh, saan ka pupunta't nakabihis ka?" Tanong niya sakin. "Ah, magpapahangin lang po. Matagal-tagal na rin po kasi simula nung huli akong nakaapak sa kalsada." Sagot ko sa kaniya't tumawa. "Pero hindi naman po ako magtatagal. Saglit lang po." Dagdag ko pa.
"Gano'n ba? Oh sige, basta'y mag-iingat ka, ha? Umuwi ka kaagad." Sabi ni Nanay Luz. "Opo. Bye po!" Huli kong sagot sa kaniya't lumabas na ng bahay. Dumaan ako sa may pedestrian gate at saka nagsimula nang maglakad palayo. Namiss kong umupo sa gutter o di kaya maglakad dito sa sidewalk. Sa'n naman kaya 'ko pupunta? Eh kung bisitahin ko kaya yung dati kong apartment? Wala naman na 'kong ibang mapupuntahan.
Pagkalabas ko ng subdivision, bumungad sakin yung kalye na puno ng mga sasakyan. Tuwang-tuwa akong naglalakad habang inii-sway ko pa ang mga kamay ko.
Nakarating ako sa may malaking palengke. Samut-sari yung binebenta dito, at matao din. Nakuha ng isang fruit stand ang atensiyon ko, kaya nilapitan ko ito.
"Wow, mukhang masarap 'tong watermelon Ate ah?" Tanong ko at saka binuhat yung pakwan. Medyo mabigat pero keri naman. "Ah, opo Miss. Fresh from the farm 'yan." Sabi niya. "Oh talaga? Sige kunin ko na. Ito bayad oh." Sabi ko't inabot yung bayad sa kaniya. Habang naghihintay ng sukli, bigla akong napalingon at nakita ng mga mata ko ang dalawang malalaking lalaki na nakakulay itim na damit. "Diba siya 'yon?" Rinig kong sabi nung isa sa 'di kalayuan, at tinuro pa 'ko. Tumango naman yung isa. Maya-maya pa, dali-dali silang naglakad patungo sa direksyon ko kaya sa takot ay napatakbo na 'ko palayo. Tinatawag ako nung tindera para kunin yung sukli ko pero hindi ko na siya pinansin at saka tumakbo palayo habang bitbit-bitbit 'tong mabigat na pakwan.
Sa kakatakbo ko, hindi ko na alam kung saan ako napunta. Hindi ko pa naman kabisado 'tong palengke kaya kung saan na lang ako dalhin ng paa ko eh doon ako pupunta.
Nang medyo maaabutan na nila 'ko, binato ko doon sa mukha nung isang lalaki yung pakwan at natamaan siya sapul sa ulo kaya siya natumba. Tapos napatid niya yung isa pa niyang kasama kaya parehas na sila ngayong nakahiga sa semento.
Tumatawa ako habang tumatakbo, pero nung pagkaharap ko sa daraanan ko, bigla akong may nakabunggong mas malaking lalaki. Tumama yung noo ko sa dibdib niya, tapos bigla niya kong tinakpan ng panyo sa bibig at binuhat para isakay sa kotse nila. Pagkatapos no'n, hindi ko na alam ang nangyari.
—
EROS' POV
"Nanay Luz, nandito na po kami." Sabi ko habang buhat-buhat yung pinamili kong kung ano-ano para sa kitchen. Medyo nauubos na kasi yung milk at drinks sa ref kaya bumili ako ng bago.
Bumili na rin ako ng mga damit ni Sue. Binilhan ko siya ng bagong mga cardigans at pants, mga long sleeves na damit, oversized t-shirts, pati undergarments.
Nakakahiya pero, in order to know her cup size, kinalkal ko sa labahan yung brassiere niya. Natuwa ako nung nakita ko– wait parang ang manyak pakinggan. Basta, hindi ko na siya sinama sa pagbili ng mga gamit niya to surprise her.
"Akin na po ser, ako na maglalagay niyan sa dining area." Sabi ni Kuya Badong so I handed him the two brown bags full of drinks and other 'home-needs'.
"Nanay Luz, nasaan po si Sue?" Tanong ko kay Nanay Luz na bagong baba lang ng hagdan. "Umalis. Ang sabi niya sa akin, magpapahangin lang daw. Ewan ko nga eh, hanggang ngayon hindi pa bumabalik, dalawang oras na. Baka naaliw lang sa labas." Sabi niya na nagpakaba sakin.
"Nay naman, bakit niyo po siya hinayaang umalis?" Nag-aalala kong sambit. Ewan ko, pero pakiramdam ko may hindi magandang nangyayari. "Eh hindi mo naman sinabi sakin na pagbawalan ko siya." Sagot naman sakin ni Nanay Luz. Napakamot ako sa ulo ko't dali-daling lumabas ng bahay. Ini-start ko na yung engine ng kotse't nagdrive patungo sa labas ng subdivision.
Nakarating ako sa guardhouse kakadrive at pumasok dito. "Kuya, may napansin ba kayong babaeng lumabas ng subdivision kanina? Panglalaki buhok niya tapos medyo mas mababa sakin. Naka-hoodie siya Kuya. Baka pwedeng mareview yung CCTV." Sabi ko sa kanila. "Sorry ser, pero hindi po kasi nago-operate yung CCTV ng maayos kaya tinanggal po muna namin." Sabi niya na ikinaguho ng mundo ko. Sabihin niyo nang OA ako, pero takot na 'kong mawala ulit yung babaeng pinakamamahal ko.
Habang nagdadrive, napadaan ako sa malaking palengke malapit dito sa subdivision namin. Bumaba ako ng kotse at nagtanong-tanong sa mga tao doon, pero wala daw silang napansing babaeng panglalaki ang buhok at nakahoodie.
Sa sobrang pagod, dahil kanina pa 'ko naghahanap at paikot-ikot dito sa buong palengke kakatanong kung may nakita ba silang babae, naisipan kong sumilong muna sa isang fruit stand at magpahinga. Tirik na tirik na rin ang araw, at sobrang nag-aalala na 'ko sa kaniya.
"Sue naman kasi! Kaya nga kita pinatira sa bahay ko kasi ayoko nang mawala ka pa, tapos eto pa mangyayari? Pinapag-alala mo 'ko!" Bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang mga nagdaraang tao, umaasang nandito lang siya.
"Sino po kausap niyo?" Sabi ng babaeng nagtitinda sa fruit stand, pero umiling lang ako at tinalikuran siya. Pero pagkatapos ng ilang segundo, humarap ulit ako sa kaniya. "Miss, may nakita ka bang babaeng napadaan dito? Sobrang iksi ng buhok niya, panglalaki, tapos naka-long sleeve siya na damit. Sana nakita mo siya." Sabi ko sa kaniya, kaya napaisip naman siya.
"Maiksing buhok? Mahabang manggas na damit? Ah! Opo!" Sambit niya na nagpabuhay ng dugo ko. "Opo, bumili po siya sakin ng pakwan, pero bigla po siyang tumakbo kaya hindi ko na nabigay yung sukli niya. Pero may nakita akong dalawang malalaking lalaki na humahabol sa kaniya. Tapos ayon, hindi ko na ho alam kung saan sila napunta." Sagot niya sakin.
Humahabol? Dalawang malalaking lalaki? Sue nasaan ka na ba kasi? Lagi mo 'kong pinapag-alala!
Pero 'di bale. Hindi kita pababayaan. Hindi ko sila papayagang gasgasan man lang ang balat mo. Hahanapin pa rin kita kahit hindi ko alam kung saan magsisimula.
BINABASA MO ANG
HDSeries 1: Eros Han
Ficción GeneralDo you believe in afterlife? Or in another life? Whatever you believe in, Mr. Han believes that Sue Floyd Lastimosa, the greatest writer, is destined to be with him, but not forever. They meet for a very short period of time, and will be separated a...