EROS' POV
I woke up, and found myself lying next to her. I automatically smiled when I saw her silently sleeping like an angel. Hinawi ko ang buhok niya na humaharang sa kagandahan niya, at saka siya tinitigan ng sobra.
Ang tagal kong hinintay na makabalik siya ulit sa mundo. Noong una, sobrang hopeless na 'ko, sukong suko na 'ko dahil hindi ko sigurado kung makikita ko pa ba siya ulit, pero nagtiwala ako sa kaniya. Lagi niyang pinapangako sakin na babalik siya, at 'yon ang pinanghahawakan ko sa buong buhay ko. Ngayon, masasabi kong worth it ang lahat ng luha na binuhos ko habang hinihintay siya, kasi nabiyayaan na naman ako ng ilang buwan para makasama siya.
Oo, sobrang unfair. Magkikita kami sa tuwing umaabot na siya ng 25 years old, at magkakahiwalay kapag nadagdagan na siya ng isang taon. Nakakalungkot, at alam ko na mawawala na naman siya, ilang buwan na lang. Alam ko na kung anong mangyayari, maghihintay na naman ako sa muli niyang pagbabalik, pero hindi ako mapapagod hintayin siya kasi alam kong magkikita at magkakasama ulit kami, kahit pa sa sobrang iksing panahon.
Kahapon, nakita niya kaming magkayakap ni Aria kaya inakala niyang nagpo-propose na 'ko kay Aria. Inakala niyang si Aria talaga ang gusto ko, pero hindi. Kung alam niya lang kung gaano siya ikinatitibok ng puso ko, edi hindi na siya nagseselos sa kung sinong babae pa kasi lahat naman ng tao sa mundo'y permanente. Pero kahit gano'n, she's my favorite 'temporary' person.
She slowly moved. Maya-maya pa, nag-inat na siya't nag-moan. Napakagat ako sa labi dahil sobrang sexy ng ungol niya. Hindi ako manyak, pero sa kaniya, oo. Sobra.
She slowly opened her beautiful eyes and looked at mine. She smiled and hugged me tight. Nagtataka siguro kayo kung ano nangyari kagabi? Siyempre wala. Kahit pa nasasabik ako sa kaniya, I still respect her. Kung hindi pa siya ready, okay lang. Naiintindihan ko siya.
"Good morning Sue." Sabi ko sa kaniya habang nananatiling nakayakap sa kaniya. "Good morning Eros." She answered and I smiled. Her voice, sobrang ganda talaga. I can't help but to smile sa every actions na ginagawa niya kasi wala siyang flaws. Sobrang perpekto niya. Alam kong medyo basagulera siya, masungit, palasagot, matapang, pero para sakin that personality suits her very well. Pero hindi siya lumalaban sa mas bata sa kaniya, pati na rin sa mas matanda. Of course I know that, I already met her three times before at kabisadong kabisado ko na talaga siya.
Kumalas na 'ko sa pagkakayakap sa kaniya't tiningnan yung mga band aid sa braso't mukha niya. "Masakit pa ba 'yan? Ito masakit ba?" Nag-aalala kong tanong. Sabi ko pa naman sa sarili ko, hindi ko hahayaang magasgasan man lang ng ibang tao 'to si Sue, pero napabayaan ko siyang mabugbog.
"Okay lang ako. Hindi mo kailangang mag-alala." Sagot niya naman sakin at parehas na kaming umupo sa kama. "Kailangan kong mag-alala kasi girlfriend na kita." Sabi ko sa kaniya't nag-pout ulit. "Aba, bakit nanligaw ka ba?" Natatawa niyang tanong at pinisil ang ilong ko. AaAaaAaa, please don't.
"Siyempre kahit girlfriend na kita, liligawan pa din kita." Sabi ko sa kaniya, kahit na ang totoo'y hindi na enough ang mga buwan para hintayin ko pang sagutin niya 'ko. Handa naman akong ligawan siya, kaso wala na kaming oras. Ayoko naman na hanggang sa mawala siya eh nililigawan ko pa rin siya. Gusto kong sa mga nahuhuling sandali niya dito, maging memorable sa kaniya. Kahit na alam kong sa susunod na buhay ay makakalimutan niya na naman ako at kailangan ko na naman umulit sa umpisa.
"Hay nako, ewan ko sayo Eros. Tara na nga, bumaba na tayo't maghanda ng breakfast. Tara." Sabi niya sakin at hinila ako. "Eh, sabihin mo muna 'oo'." Sambit ko naman.
"Oo'ng alin?" Natatawa niyang tanong kaya napapadyak ako na parang bata. "Gusto mo ba maging girlfriend ko?" Sabi ko habang nakanguso pa din. Alam kong naku-cute-an siya kapag umaakto akong bata, at isa din 'yon sa mga weakness niya. Yun ang way ko para mapapayag siya sa isang bagay, o magkabati kami kapag nag-aaway kami. To be honest, ngayon ko lang ginawa sa kaniya yung bigla siyang hinila para halikan siya. Nabigla din ako sa ginawa ko pero masarap naman pala.
"Hays. Oo na Eros. Tara na kasi!" Sabi niya't pilit akong hinihila palabas ng kwarto pero mas lalo lang akong nagpapabigat. "Eh! Gusto ko sabihin mo, 'gusto kong maging girlfriend mo Eros'." Pagpupumilit ko sa kaniya kaya napakamot na lang siya sa ulo niya.
"Gusto ko maging girlfriend mo, Eros." Seryoso niyang sambit habang nakatitig sa mga mata ko. Pakiramdam ko, wala na 'kong oxygen at sobrang init ng paligid.
Dapat pala tinuloy ko na yung balak ko kagabi.
BINABASA MO ANG
HDSeries 1: Eros Han
General FictionDo you believe in afterlife? Or in another life? Whatever you believe in, Mr. Han believes that Sue Floyd Lastimosa, the greatest writer, is destined to be with him, but not forever. They meet for a very short period of time, and will be separated a...