SUE'S POV
"Sue sorry na oh." Sabi ni Eros habang ako, patuloy sa paglalakad patungo sa kwarto ko. Kakatapos lang namin kumain ng tanghalian. Breakfast, hindi ako bumaba para kumain pero nang si Nanay Luz na ang tumawag sakin para kumain ng tanghalian, wala na 'kong nagawa.
Kanina pa 'ko kinukulit ng Eros na 'to. Habang kumakain kami, hindi ko siya pinapansin o tinitingnan man lang. Tapos ngayon, hinahabol niya ko saying sorry for whatever wrong he did last night. Cool.
"Sue, pansinin mo naman ako, please." Sabi niya pero tiningnan ko lang siya na parang walang pakiramdam, at saka isinarado ang pinto sa mukha niya. Wala 'kong pake kung natamaan ba ilong niya o ano, basta sinarado ko lang 'yon at saka ni-lock ang pinto.
Pakinggan siya? For what? Sasabihin niya na naman na acting lang ang lahat? Na napanood nila sa TV na naghalikan yung dalawang bida tapos ginawa rin nila? C'mon. Minsan mahal ko siya, pero minsan nagdududa rin ako dahil sa mga ginagawa niya. Sino ba namang hindi? Girlfriend niya na 'ko, at normal lang na magselos o magalit ako. Yun nga eh, girlfriend niya 'ko pero umaakto siyang parang single at pumupunta sa bahay ng ibang babae para makipaghalikan. Nakukulangan ba siya sa labi ko? Ilang labi ba gusto niya, lima? Sampo? Isang daan? Cool.
Humiga ako sa kama't tiningnan yung magkatabing stuff toy na sila Choco at Vani sa table. I sighed and closed my eyes.
Sino ba namang hindi magdadalawang-isip? He never told me that he loves me. Wala 'kong narinig maski isang 'mahal kita' sa kaniya. Mapaenglish man, tagalog, afrikaan, spanish, wala. Tapos gusto niya na magtiwala ako sa kaniya, eh pa'no ako magtitiwala kung hindi nga 'ko sigurado sa nararamdaman niya? Para siyang sala sa init, sala sa lamig. Minsan gusto niya 'ko. Madalas gusto niya kay Aria. Ano ba talaga? Sinong hindi maguguluhan jan? Na mukha ngang mas concerned pa siya kay Aria kesa sakin. Ni hindi ko nga alam kung nag-alala ba siya nung mga panahon wala ako dito. Hindi ko nga alam kung hinanap niya ba 'ko. Magaling siyang magpakilig, pero natatakot ako kasi baka ginagawa niya rin 'yon sa iba. Lalo na kay Aria, pero tinatanggi niya lang.
Maya-maya pa, biglang may kumatok sa pinto. Alam kong siya 'yan, bubuksan ko ba? Siyempre kahit galit ako, gusto kong mapakinggan yung side niya. #Marupok.
Tumayo ako't binuksan yung pinto. I saw him standing there, sobrang lungkot ng mukha. Wow, paawa effect ba 'to. Saang app 'tong filter na 'to, madownload nga.
"Ano?" Masungit kong tanong sa kaniya. "Sorry na Sue." Seryoso niya nang sambit pero halata sa mga mata niya ang lungkot. "Bibigyan kita ng 15 seconds para mag-explain." Sabi ko't nagset ng timer sa wrist watch ko, at saka ito ini-start. Tumingin ako sa kaniya.
He took a deep sigh and said, "Sorry" with his most convincing tone. Wala na siyang ibang sinabi o ginawa maliban do'n. I stayed quiet, waiting for his next words, pero wala na 'kong narinig mula sa kaniya.
Maya-maya pa, nareach na ng timer yung 15 seconds. "Tapos na. Hindi ka ba mage-explain?" Nakataas-kilay kong tanong sa kaniya. "Wala akong ieexplain kasi wala akong ginawang masama." He confidently said na nagpa-init ng tenga ko. Yung init ko sa katawan, lahat 'yon pumunta sa ulo ko and I can't help but to turn red because of anger.
"Wala? Ang kapal ng mukha mo Eros. Bago kami pumunta ni Kuya Badong sa hospital, pinuntahan muna kita sa bahay ni Aria kasi nabasa ko sa conversation niyo ni Tita na doon ka pupunta. Motivated pa naman akong pumunta do'n, sobrang nae-excite ako kasi naiisip ko na finally, magkakaayos na kami ni Aria dahil makakapag-usap na kami, kasama ka. Na finally, maiintindihan niya na rin lahat ng sinabi ko, at magkakaroon na 'ko ng chance na makapag-sorry sa mga mali kong nasabi. Excited pa 'ko kasi sabi ko sa sarili ko na, ay perfect timing 'to para kausapin si Aria kasi sakto nando'n si Eros na if ever ayaw pa rin makipagbati sakin ni Aria eh at least may magdedefend sakin. Pero hindi ko naman alam na iba pala ang idedefend mo. Ano, masarap ba magdefense Eros?" Sarkastiko kong sambit kaya napabuntong hininga ulit siya't tumingin sa ibaba.
"Okay, fine. Dahil do'n kaya ako nagsosorry. Naiintindihan ko kung bakit ka galit. Maybe you saw us, kaya sorry. Sorry kung iniisip mo na pinapagulo ko lang utak mo. Sorry sa lahat." Malungkot niyang sambit at saka umalis na sa harapan ng kwarto ko, at saka siya pumasok sa kwarto niya. He closed the door, kaya sinara ko na rin ang pinto ng kwarto ko.
Pa-victim much? So ano, ako pa mali ang pagkakaintindi dito na nanghihingi ako ng explanation pero wala akong natanggap na kahit katiting na paliwanag? Kasalanan ko pa ba na nakita ko silang naghahalikan? Edi sorry! Sorry kung may mata ako, kung alam ko na kasalanan pala 'yon edi sana pinatanggal ko na 'tong mga mata ko noon pa.
BINABASA MO ANG
HDSeries 1: Eros Han
General FictionDo you believe in afterlife? Or in another life? Whatever you believe in, Mr. Han believes that Sue Floyd Lastimosa, the greatest writer, is destined to be with him, but not forever. They meet for a very short period of time, and will be separated a...