EROS' POV
"Tigilan niyo na 'yan." Sabi ko sa kanila. Nakita kong hindi maganda ang lagay ni Sue, kaya kailangan ko siyang ipagtanggol.
Nakaupo siya sa lapag, umiiyak. Nagkalat din ang mga papel sa semento at nakuha ko ang atensiyon nung tatlong lalaking nagpaiyak sa kaniya.
"Wala ka na dito, pre. Ibalik mo na lang sakin yung bola ko, at magiging okay na ang lahat." Utos niya sakin kaya napasmirk ako at inapakan yung bola gamit ang kanang paa ko. "Kapag ba binalik ko 'to sayo, mababalik din yung mga papel na pinunit niyo?" Tanong ko pabalik.
"Baliw ka pala eh. Malamang hindi! Kaya akin na 'yan!" Sigaw nung lalaki.
"Kung hindi niyo na mababalik sa kaniya yung mga papel, hindi niyo na rin makukuha 'tong bola niyo." Sambit ko't pinaputok yung bola sa pamamagitan ng pag-apak dito. Narumihan pa yung black shoes ko.
"Sino ka ba sa tingin mo ha?! Boyfriend ka ba nitong talunan na 'to? Bagay nga kayo, si Miss Talunan at si Mister Yabang!" Sabi niya't tumawa.
"Hindi siya talunan." Kalmado kong sambit. "Kasi ikaw yung talunan." Dagdag ko pa na nagpaiba ng mood niya. "Anong sabi mo?" Tanong niya't lumapit sakin.
"Hindi ko na kailangang ulitin. Hindi ko na kasalanan kung hindi ka marunong umintindi kasi walang laman 'yang utak mo." I answered and pressed his forehead. Inundayan niya 'ko ng sapak pero agad akong naka-ilag. Pinayuko ko naman siya't tinuhuran sa tiyan at saka siya sinapak sa mukha.
Sinugod din ako nung isa pang lalaking kasama niya, sinubukan niya 'kong sipain pero nahawakan ko yung paa niya't pinaikot siya sa ere. Sinubukan din akong sapakin nung pangatlong lalaki, pero hindi pa siya nakakalapit sakin ay natumba na agad siya kasi sinipa ko siya sa mukha.
"Kayong apat," Sabi ko at tinuro yung tatlong babae at isa pang lalaki na nanginginig na sa takot. "Umuwi na kayo, isama niyo na 'tong mga bugok niyong kasama." Seryoso kong sabi na agad naman nilang sinunod.
Nang makaalis na sila, tiningnan ko si Sue na kasalukuyang nakatalikod sakin. "Ano?! 'Yan lang ba kaya niyo?! Pagod na 'ko sa lahat ng pagpapahirap niyo sakin! Sige na ibagsak niyo na lahat!" Humahagulgol niyang sigaw. Namumula na siya kakaiyak, pero ang ganda niya pa rin sa kahit na anong anggulo.
"Tapos ka na ba umiyak jan?" Kalmado kong tanong sa kaniya, kaya nilingon niya 'ko. Tumayo naman na siya at kinuha yung shoulder bag niya pati yung phone niyang basag-basag na. Tumingin siya sakin at saka pinunasan yung luha niya. She never failed to make me adore her, cause she's very brave.
"Sumama ka sakin." Sabi ko sa kaniya. "Ba't naman ako sasama sa'yo? Alam mo, kapag nanjan ka malapit sakin, lagi akong minamalas! Kaya lumayo ka, shoo!" Sigaw niya habang tinutulak ako palayo. Nilapit ko sa kaniya yung mukha ko, good enough para manahimik siya, at saka ako nagsalita.
"Kapag sinabi kong sumama ka sakin, sasama ka sakin." Seryoso kong sabi sa kaniya't hinawakan siya sa kamay niya, saka siya hinila paalis.
BINABASA MO ANG
HDSeries 1: Eros Han
General FictionDo you believe in afterlife? Or in another life? Whatever you believe in, Mr. Han believes that Sue Floyd Lastimosa, the greatest writer, is destined to be with him, but not forever. They meet for a very short period of time, and will be separated a...