IKALABING-LIMANG KABANATA

3 1 0
                                    

EROS' POV

          "Teka anak, tatawagin ko lang si Sue sa taas." Sabi ni Nanay Luz kaya ako na yung naghanda ng pagkakainan namin. Naglagay din ako ng flowers sa flower vase sa gitna ng table runner na nakapatong sa rectangular table at inayos ang mga upuan.

Sa tagal ng panahon, ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng bagong makakasama dito sa bahay liban kela Kuya Badong at Nanay Luz, kaya dapat memorable yung pagstay niya dito.

Maya-maya pa, bumaba na si Nanay Luz kaya tumayo na 'ko ng diretso. Tumabi sakin sila Nanay Luz at Kuya Badong, habang hinihintay na bumaba si Sue. Nang makababa na siya, sabay-sabay kaming sumigaw ng "Welcome to our home!"

She's wearing my favorite gray hoodie at shorts ata. Hanggang hita niya kasi yung hoodie kasi malaki. Medyo uncomfortable siya kasi kanina niya pa binababa yung hoodie, but she managed to smile genuinely. Napakacute niya talaga.

She brushed her boycut hair at lumapit samin. Pinaupo ko na siya, at ipinaghila ko siya ng upuan. Hindi naman masiyadong mahaba yung table kaya naupo kami sa magkabilang dulo ng lamesa. Good for 6 persons ang table; apat sa magkabilang gilid, at dalawang magkatapat.

"Sige anak, maiwan na namin kayo." Sabi ni Nanay Luz at hinila paalis si Kuya Badong."N-Nay... Mas maganda po siguro kung sasali na rin po kayo ni Kuya Badong." Nahihiyang sambit ni Sue, na ikinatuwa ko naman.

"Yun naman pala eh. Eros ha, ang bait ng girlfriend mo." Pabirong sabi ni Kuya Badong. "Ay teka lab, nainggit ako. Ipaghihila rin kita ng upuan." Dagdag pa ni Kuya Badong at ipinaghila ng upuan si Nanay Luz. Magkatabi sila. "Lab mo mukha mo." Masungit na sabi ni Nanay Luz. These two never failed to make me laugh.

I looked at Sue, and she's now laughing. All throughout the lunch, she's wearing that smile and it really suits her. Hindi na 'ko nagsasalita, nakatingin na lang ako sa kaniya habang nakangiti. Deserve niya lang purihin lagi. Napakaganda niya, at para bang nags-slow motion ang lahat kapag ngumingiti siya. Mukhang gustong-gusto siya nila Kuya Badong at Nanay Luz. Mukha ngang close na sila kasi habang kumakain, puro sila kwentuhan.

"Eh anak, kamusta naman ang pamilya mo?" Biglang tanong ni Kuya Badong, na nagpawala ng ngiti niya. Ilang segundo siyang hindi naka-imik, pero maya-maya ay nginitian niya ulit sila. "Okay naman po." Maiksi niyang sambit at saka nagpatuloy sa pagkain.

Matapos nilang itanong 'yon, wala nang nangahas pang magsalita. Feeling ko, nilamon na kami ng awkwardness. After namin kumain, nilinis na nila Nanay Luz ang lamesa, at naghugas na si Nanay Luz.

"Ah, Nay, ako na po jan." Rinig kong sabi ni Sue, habang ako'y nananatiling nakaupo. "Hindi na, hija. Ako na maghuhugas. Trabaho ko 'to. Saka diba may lagnat ka pa? Sige na, bumalik ka na sa kwarto mo at magpahinga ka. Baka mabinat ka pa." Mahinahong sambit ni Nanay Luz. Tumayo ako at pumunta sa kwarto, katabi ng sala. Kung saan ako madalas tumugtog ng piano.

Nang makarating na 'ko roon ay agad akong umupo at inilapag ang mga kamay ko sa keyboards. Dinama ko yung katahimikan habang nakapikit ang aking mga mata. Isang malaking buntong hininga, at saka sinimulang pasayawin ang aking mga daliri sa ibabaw ng piano.

Habang tumutugtog ay hindi maiwasan ng katawan kong sumabay sa himig. Wala naman akong ibang tinutugtog sa piano kundi ang Claire de Lune ni Debussy. Hindi sa wala na 'kong ibang alam tugtugin, kundi dahil ito ang pinakapaborito ko. Medyo mahirap kasi kailangan ng bilis ng kamay, pero nakakaya ko naman.

Nang matapos na 'ko sa pagtugtog, bigla akong nakarinig ng palakpak kaya napadilat ako bigla ng mata. There, I saw her happily watching me while playing the piano. Lumapit siya sa kinauupuan ko at tiningnan ako.

"Ang galing mo." Sabi niya habang nakangiti, habang ako'y nakatingin lang sa kaniya. "G-gusto mo turuan kita?" Wala sa sarili kong tanong. Hindi ko alam kung saan galing 'yon, pero bahala na.

"Sige." Sagot niya kaya tumayo na 'ko't siya naman ang umupo sa harap ng piano. "Pa'no ba 'to?" Sabi niya habang pumipindot ng keys. Napatawa naman ako, kasi kung ano-ano lang pinipindot niya haha!

"Ganito," Sabi ko naman at hinawakan yung kamay niya. Ang kinis ng kamay niya't ang lambot hawakan. Tumingin ako sa kaniya habang siya'y nakatingin sa kung ano ang pipindutin na key.

Ginabayan ko yung kamay niya na tugtugin yung pinaka-basic na alam ko; yung happy birthday.

Habang tinuturuan ko siya, meron din siyang mga kinukwento sakin tapos tawa siya ng tawa. Ako din natatawa na lang kasi ang cute niya talaga. Maganda na rin 'to kasi nakakapag-bonding kami.

Tumagal ng ilang minuto yung kwentuhan namin, ewan ko nga kung may natutunan ba siya kakatawa niya. Maya-maya pa, sabi niya tama na muna kasi pagod na daw yung kamay niya. Nanatili lang kami sa posisyon namin; ako nasa likod niya habang siya pindot ng pindot ng keys. May time pa nga na hinahampas niya yung piano haha! Ang cute talaga ng bebe qo3.

"Ano ba 'yan wala na 'kong maalala." Sabi niya at saka tumawa, habang ako nakangiting nakatitig sa kaniya. Maya-maya pa, bigla siyang natigilan noong mapansin niyang sobrang lapit na ng mukha ko sa kaniya.

Tinitigan ko siya sa mata, at pababa hanggang sa labi niya. Tinitigan ko lang 'yon, habang siya nakatingin lang din sakin, naghihintay ng susunod kong gagawin.

Mas lalo ko pang nilapit yung mukha ko, hanggang sa magkadikit na yung mga ilong namin. Hindi siya lumalayo o kumikilos man lang, I'm pretty sure she also likes it.

I was about to place my lips on her, sobrang lapit na eh, kaunting kaunti na lang, pero biglang dumating si Kuya Badong kaya napaiwas bigla si Sue.

Napatingin ako sa likod ko, and cleared my throat. Saka ako tumayo ng maayos at nginitian si Kuya Badong. Bad timing talaga 'to si Kuya Badong kahit kelan.

"Ser, may bisita po kayo. Aria yung pangalan." Sabi niya. "Hala, si Aria! M-maiwan ko muna kayo dito ha?" Nauutal na sabi ni Sue sakin na kasalukuyang nagbablush. Sobrang namumula yung mukha niya, sobrang cute!

Pagkalabas na pagkalabas ni Sue, agad akong napa-face palm. "Nakita ko 'yon." Pabirong sabi ni Kuya Badong habang itinataas-baba yung kilay niya.

"Kuya Badong naman eh! Kaunti na lang eh, dapat hinayaan mo muna kami!" Sabi ko't parang lantang gulay na napaupo sa upuan, katapat ng piano.

"Sorry na, mukha kasing nagmamadali yung Aria eh." Sagot niya naman.

Sayang! Kaunting kaunti na lang eh, nando'n na eh. Pero di bale, at least alam kong may chance ako. Next time itutuloy ko na talaga.

Pero sayang talaga.

HDSeries 1: Eros HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon