IKAAPATNAPU'T WALONG KABANATA

1 0 0
                                    

EROS' POV

          "Doc, ano pong sakit ni Sue?" Nag-aalala kong tanong sa doctor na kaharap ko ngayon. He removed his eyeglasses, para bang may dala siyang hindi magandang balita.

"Well, we CT scanned her and her body is properly working. But her brain doesn't." He said and handed me an x-ray like image that shows a brain.

"She has stage 4 primary brain cancer. We found that the tumor grew in her foramen magnum that causes her nosebleeds, several unconciousness, personality changes, and memory lapses. Well, tumor is an overgrowth cells in the brain, and her case is inoperable. Delikado, so Mr. Han, sorry but we can not do anything in her case." Malungkot niyang sambit.

Parang bumagsak lahat sakin. Hindi ko na alam kung ano gagawin, o kung ano ba? Hindi ko na alam. Hindi na 'ko makapag-isip ng matino. This is the reason why ayokong napapamahal sa mga tao dito sa mundo; alam kong lilipas din sila. But I can't help but to fall in love with her every single time.

Tumayo na 'ko't naisipang pumunta sa kwarto kung saan nakaconfine si Sue. When I opened the door, there I saw her happily playing with Vani and Choco while lying in her bed.

I smiled. Kahit talaga ano pang mangyari sa kaniya, she can still manage to smile and laugh. Talo niya 'ko pagdating sa katapangan. Sobrang tatag niya talaga.

Lumapit ako sa kaniya habang nakangiti. Napatigil naman siya sa pagtawa nang makita niya 'ko. "A-alam mo na ba?" Inosente niyang tanong kaya tumango ako at pinigilan ang mga luha mula sa pagpatak.

Napabuntong hininga siya't umiwas ng tingin sakin. "Sorry ha? Hindi ko sinabi sayo. Alam ko naman kasing mag-aalala ka sakin ng sobra, at ayaw ko nun. Ayokong umiyak ka dahil sakin. Noong mga nakaraang buwan pa 'ko nadiagnosed, having this fvcking brain cancer. Pero see? Lumaban ako. Tapos nakilala kita." Sambit niya at ngumiti, kaya hindi ko na napigilan pang umiyak.

"Sorry, hindi ko nasabi sayo. Alam mo ba, birthday ko na sa susunod na linggo. Ayaw ko sanang sabihin sayo para surprise, pero wala. Nasabi ko na." She added and laughed genuinely. "Gusto ko kasing ipakita sayo na kaya kong gumaling hanggang sa birthday ko." Sambit niya ulit.

"Ano ka ba Eros, 'wag ka ngang umiyak jan! Hindi pa 'ko patay. Lalaban ako." Sambit niya, pero alam ko naman ang kahahantungan nito. Birthday niya na, December 13. Hindi ko na napigilan pang umiyak, sobrang sakit. Alam kong mahihirapan akong tanggapin kapag nawala siya, pero I'll give my best. Mas mamahalin ko pa siya ng sobra, at ipaparamdam ko na handa akong maghintay sa kaniya para sa susunod na dalawandaang taon.

Kinuha ko yung kamay niya't isinubsob ang mukha ko do'n. "Eros, 'pag in case hindi ako nakalaban... A-at nawala ako... Maghahanap ka ba ng iba?" Nanghihina niyang tanong, at umiling lang ako habang naiyak. "A-alam mong hindi ko magagawa 'yan." Pumipiyok ko pang sambit habang patuloy sa pag-iyak.

"Aalagaan kita, tutulungan kita sa lahat. Basta, lalaban ka ha?" Umiiyak kong sambit sa kaniya't hinawi ang buhok niya. Tumango naman siya at ngumiti kaya hinalikan ko ang noo niya.

Sue, sana 'wag mo 'kong pahirapang pakawalan ka this time. Baka maisipan ko na lang na sumunod sayo.

HDSeries 1: Eros HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon