IKALABING-ISANG KABANATA

5 1 0
                                    

EROS' POV

          After I took a shower, bumaba na 'ko sa dining area at doon nakita sila Sue at Aria na nagtatawanan. They noticed na kasama na nila 'ko kaya tumigil sila.

"Mr. Han, breakfast is ready!" Aria said while still wearing that smile on her face. Tiningnan ko naman si Sue at nahuli siyang nakatingin din sakin, pero agad siyang umiwas ng tingin. How cute! <3

We have bacon strips, eggs and brown rice for breakfast, at si Aria ang nagluto.

Sabay-sabay kaming umupo sa dining table. Hindi ko na ipinaghila ng upuan si Sue, nakakahiya kay Aria eh.

Nagsimula na kaming kumain habang binabalot ng katahimikan ang buong dining area. Ang pagtama ng kutsara't tinidor sa plato ang tanging maririnig. Maski ako, nahihiyang magsalita. Hindi ako sanay na may kasama sa pagkain kaya hindi ko alam kung ano gagawin o kung ano magandang topic.

"So," Pagbasag ni Aria sa katahimikan. "Mr. Han, may girlfriend ka na ba?" Nakangiting tanong ni Aria habang kumakain. Bigla naman akong namula dahil sa tanong niya. Dapat ko bang sabihin na balak kong gawing girlfriend si Sue? Na-hotseat ako bigla.

I cleared my throat and spoke up. "Wala." Kalmado kong sagot. Dapat magpaka-cool pa rin ako kahit medyo pakiramdam ko'y sobrang init ng mukha ko. Napatingin ulit ako kay Sue na payapang kumakain.

"Pero may balak ka bang mag-girlfriend?" Tanong ulit ni Aria. "By the way, ito si Sue, available siya– aray!" Dagdag niya pa. Bigla siyang kinurot ni Sue sa tagiliran kaya napatigil siya sa pagsasalita. Natawa naman ako ng bahagya.

Siyempre naman. Kahit hindi available si Sue, liligawan ko pa rin siya.

Wala na kaming ibang pinag-usapan hanggang sa matapos kaming kumain. Ngayon, nakatayo kaming tatlo sa dining area at nagtititigan, nang biglang tumunog yung phone ni Aria. Nag-excuse naman siya samin para sagutin yung tumatawag sa kaniya, kaya naiwan kami ni Sue na magkasama.

Napakagat-labi ako't napahimas sa sarili kong braso. Hindi ko alam kung ano gagawin, tatanungin ko ba siya kung kumain na siya? Oo, dito pa nga siya kumain eh. Eh kung kamusta na siya? Eh mukha naman siyang okay. Tanungin ko kaya kung kamusta trabaho niya? Eh ako rin naman may dahilan kung ba't siya nawalan ng trabaho. Baka magalit lang siya sakin at hindi na 'ko pansinin.

Maya-maya pa, biglang bumalik si Aria sa dining area, parang nalulungkot siya. Isinuot niya na yung shoulder bag niya at saka pilit na ngumiti kay Sue. "Bye na sis. Mr. Han, bye. I have to go." She said and waved her hand bago pa umalis.

"A-ano nangyari do'n?" Tanong ko kay Sue, para may topic naman kami kahit papaano. "Ah, baka nag-away sila ng boyfriend niya. Lagi naman silang nag-aaway eh." She answered. I cleared my throat once again.

"Uh, m-may kailangan ka pa ba?" Tanong ko sa kaniya. "Bakit, gusto mo na ba 'kong umalis?" Sarkastiko niyang sagot. Ang cute niya talaga 'pag naiinis.

"No, no. Uhm..." Nasabi ko na lang. Pinag-iisipan ko kung ipapakita ko ba sa kaniya yung chamber ko o 'wag na? Ayokong magulat siya kapag nalaman niya lahat.

Pero sige na nga. Mas magandang maaga niyang malaman.

"Sue? May ipapakita ako sayo." Sabi ko at hinila siya papunta sa library ko. Nang makarating na kami sa library, itinaas ko yung isang picture frame malapit sa book shelf at pinindot yung green button sa likod no'n. Bigla namang nahati sa gitna yung malaking book shelf, showing my secret chamber. Tiningnan ko siya, at bakas sa mukha niya ang pagkamangha. I smiled at hinila siya papasok ng chamber. Pagkapasok namin, biglang sumara yung book shelf. Sa loob ng chamber, may apat na malalaking frames. Lumapit siya sa unang frame at tila ba hindi pa rin makapaniwala. "S-sino siya?" Nagtataka niyang tanong. How funny she's asking me who's she.

"Siya si Maria Hermosa La Luna. Isang kilalang manunulat, taong 1515. Journalist siya't 'di maikakailang sobrang ganda niya." I said and looked at Hermosa's portrait. "She was born on 1494 and died on 1520. Isang araw matapos ng kasal niya, natagpuan siyang patay sa ilog." I said and smiled bitterly.

"That second woman, she's Clarita Segundina Calabario y Santiago. A famous novelist in her time. She was born on 1541, and died on 1567 dahil sa sunog. Aksidente lang ang lahat, at maraming nalungkot noong nawala siya dahil nga ay kilala siya sa buong bansa. She was sleeping that time, pauwi na yung kasintahan niya galing sa trabaho. Pero aksidenteng nahulog yung lampara mula sa lamesa ng kanilang bahay at wala nang nabalikan pa ang boyfriend niya, kundi ang bahay nilang abo na lang." I said and smiled at her.

"And, that third lady," I said and walked towards the third frame. "Her name is Rupertina Ambrocia Trinidad. Pinanganak noong 1768, at namatay din noong 1794. She was accidentally shot right in her heart, and left her husband alone." I said and sighed.

"Pinaglololoko mo ba 'ko, Eros?" Tanong niya't tumingin sakin ng masama. "Huh?" Tanong ko pabalik. "Eh mukha ko 'to lahat eh!" Sigaw niya, kaya napatawa naman ako. "Hindi mo naiintindihan, Sue. Hindi pa ngayon." Kalmado kong sambit sa kaniya. "Tss. Ewan ko sayo. Siguro naoverdose ka sa alak kagabi kaya kung ano-ano na naiisip ng utak mo. Aalis na nga 'ko!" Galit niyang sambit at saka humarap sa book shelf. "Pa'no ba 'to buksan?" Sabi niya sa sarili niya at pilit na binubuksan yung book shelf. Natatawa ako sa mga inaasal niya. Napakacute niya talaga! Ang sarap pisilin ng p... Pi... Pisngi niya.

Nang hindi niya talaga mabuksan, kinalampag niya na yung book shelf ng malakas at paulit-ulit. "Bumukas ka na kase!" Sigaw niya kaya napapigil ako ng tawa.

Lumapit ako sa kaniya, at sakto namang humarap siya sakin. Sobrang lapit ko sa kaniya, at nakatingin lang siya sakin. Walang pinagbago, ang liit niya pa din haha! "L-layuan mo nga 'ko." Mahina niyang sambit, tila ba nawawalan na siya ng hininga.

"Pa'no kung... Ayoko?" I said seductively at mas inilapit pa ang mukha ko sa kaniya. Namumula na siya, at halos ipagsiksikan na ang kaniyang sarili sa book shelf.

Mas inilapit ko pa ang mukha ko sa kaniya, and I acted like I'm going to kiss her kaya pinipilit niyang ilayo yung mukha niya, pero nacorner ko na siya.

After some seconds, I pulled a book and the book shelf separated. She immediately stood up straight, at dire-diretsong lumabas ng bahay. There, she left me laughing and blushing.

Dapat pala tinuloy ko na.

HDSeries 1: Eros HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon