SUE'S POV
Niyakap ko yung sobrang lambot na unan habang nakahiga ako sa kama. Paidlip na sana ako, pero biglang may kumalabog ng pinto ng kwarto ko kaya agad akong napaupo.
"Sue let's talk." Sabi ng tao sa labas habang hinahampas yung pinto. "Ano ba? Umalis ka dito!" Sigaw ko naman pabalik. "Open the door!" Pasigaw na niyang sambit kaya nagsitayuan ang mga balahibo ko. Base sa tono ng pagkakasabi niya, he's fvcking serious.
Lagot, baka palayasin ako neto kapag hindi ko pa pinapasok.
"Just... Please, let me in. We need to talk. Just talk." Sambit niya ulit pero lumambot yung boses niya. Nakakaawa naman 'to. Sige na nga. Pagbubuksan ko na ng pinto.
Tumayo ako't binuksan yung pinto. There I saw him sobbing tapos namumula yung mga mata niya. Dali-dali siyang pumasok at saka isinara niya rin yung pinto.
"I don't know how can I get your trust again, pero sana alam mo na honest ako sayo at hindi kita niloloko." He said and gave me his phone. Nagtataka ko 'tong inabot.
"I blocked her. I blocked Mrs. Mildred. I blocked everyone on that phone. Kung gusto mo ikaw na lang gumamit niyan. Since the day na dito ka na tumira kasama namin, all of these, this house, those rooms, the chandelier, the cars, everything, it's all yours. Wala na 'kong pag-aari dito kasi lahat ng 'to, ginawa ko para ialay sayo kaya please. Kaya kong harapin yung consequences kapag nawala si Aria, but you... I can't... I can't afford to lose you again." He said and cried.
Awww so cute :( I've never seen anyone cried for me aside from him. Sige na nga papatawarin ko na siya.
"It's okay, it's okay. 'Wag ka nang umiyak, para kang bakla. Sige na, sorry na. May tiwala ako sayo, at naniniwala ako. Sorry." Natatawa kong sambit kasi sobrang cute niya. He hugged me tight and cried on my shoulders. Sobrang sarap sa feeling na may isang taong takot na mawala ka, hindi ko kasi naranasan 'yon sa buong buhay ko.
"K-kung gusto mo, hindi na 'ko aalis dito sa bahay. Hindi ko na imemention si Aria kapag nag-uusap tayo kaya please. N-never leave me, p-promise?" He said while sniffing so I looked at him and smiled. He raised his pinky finger. "Promise." Sagot ko sa kaniya and wrapped my little pinky finger around it, at niyakap siya ulit.
—
SUE'S POV
Tapos na ang dinner. Tapos na rin maghugas ng pinagkainan si Nanay Luz. Ngayon, nasa labas siya ng bahay at nagdidilig ng mga halaman kaya lumabas din ako. Si Eros, busy sa pagtugtog ng piano sa favorite room niya.
After ng sinabi niya kanina, buo na talaga ang desisyon ko. Hindi na 'ko magdududa sa kaniya. Sobrang sincere niya at alam kong totoo lahat ng sinabi niya sakin kaya naniniwala ako sa kaniya.
Nakita kong pinatay na ni Nanay Luz ang hose at umupo sa isang bench kaya lumapit ako sa kaniya. "Oh Sue? Ba't di ka pa umaakyat sa kwarto mo?" Tanong niya sakin nang maramdaman niya yung presensiya ko. Umupo na rin ako sa bench habang nakangiti.
"Mamaya na po. Eh bakit po kayo, hindi pa po kayo magpapahinga? Eight na po ng gabi." Sambit ko sa kaniya. "Ah. Trabaho ko 'to eh. Kailangan ko gawin." Sagot niya sakin at saka siya tumawa. Simula talaga ng makilala ko si Nanay Luz, sobrang gaan na talaga ng pakiramdam ko sa kaniya. Sobrang bait niya.
"'Nay, ilang taon na po kayong nagtatrabaho dito?" Tanong ko. "Mga nasa limang taon na? O anim? Hindi ko na maalala. Noong pagkapasok ko dito, halos hindi kami pinapansin ni Eros. Pero habang tumatagal, marami na 'kong nalalaman tungkol sa kaniya." Sagot niya na nagpataka sakin. "A-ano pong tungkol sa kaniya?"
"Tungkol sa buhay niya. Noong una, hindi ako naniniwala sa mga kwento niya sakin. Pero noong nakita kita sa telebisyon, doon ako naniwala sa lahat. Alam mo ba noong napanood kita, agad ko siyang tinawag tapos parang nagningningan ang mga mata niya. Doon ako naniwala kasi kamukhang-kamukha mo si Hermosa." Sagot niya ulit. Here we go again sa Hermosa na 'to. "Sino po ba 'yon?" Curious kong tanong.
"Si Hermosa, siya ang unang kasintahan ni Eros. Hindi siya tanggap ng pamilya ni Hermosa kaya ginawa niya ang lahat para makuha ang babaeng pinakamamahal niya. 'Di kalaunan, nagpasiya na silang magpakasal pero namatay si Hermosa." Sambit niya't tumingin sa malayo.
"Noong nagbalik na si Hermosa sa mundo, Clarita naman ang naging pangalan niya. Isa siyang tanyag na manunulat noong kapanahunan niya. Nagkakilala sila ni Eros at sinubukang ipaalala kay Clarita ang lahat, pero hindi siya nagtagumpay. Pero naging sila pa rin ni Eros, kaso namatay din si Clarita dahil sa sunog." Dagdag niya pa.
"At katulad ng sumpa kay Eros, matapos ang dalawang daang (200) taon ay magkikita silang muli ng babaeng mahal niya, at ang pangalan naman nito ay Rupertina. Pinaibig niya ulit ito sa kaniya, pero namatay ulit si Rupertina. At, sumunod ka na Sue." Sabi niya't tumingin sakin kaya nagsitayuan ang mga balahibo ko. Ayoko talaga ng nakakarinig ng ganitong mga kwento.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit parang alam na alam niya kung paano ka suyuin? Kung bakit alam niya ang mga gusto at ayaw mo? Yun ay dahil ilang beses na kayong nagkita at nagkakilala sa nakaraang buhay mo. Napakaswerte mo kasi may isang tao na nagpapaalala sayo ng lahat. Oo sobrang hirap paniwalaan na si Eros ay naninirahan dito ng limang daan at dalawampu't anim (526) na taon na, pero kitang-kita ko kung gaano ka niya kamahal. Kung gaano ka niya pahalagahan. At ayaw niyang masayang ang isang araw na hindi kayo nagpapansinan kasi alam niya na darating din ang panahon na mawawala ka na naman at kailangan niyang maghintay ulit para sa muli mong pagbabalik." Nakangiting sambit ni Nanay Luz kaya napaiwas ako ng tingin.
Bakit gano'n? May part sakin na ayaw kong maniwala, pero may part na nagsasabi sakin na totoo lahat ng 'to. Kasi imposible naman na gagamit pa si Eros ng dalawang matanda para lang paniwalain ako sa ganito. Na si Nanay Luz na ang nagsasabi. Pinaparamdam din sakin ni Kuya Badong na dapat kong mahalin ng buo si Eros, pero may doubts pa rin ako. Hindi pa rin ako sigurado kung ano nga ba'ng nararamdaman ni Eros para sakin.
BINABASA MO ANG
HDSeries 1: Eros Han
General FictionDo you believe in afterlife? Or in another life? Whatever you believe in, Mr. Han believes that Sue Floyd Lastimosa, the greatest writer, is destined to be with him, but not forever. They meet for a very short period of time, and will be separated a...