SUE'S POV
"Sigurado ka bang kaya mo na? Uuwi ka na talaga? Pwede ka pa naman magstay dito, ilang araw pa lang nakakalipas eh." Tanong ni Sin sakin habang ako'y nag-aayos ng damit ko. Pinahiram niya 'ko ng long sleeve na damit at pants.
"Oo. Okay naman na 'ko. May nararamdaman pa 'kong hindi maganda pero kaya ko naman na." Sagot ko sa kaniya, at mukha naman siyang nalungkot kaya hinarap ko siya at hinawakan sa dalawa niyang kamay.
"Gusto ko pa sana magstay, kaso baka hinahanap na nila 'ko. Hayaan mo, pwede pa naman tayong magkita next time. Magbonding tayo, gano'n." Sabi ko sa kaniya pero nag-pout lang siya't yumuko. Hay, ang cute cute talaga nitong babaeng 'to.
"'Wag ka na malungkot! Hindi pa naman 'to yung last time na magkikita tayo, okay? Marami pang pagkakataon, pwede naman kitang dalawin anytime kaya 'wag ka nang malungkot." Pagche-cheer up ko sa kaniya. Tumingin naman siya sakin at ngumiti.
"Mami-miss kita." Sabi niya't niyakap ako ng sobrang higpit. "Ako din. Wala na 'kong kadaldalan." Sagot ko naman sa kaniya habang hinihimas ang likod niya.
"Tapos na ba kayo? Tara na, medyo malayo pa yung pupuntahan natin." Biglang sabi ni Caspian kaya bumitaw na kami sa pagkakayakap. "So pa'no? Bye na Sin. Mamimiss kita." Sabi ko't nakipag-beso muna bago maglakad patungo sa kotse nila Caspian. Pinagbuksan ako ng pinto ni Caspian at muli kong sinilip si Sin sa bintana. Nakita ko siyang kumakaway habang nakangiti, kaya kinawayan ko rin siya.
"Mag-iingat kayo!" Sigaw niya kaya umayos na 'ko ng upo sa loob ng kotse. Nasa backseat ako habang si Caspian naman ang nagdadrive.
"Bakit hindi pwedeng sumama si Sin?" Tanong ko kay Caspian, at napatawa naman ito. "Nako, kung isasama natin 'yon, baka sayo sumama 'yon at hindi sakin." Sabi niya kaya napatawa na rin ako. Ilang araw pa lang kami magkakilala pero sobrang close na namin. Ayaw na ngang humiwalay sakin nun eh, gusto pang magkasama kami sa kwarto, ayaw nang tabihan si Caspian. Ang cute eh.
Sa buong biyahe namin, nagkukwentuhan lang kami. Nagdala rin siya ng snacks para habang bumibiyahe at nagkukwentuhan eh kumakain kami. Akala ko, serious type 'to si Caspian pero loko-loko din pala! Ang hilig niya magjoke, tapos madaldal din. Ang dami niyang nakwento sakin eh, tapos puro kalokohan pa. Madalas niyang ishare sakin ay kung gaano niya kamahal si Sin. Sobrang swerte nila sa isa't isa, sanaol! Napaka-perfect couple nila, bagay na bagay talaga sila. Hindi ko alam kung saan ako makakahanap ng perfect match ko na parang sila Sin at Caspian lang.
"Dito na ba tayo?" Tanong niya habang ngumunguya ng pagkain. Napatingin ako sa pangalan ng subdivision, Casterlion Subdivision. Oo nandito na nga kami. "Oo, diretso ka lang ta's sabihin ko na lang sayo kung saan liliko." Sabi ko sa kaniya at tumango naman siya.
Maya-maya pa, narating na namin ang tapat ng bahay ni Eros kaya bumaba na si Caspian, at ipinagbukas ako ng pinto. Napaka-gentleman naman neto. Naalala ko tuloy si Eros. Namiss niya ba 'ko?
"Uhm, Caspian salamat." Nakangiting sambit ko at saka niyakap siya. "Oh pa'no, alis na 'ko ha? Okay ka na ba dito? Wala ka nang kailangan?" Tanong niya, at umiling lang ako. "Sa susunod ulit ha? Bye!" Sabi ko sa kaniya kaya nagba-bye na rin siya sakin at sumakay na ng kotse niya. "Ingat ka!" I added and he smiled at me.
Sinundan ko ng tingin yung kotse niya habang paalis ito, then a girl caught my attention. She looks like a college student because of her uniform, long black hair with bangs, and a backpack that she's wearing. Naglalakad siya sa sidewalk, she looked at me, she smiled, so I smiled at her too.
Pumasok na 'ko sa pedestrian gate at nakita si Nanay Luz na nagdidilig ng halaman. Nang marinig niyang bumukas ang gate, agad siyang napalingon at halos mapatalon sa tuwa nang makita ako. "Sue anak!" Magiliw niyang sigaw at saka pinatay yung hose, sabay takbo papunta sakin.
Agad niya 'kong niyakap, at niyakap ko naman siya pabalik. Namiss ko si Nanay Luz. Maya-maya pa'y lumabas na rin si Kuya Badong at natuwa nang makita ako. "Sue!" Sabi niya't nakipag-apir sakin.
"Pasok ka, at ipaghahanda kita ng makakain." Sabi ni Nanay Luz habang hinihila ako papasok ng bahay. "Nako, 'Nay Luz. Kakakain ko lang po sa pinanggalingan ko kaya busog pa po ako." Nakangiti kong sambit habang naglalakad papasok ng bahay.
Pagkapasok namin, agad akong umupo sa sofa. Mga ilang oras din yung biyahe namin pauwi, at mga ala-una (1:00) na ata ng hapon. "Ano bang nangyari sayo Sue? Ilang araw kang nawala tapos pag-uwi mo para kang binugbog." Sambit ni Nanay Luz, at natigilan ako nang maalala ko na naman ang mga nangyari.
Sanay na 'kong napapaaway, pero ngayon ko lang naranasang madukot o makidnap. Ngayon lang ako sinaktan ng mga mas bata sakin, at isa pa hindi pa rin ako makapaniwala na nakaya nilang patayin si Cris. Sabi ko sa sarili ko, bibigyan ko siya ng hustisya. Kung hindi niya 'ko tinulungan ng gabing 'yon, edi sana buhay pa siya ngayon at hindi naghihirap ang pamilya niya. Napakabait niyang bata, hindi niya deserve yung nangyari sa kaniya. Kung pwede lang sana... Sana hindi ko siya iniwan do'n sa lugar na 'yon at sinama siyang tumakas. Nakakakonsensiya na, ako nakaligtas pero yung tumulong saking makaligtas eh namatay. Hindi ako no'n pinapatulog sa gabi. Sinasabi ng konsensiya ko na dapat may gawin ako. Kahit ang makatulong lang sa pamilya niya, okay na sakin. Sana.
"Sue? Ayos ka lang?" Tanong ni Nanay Luz na nagpabalik sakin sa reyalidad. "Umiiyak ka?" Tanong niya ulit, kaya napapunas ako sa mukha ko, at may luha nga. "A-ah, nasa'n po si Eros?" Tanong ko sa kanila pabalik.
"Ay, umalis. Ang pagkakarinig ko, may kausap siya sa telepono't pinapapunta siya sa bahay nung Aria." Sagot naman ni Kuya Badong, kaya tumayo na 'ko.
"'Nay Luz, mamaya ko na lang po ikukwento ang lahat. Kuya Badong, pahatid naman sa bahay ni Aria." Sabi ko at sabay kaming lumabas ng bahay ni Kuya Badong.
Siguro ito na yung perfect time para magkausap kami ni Aria. Gusto ko nang magsorry sa kaniya, kasi hindi ko na kayang tiisin na galit siya sakin. Sakto na nandoon si Eros, gusto ko rin silang makausap dalawa. Gusto ko na talagang maayos ang lahat.
Nakangiti ako habang nakasakay sa kotse, motivated kasi ako. Hindi naman gano'n kalayo ang bahay ni Eros sa bahay ni Aria kaya hindi rin kami natagalan.
Nang makarating na kami sa tapat ng bahay nila Aria, dali-dali akong pumasok. Napansin ko rin ang kotse ni Eros na nakapark kaya alam kong nandito siya. Alam ko ring wala dito sila Tito at Tita, mga magulang ni Aria, kasi kapag weekdays ay nagtatrabaho sila.
Binuksan ko kaagad yung pinto ng bahay nila, since hindi sila naglalock ng bahay kapag may tao sa loob. Nang makapasok na 'ko sa loob, agad akong dumiretso sa kwarto ni Aria.
Huminto muna ako, at huminga ng malalim habang nakangiti. This is it, pansit na mainit. Magkakabati na rin kami ni Aria ngayon.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Sa sobrang excited ko, parang nags-slowmo ang lahat. Nakangiti akong tumingin sa loob ng kwarto, at nakita silang dalawa sa loob.
Nakaluhod si Eros, nakangiti ng todo habang hawak-hawak ang kamay ni Aria. Si Aria naman, nakatakip sa bibig niya't tila gulat na gulat. Maya-maya pa, biglang hinalikan ni Eros yung kamay ni Aria, at tumayo. Saka siya niyakap ng mahigpit ni Aria. Pero bigla akong nahagip ng paningin ni Eros, kaya nawala ang ngiti sa labi niya.
Susunod na sana sakin si Eros, pero agad akong tumakbo pababa ng hagdan, at dire-diretsong lumabas ng bahay nila Aria.
Nakita ko si Kuya Badong na nag-aabang sa tabi ng sasakyan, at saka ako sumakay agad. "Kuya, uwi na tayo bilis." Naiiyak kong sambit at hindi ko na mapigilan pa yung mga luha ko.
Matapos ng mga napagdaanan ko? Makikita ko siya kasama yung best friend ko? Wow! Just wow! Haha, so ibig sabihin niloloko niya lang ako? Sino ba naman kasing tangang maniniwala sa Hermosa na 'yon? Sa Rupertina na 'yon o kung sino man. Napaka-kapal ng mukha niya. Ang dami niya pang pakulo, eh ang tanga ko naman kasi naniwala ako. Bakit hindi niya na lang ako dineretso? Alam ko naman na si Aria talaga yung gusto niya, pero sumakay pa rin ako sa kabaliwan niya.
BINABASA MO ANG
HDSeries 1: Eros Han
General FictionDo you believe in afterlife? Or in another life? Whatever you believe in, Mr. Han believes that Sue Floyd Lastimosa, the greatest writer, is destined to be with him, but not forever. They meet for a very short period of time, and will be separated a...