EROS' POV
Pinagmamasdan ko siya habang mahimbing siyang natutulog. Sobrang ganda niya. Hindi ko alam kung naka-ilang round kami kagabi, pero hindi ako nagsawa sa kaniya.
Kahit pa tulog siya, hinalikan ko pa rin siya sa labi. Sobrang lambot, at hinding-hindi ko pagsasawaang halikan ang mga labing 'to.
Dahil sa halik ko, bigla siyang kumilos. Maya-maya pa, iminulat niya na ang magaganda niyang mga mata at tumingin ito sakin. We're still naked, and I really love her body. Every inches of her, and her personality. Kung pwede ko lang sabihin sa kaniya kung ano nararamdaman ko, edi sana wala akong problema ngayon.
"Good morning." Sambit ko kaya napangiti siya. Sobrang ganda ng ngiti niya, nakakaadik. "Good morning din." Malat yung boses niya, pero napaka-sexy pakinggan. Lumapit ako sa kaniya and hugged her naked body. She hugged me back and kissed my forehead.
Ngayon wala na 'kong ibang gustong gawin kundi ang mahalin siya for the rest of my life. Sana wala nang sisira dito.
"Nakapagpahinga ka ba ng maayos?" Tanong ko sa kaniya. "Oo. Ikaw kasi, pinagod mo 'ko." Sabi niya kaya napatawa ako. "Gusto mo mapagod ulit?" Tanong ko sa kaniya kaya nakatanggap na naman ako ng hampas sa balikat. "Baliw." Tanging nasagot niya.
"Gusto ko na kumain." Sabi niya. "Ako din." Sagot ko naman. Bigla akong may naisip na kalokohan, kaya ko siya tiningnan sa mata. "Eh kung magkainan kaya tayo?" Nakangisi kong sambit kaya panibagong hampas na naman sa balikat. Gustong-gusto ko talaga kapag ginagawa niya 'yan, mamimiss ko kasi bawat hampas at sigaw niya sakin.
"Ang manyak mo. Maliligo na 'ko!" Sabi niya't umupo. "Teka, ayaw mo ng sunod na round?" Nakangisi ko pa ring tanong pero inirapan niya lang ako. "Round mo mukha mo." Sagot niya kaya ako napatawa.
"Sasama ako sayo maligo!" Sambit ko ulit nung pumunta na siya sa bathroom dala-dala yung kumot. "At bakit?" Tanong niya.
"Para makatipid tayo sa tubig." Sambit ko kaya mas lalo siyang nainis at isinarado na yung pinto. Tumayo naman ako ng walang saplot at saka kinatok yung pinto. "Hoy teka ibalik mo dito yung kumot!" Sigaw ko habang tumatawa. "Bwisit ka!" Sigaw niya sa loob ng bathroom kaya humagalpak na 'ko ng tawa.
"Bahala ka jan may butas dito, sisilipan kita!" Pagbibiro ko kaya kinalabog niya yung pinto. "Eros kasi para kang tanga!" Sigaw niya sa loob, at halos hindi na 'ko makahinga kakatawa.
Maya-maya pa, napatayo ako't tumingin sa kama. May blood stain ito. Puti pa naman yung bedsheet. Hindi ko na mapigilang mapangiti. Hindi ko ineexpect ang nangyari, at sobrang sarap sa feeling. I took her virginity for the first time, iniisip ko kung bakit hindi ko 'yon naisip gawin dati? Siguro dahil iniisip ko na may respeto ako sa kaniya't hinding-hindi ko siya gagalawin. Pero ngayon nagawa ko, at masarap pala talaga.
Mamaya ka sakin babae ka.
BINABASA MO ANG
HDSeries 1: Eros Han
General FictionDo you believe in afterlife? Or in another life? Whatever you believe in, Mr. Han believes that Sue Floyd Lastimosa, the greatest writer, is destined to be with him, but not forever. They meet for a very short period of time, and will be separated a...