IKALIMANG KABANATA

6 3 0
                                    

SUE'S POV

          "Sue! Huy Sue wait nga lang!" Sigaw ni Aria habang humahabol sakin, pero wala akong pakealam sa kaniya.

Bakit ba kasi gano'n? Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Oo, pasok naman siya sa standards ko kasi pogi siya, mayaman, mabait, medyo madaldal pero cool pa din, may respeto sa babae, at white din ang favorite color niya. Pero, parang ang bigat. Parang may nagsasabi sakin na 'wag nang ituloy yung nararamdaman ko sa kaniya kasi walang may magandang idudulot 'yon. Like, hello? Babae ako at bawat babae, malakas ang instinct. Hindi ko maintindihan. Meron din akong feeling na parang kakilala ko siya. The way he treats me, parang napaka-special ko sa kaniya kahit na ngayon lang kami nagkakilala. Kasi kahit na si Aria yung kausap niya kanina, tinatanong niya pa rin ako ng mga bagay-bagay. I feel sorry for him kasi nawala ako sa mood dahil sa weird feeling ko na 'to.

Marami pa 'kong iniisip, kaya hindi ko na namalayan kung saan na 'ko papunta. Hindi ko rin namalayan na may paparating palang kotse at nasa gitna pa 'ko ng kalsada. Sobrang lapit na nung kotse kaya napapikit ako, narinig ko naman si Aria na isinigaw yung pangalan ko. Ineexpect ko na na mararamdaman ko yung pagkakabunggo sakin ng kotse at yung paghandusay ko sa semento, pero hindi. Wala akong sakit na naramdaman.

Someone grabbed me on my waist. I can feel his hands on my back na para bang nakayakap siya sakin. Wala rin akong nagawa kundi ang mapakapit sa damit niya dahil sa takot. After some seconds, I opened my eyes and looked at his eyes.

He was still wearing the black cap, black hoodie, pants and rubber shoes. Color black suits very well in him dahil sobrang putla ng balat niya. He's way taller than me, at sobrang lapit ng mukha niya sakin. Kaunti na lang, magkakadikit na yung mga ilong namin.

Napababa naman yung tingin ko sa labi niyang makapal. Napaka-red nito, para bang naka-lipstick siya. Matangos din ang ilong niya, and his adam's apple looks very hot. He's looking at me, straight in my eye. I'm wondering, how come na nandito na kami sa gilid ng ganoon kabilis? May superpowers ba siya? Kasi napakabilis niyang kumilos. Hindi ko maisip kung paano nangyari 'yon.

"I-ikaw yung nakatapon ng kape ko... Diba?" Tanong ko sa kaniya. Yes, I recognized his face and aura, and I'm pretty sure na siya yung nakatapon sakin ng kape kahapon.

He smiled at me  showing his full set of white teeth, and a pair of sharp teeth, looks like fangs pero hindi ito ganoon kahaba. "I can buy you coffee as much as you want, just come with me." He answered and smirked.

"Sue! Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Tanong ni Aria nang makalapit siya sakin, at saka chineck ang katawan ko. Binitawan na 'ko nung lalaki at saka ako tumayo ng maayos. "Okay lang ako, Aria. 'Wag ka na mag-alala." Kalmado kong sambit sa kaniya.

"Hey, beautiful. I'm Dion, and you are?" Tanong niya, asking for Aria's hands. Aria looked at this guy named Dion, and placed her hand in his. "Aria. Aria Montenegro." Aria answered.

"Nice meeting you, Miss Montenegro." He said and kissed Aria's hand. Ew, cheesy. Gusto ko sanang sabihin na may boyfriend na si Aria, kaso ayaw ko namang sirain yung moment nila.

Maya-maya pa, I felt dizzy. Feeling ko matutumba na 'ko anytime, pero I managed to act normal.

Mr. Han came with his worried face. Lumapit siya samin since medyo hindi pa kami nakakalayo-layo sa bahay niya.

"Hey, Kuya Badong told me na may muntik nang masagasaan dito kaya ako napalabas. Is everyone alright?" Sambit niya noong nakalapit na siya samin. "Sue, are you okay?" Tanong niya sakin na para bang concerned na concerned. Crush ata ako neto eh.

"Uh, o-okay lang..." I said and my body started to shut down. I felt someone caught me and everything went black.

As far as I can remember, I saw Mr. Han's face, he's carrying me. Maybe I'm really stressed, and I need a whole day rest.

HDSeries 1: Eros HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon