IKALABING-APAT NA KABANATA

6 1 0
                                    

EROS' POV

          "Anak, ito na yung pinapahanda mong mga damit." Sabi ni Nanay Luz at iniabot sakin yung mga damit ko; may mga tee's, hoodies, etc.

Tumingin ako sa taong mapayapang natutulog sa kama ko, at ngumiti. "Ang ganda niya, 'no?" Tanong ni Nanay Luz, kaya nilingon ko siya. "Opo. Sobra." Sabi ko habang todo ang ngiti. Hinawakan naman ako ni Nanay Luz sa magkabilang balikat.

"Ang dami diyang iba, Eros anak. Bakit siya pa rin?" Tanong niya ulit. Napabuntong hininga ako, at sinabing,

"Nanay Luz, kung mahal niyo po ang isang tao, at kung tunay na pagmamahal 'yon, kahit abutin ka ng daan-daang taon kakahintay sa kaniya, magagawa mo. Mahihintay mo siya." Sabi ko at nginitian siya. Ginantihan niya rin ako ng ngiti.

"Alam mo namang mawawala pa rin siya diba?" Sambit ulit ni Nanay Luz. "Opo. Pero alam ko naman po na babalik din siya pagkatapos niyang mawala. May tiwala po ako sa kaniya at hindi mababali 'yon."

"Kahit pa hindi ka na niya ulit maaalala?"

"Hindi po ako mapapagod na ipaalala sa kaniya lahat." Sagot ko sa kaniya. Kapag kasi nagmamahal ka, lahat ng tanong ay kaya mong sagutin.

"Alam mo, hanga ako sayo. Kasi kung ibang lalaki yung nasa sitwasyon mo, mapapagod na sila at hahanap agad ng iba, tulad ng iba jan." Sabi ni Nanay Luz, at sakto naman ang dating ni Kuya Badong.

Napatawa na lang ako. Matagal na kasi silang lovers ni Tatay o Kuya Badong, pero nag-iiwasan pa rin sila hanggang ngayon. Ang kwento kasi nila, taga-probinsiya sila dati. Nag-break sila noong mga bata pa sila kasi lumuwas si Nanay Luz dito sa Maynila para magtrabaho. Simula no'n, wala nang balita si Nanay Luz kay Kuya Badong. Nabalitaan niya na lang na may iba na daw si Kuya Badong sa probinsiya. Noong mga 58 years old na si Nanay Luz, saka ko siya nakilala at kinuha bilang yaya. Pero higit pa sa yaya yung role niya dito kasi para ko na siyang tunay na nanay. Makalipas ang dalawang taon, nakilala ko naman si Kuya Badong. 61 years old siya no'n, at isa siyang driver. Tapos ayon, hindi ko naman alam na magkakilala pala sila.

"Ser Eros, tapos na 'kong maglinis ng mga kotse. Anong sunod kong gagawin?" Tanong ni Kuya Badong. "Ang susunod mong gagawin? Humanap ka ulit ng babae tutal doon ka naman magaling." Sabi ni Nanay Luz at nag-walk out.

"Sabi sayo crush ako no'n eh. Saglit, susuyuin ko lang hehe." Sabi ni Kuya Badong at umalis na rin. Ang cute nila hahaha!

Napatingin ulit ako kay Sue. Mukha siyang anghel. Hinawi ko yung buhok niya at mas lalo siyang tinitigan. Maya-maya pa, bigla siyang kumilos at nag-inat kaya umayos na 'ko ng upo. Ilang saglit pa'y idinilat niya na ang magaganda niyang mga mata, at saka diretsong tumingin sakin. Ineexpect ko talaga na aawayin niya 'ko, sisigawan or what kasi lagi niya namang ginagawa 'yon at sanay na 'ko, pero hindi siya nagalit, o sumigaw man lang.

Dahan-dahan siyang umupo, kaya inalalayan ko siya. Sabi kasi ni Nanay Luz, may lagnat siya. Pinalitan kasi siya ng damit ni Nanay Luz kagabi. Natagpuan namin siya ni Kuya Badong na naglalakad at basang-basa na. Tapos bigla siyang natumba sa harap ng kotse namin kaya agad akong lumabas at binuhat siya.

"B-bakit ako nandito?" Mahinahon niyang tanong. "Uhm, kasi naglalakad ka sa kalsada tapos bigla kang natumba kaya inuwi kita dito." I said and cleared my throat.

"S-salamat." Sabi niya at tila ba hindi mapakali sa katawan niya. I know she's not fine. Kanina niya pa hinihipo yung batok at braso niya. "Uh, okay ka lang ba? M-may kailangan ka ba? 'Wag ka na munang kumilos ngayon, dapat magpahinga ka muna. Nilalagnat ka eh." Sabi ko sa kaniya.

"Papalayasin mo ba 'ko dito kapag magaling na 'ko?" Tanong niya at parang nagmamaka-awa ang mukha. Alam ko kung ano nangyari sa kaniya, napalayas siya sa hotel na tinutuluyan niya.

"Hindi. Pero ikaw, kung gusto mong umalis, hindi kita pipigilan." Sagot ko naman. Mali ata yung sinabi ko. Ang totoo kasi niyan, ayoko naman talaga siyang umalis.

"I mean, hindi mo kailangang umalis. Nabalitaan ko yung nangyari sa hotel, at welcome ka naman dito. No worries, wala akong gagawing masama sayo. Promise." Sabi ko at itinaas ang kanang kamay ko. Tumango naman siya.

"By the way, ito nga pala yung mga damit na pwede mong suotin. Sa ngayon kasi, wala pang pang-babaeng damit dito pero bibili ako later." I added and handed her the clothes na pina-ready ko kay Nanay Luz.

"Uhm maiwan na kita dito. Magluluto pa 'ko ng makakain natin." I said at iniwan na siya sa kwarto.

HDSeries 1: Eros HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon