IKADALAWAMPU'T LIMANG KABANATA

2 0 0
                                    

EROS' POV

          "Nasaan ka na ba kasi, Sue?" Tanong ko sa sarili ko habang pinapadaloy ang luha sa mga mata ko. Dalawang araw nang wala siya dito. Sabi ko pa naman, I can't afford to lose her tapos ito? Pinabayaan ko siyang mawala.

Nagsscroll lang ako sa gallery ko, pinapanood yung mga videos niya. Madalas ko siyang kunan ng video at picture ng hindi niya alam, lalo na kapag tumatawa siya.

Namimiss ko na siya. Gusto ko na ulit siya bumalik dito. Tatanggapin ko naman yung mga sigaw niya, yung palo niya, yung mga kurot niya, mura niya at galit basta nandito lang siya. Pero ang tanga-tanga mo Eros. Hinayaan mo siyang mawala sayo. Ano, pa'no mo siya makikita ulit? Baka nasabi ko ng aksidente yung mga salitang 'yon kaya siya nawala sakin? Kasalanan ko talaga 'to lahat. Kung pwede ko lang ibalik yung nangyari noong isang araw, edi sana hindi na 'ko umalis. Akala ko masu-sorpresa siya, pero ako yung nasorpresa.

Habang nags-scroll, may biglang nag-videocall sakin. Si Aria, ano na naman kaya ang problema niya?

Agad kong pinunasan ang luha ko't sinagot ang tawag. Medyo malikot yung camera at samut-saring ilaw yung lumalabas. There, I saw Aria dancing with boys around her. Those boys are touching her body, taking advantage sa kalasingan niya. I know where this bar is.

Agad akong tumayo't pumunta sa kotse ko. Ini-start ko na ang engine at nagdrive patungo sa bar na 'yon. I know, Aria and I weren't that close, pero alam kong may problema siya, at may respeto ako sa babae.

Nang makarating na 'ko sa bar na 'yon, dali-dali akong lumabas sa kotse ko't pinasok ang bar. There, I saw those boys dancing around her. Lasing na lasing na siya't hindi na niya alam ang ginagawa niya, kaya agad akong lumapit sa kaniya't hinila siya paalis, pero hinawakan ako sa braso nung isang lalaki.

"Bro, anong problema mo? Sumasayaw pa kami." Sabi niya pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Maya-maya pa, may humila ulit kay Aria kaya napabitaw ako sa kaniya.

"Ano bang problema mo? Iuuwi ko na yung kaibigan ko." Seryoso kong sambit dahil wala ako sa mood. "Kaibigan ka lang pala eh, pero kung umasta ka para kang boyfriend. Syota mo ba 'to ha?" Maangas niyang sabi.

"Bitawan mo siya." Pananakot ko sa kaniya habang tinititigan siya ng masama, pero nag-smirk lang siya. "Pa'no kung ayoko?" Nang-aasar niyang sambit kaya hinila ko na si Aria palayo sa kaniya. Wala na 'kong pake kung makaladkad yung lalaking yun o ano, ang mahalaga ay maalis ko si Aria dito.

"Gago ka pala eh!" Sigaw nung lalaki't tumakbo papalapit sakin at saka ako inundayan ng sapak. Halos mapahiga ako sa lapag dahil sa sapak niya, at hindi pwedeng hindi ako gaganti kaya sinapak ko rin siya sa mata. Natumba siya sa lamesa't nagsigilid ang mga tao.

Susugod pa sana siya ng suntok, pero agad akong naka-ilag at siniko siya sa likod, kaya naman napahiga siya sa lapag. "Tara na Aria." Sabi ko't hinila na si Aria papasok ng kotse ko.

Pinaupo ko siya sa backseat at pagkatapos ay nagsimula na 'kong magdrive.

Matapos ang ilang minuto, nakapasok na kami ng subdivision. Alam ko yung bahay niya kaya doon ako sa tapat ng bahay nila nag-park.

"Bakit mo ba 'ko pinuntahan?" Tanong ni Aria pagkapatay na pagkapatay ko ng engine. "Kasi hindi tama yung ginagawa mo." Sagot ko naman sa kaniya, at nagsimula na siyang umiyak.

"So ano? Wala pa ba 'kong tamang nagagawa? Si Mama, lagi niyang sinasabi na mali naman yung ginagawa ko sa trabaho kaya yung kapatid ko yung pinahandle niya ng business namin. Si Sue, sinasabi niyang mali din ako dahil mahal ko si Mark. Tapos ito, sinasabihan mo 'kong m-mali yung pag-iinom ko. Kelan ba 'ko magiging tama sa paningin niyo?" Umiiyak niyang tanong.

"Yung pagiging mabuting kaibigan kay Sue. Doon pa lang, ang dami mo nang nagawang tama."

"Sue, puro na lang kayo Sue, lagi na lang si Sue! Napapagod na 'ko! Sa mata ni Mama, dapat gayahin ko si Sue dahil perpekto siya. Sa paningin mo, si Sue ang tama, si Sue yung importante. Pwede bang... Pwede bang ako naman?" Dagdag niya pa. Napabuntong hininga ako. "Aria maraming nagmamahal sayo." Sagot ko sa kaniya.

"Sana isa ka do'n." Bulong niya sa sarili niya at saka tumawa habang umiiyak.

Eto na nga ba'ng sinasabi ko. Kaya hindi nagiging madali ang pagmamahalan namin ni Sue, kasi maski sa susunod na buhay ay sinusundan kami ni Epifania, na tumatayo ngayon bilang Aria. Siya ang naglagay sakin ng sumpa, dahil hindi niya matanggap na mas pinili ko si Hermosa kesa sa kaniya. Pero maski siya, hindi niya maalala kung ano ang mga nangyari dati, tanging ako lang ang nakakaalala.

"Ang swerte siguro ni Sue, 'no? Lahat ng tao gusto siya. Samantalang sakin, kailangan ko pa magmaka-awa para lang mahalin ako ng mga tao." Muli niyang sambit at hindi na 'ko umimik.

Ilang minuto na ang nakalipas, wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa. Tiningnan ko siya sa pamamagitan ng salamin sa loob ng kotse, at nakita siyang tulog na pala. Kaya naman lumabas ako ng kotse, at nag-doorbell sa gate nila. Maya-maya pa, lumabas ang Mama at Papa niya.

"Oh hijo, gabing-gabi na? Bakit ka napadalaw?" Tanong ng Mama niya. "Ah, sinundo ko po si Aria sa bar. Lasing na lasing po, kaya isasauli ko na po siya sa inyo." Sabi ko't binuksan ang pinto ng kotse, at saka maingat na binuhat si Aria.

"Dito ang kwarto niya anak." Sabi ng Mama ni Aria at saka binukas yung pinto ng isang kwarto, kaya pumasok naman ako do'n. Maingat kong inilapag si Aria sa kama niya at saka lumabas na ng kwarto niya.

"Uuwi na po ako." Sabi ko sa kanila't tumango naman sila pareho. "Mag-iingat ka ha? Madilim na sa kalsada." Sambit ng Mama ni Aria, at ginantihan ko lang siya ng ngiti.

Lumabas na 'ko sa gate nila't nagdrive pauwi. Nang makauwi na 'ko, sinalubong ako ni Kuya Badong sa sala. "Oh saan ka galing?" Tanong niya.

"Ah, may ginawa lang po. Sinundo ko po sa bar si Aria, 'yon lasing na lasing. Ipinag-drive ko lang po siya pauwi." Sambit ko't dire-diretsong umakyat papunta sa kwarto ko.

Sana bukas, makakauwi ka na Sue.

HDSeries 1: Eros HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon