IKA-TATLUMPONG KABANATA

2 0 0
                                    

SUE'S POV

          "At dahil girlfriend na kita, araw-araw na tayo magdedate." Nakangiti niyang sabi kaya napatawa na lang ako. Napakacute ng lalaking 'to!

Kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse niya. Nagmamaneho siya't katabi niya naman ako. Sabi niya papasiyal daw ulit kami, hindi niya naman sinabi kung saan. Ang kulit-kulit niya, sabi na nga ba alam niya kung ano ang mga weaknesses ko eh. Alam niya kung pa'no ako titirahin eh.

I mean, kung pa'no titirahin yung mga weaknesses ko. 'Wag kayong mag-isip agad ng masama.

Habang bumibiyahe, kinuha niya yung kamay ko't nakipag-holding hands siya sakin. Nakakagulat na bigla na lang siyang naging clingy matapos niya 'kong halikan. Tapos eto, sabi niya girlfriend niya na daw ako. Wala na 'kong palag kaya sige, bring it on.

Maya-maya pa, nakarating na kami sa isang mall. Nag-park na siya't bumaba tapos pinagbuksan niya 'ko ng pinto. Naglakad-lakad kami do'n, tapos napadpad kami sa seaside at umupo. Sobrang ganda ng view tapos yung bundok sa malayo, parang isang babaeng nakahiga. Ang sarap pakinggan ng hampas ng tubig sa malalaking mga bato. Marami ring mga taong namamasiyal dito, pero pakiramdam ko, lahat sila wala. Kami lang ni Eros ang nandito.

Siyempre hindi nawala ang picture-an. Pero madalas, ako lang mag-isa yung pinipicture-an niya, hindi siya sumasama. Tapos napag-usapan naming libutin muna yung buong paligid ng mall. Sobrang daming tao, may mga taga-ibang bansa, tapos sobrang saya talaga. Hinila niya 'ko sa isang stand for games, tapos naglaro na si Eros do'n. Hindi naman sa first time kong pumunta dito, pero kasi dati kasama ko si Tatay pumunta dito. Lagi akong masaya kasi naglalaro kami, madalas niyang ipanalo yung mga laro dito at bibigyan siya ng teddy bear, na ibibigay niya rin sakin. Pero pagkauwi na pagkauwi ko pa lang, kukunin na agad 'yon nila Ate at Kuya. Mag-aagawan pa sila, kasi parehas silang may kasintahan na't ipangreregalo nila 'yon. Hindi naman sila pinipigilan ni Mama, at hinahayaan lang nila 'kong umiyak.

"Sue, okay ka lang?" Bigla niyang tanong kaya napatingin ako sa kaniya. "Parang kanina ka pa tulala. Hindi mo 'ko nakitang maglaro, ito oh nanalo na 'ko." He added and gave me the white cat stuff toy. Sobrang cute tapos ang lambot ng balahibo! Naalala ko tuloy si Choco.

Nakangiti ko siyang tiningnan habang tuwang tuwa na hawak yung pusang stuff toy. "Tara na." Nakangiti niyang sambit at saka hinila ako patungo sa kung saan. Maya-maya pa, umupo kaming dalawa sa mga damo. Hindi ata 'to totoong damo pero ang lambot. Bigla naman siyang humiga, at saka tinuro yung naka-stretch niyang braso, sinesenyasan niya 'ko na humiga doon kaya humiga na rin ako.

Parehas naming tiningnan yung langit. Ang ganda ng mga ulap. Hindi na masiyadong maaraw kaya hindi na kami nasisilaw. "Patingin nga 'ko." Sabi niya't kinuha sakin yung pusang stuff toy at saka ito sinuri.

"Anong ipapangalan mo sa kaniya?" Nakangiti niyang tanong. Pa'no niya nalaman na mahilig ako magpangalan ng mga bagay?

"May asong stuff toy sa kwarto, Choco ang pinangalan ko sa kaniya. Diyan naman," Sambit ko't nag-isip. Ano ba'ng kapartner ng chocolate? Milk? Strawberry?

Ah oo! Vanilla!

"Vani." I added and looked at him again. "Hm, Hi Vani!" Magiliw niyang sambit habang nakatingin kay Vani, ang pusa naming stuff toy. "Hi Mama, Hi Papa!" Sabi niya ulit habang pinapagalaw yung ulo ni Vani, pero iba na yung boses niya, biglang lumiit.

"Excited na po akong makita si Choco!" Dagdag niya pa kaya ako napatawa't hinampas siya ng konti sa mukha, habang siya tumatawa dahil sa saliri niyang kagaguhan. Loko talaga 'tong lalaking 'to!

Habang naglilibot kami, may nakita akong nagtitinda ng flowers. Nakuha ng isang mapula at magandang rosas ang atensiyon ko, kaya naisipan kong bilhin ito. Humarap ako kay Eros habang nakangiti, and gave him the rose.

"Eros, ito tatandaan mo. Hinding-hindi mamamatay 'yang rose na 'yan habang nandito ako sa mundo." Magiliw kong sambit at tinanggap niya naman ito habang pilit na nakangiti. Wala na 'kong ibang alam na ibibigay sa kaniya, kaya ito na lang. Hindi naman ako mahilig magbigay ng regalo, pero para sakin, itong rosas na 'to ang pinakaespesyal kaya sa kaniya ko binigay.

Pero ewan ko. Baka kaya ganito ang ngiti niya ay dahil hindi niya nagustuhan? Siguro kasi simple lang? Kinabahan tuloy ako, pero ayos na sakin yung tinanggap niya 'yon.

Ilang oras pa kaming nagstay sa mall na 'yon. Nilibot na namin ang lahat, bumili ng kung ano-ano, at ngayon ay naglalakad na kami pabalik sa pinag-parkingan niya ng kotse. Nilagay niya na lahat ng paper bags sa compartment at pinagbuksan niya ulit ako ng pinto. Pumasok na rin siya sa kotse at saka nagsimula na siyang magdrive.

I looked at the side mirror. I can see myself wearing the hairband that he bought for me. Korteng tenga ng pusa yung design, at napatingin naman ako sa suot niya ring hairband. Korteng tenga naman ito ng aso. Bigla naman akong napangiti.

I never expected this. Ang alam ko, isa lang siya sa mga irereto sakin ni Aria. Pero ngayon, masaya akong kasama siya. Buti na lang talaga sumama ako kay Aria na pumunta sa bahay ng mokong na 'to dati. Kung hindi, baka single at malungkot pa rin ako hanggang ngayon.

HDSeries 1: Eros HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon