IKASIYAM NA KABANATA

5 2 0
                                    

SUE'S POV

          "Okay ka na ba dito? Uuwi na 'ko. Maghahapon na rin kasi eh." Sabi ni Mr. Han. Hinatid niya 'ko dito sa bahay. After kasi namin pumunta sa coffee shop, gumala pa kami sa park daw na lagi nilang pinupuntahan ng family niya noong buhay pa yung mga magulang niya.

Ang dami ko ring nalaman about sa kaniya. In fairness, makuwento din siya. Marami rin daw siyang alam about history, at kung magkakaroon ng chance, dapat daw bumisita ulit ako sa bahay niya kasi hindi ko pa daw nakita yung 'chamber of historical secrets' niya.

Nalaman ko rin na sila Kuya Badong at Nanay Luz lang ang kasama niya sa malaki niyang bahay, wala nang iba. Noong sumabay nga daw kami sa kaniya sa hapag, natuwa daw siya kasi ngayon na lang ulit siya nagkaroon ng kasalo sa pagkain.

Mabait din siya, at gentleman. Sa kotse niya, lagi niya 'kong pinagbubuksan ng pinto. Iba lang pala talaga yung iniisip ko tungkol sa kaniya kasi habang kasama ko siya, pansamantala kong nakalimutan yung nangyari kanina.

"Ah oo. S-salamat nga pala Mr. Han." Sabi ko at nginitian siya. "Call me Eros." Kalmado niyang sambit. Ngayon ko lang narealize na sobrang gwapo niya pala talaga. Kanina habang natawa siya habang naglalaro kami sa arcades, ang sarap niya titigan.

"Sige, Eros." Sambit ko. Nagkatitigan lang kami at maya-maya pa'y may biglang nagbukas ng pinto at niluwa no'n, sino pa ba, edi yung taong maski pinto ay isusuka siya.

Si panot.

"Sue! Kamusta ka, may bisita ka pala." Nakangiti niyang sambit, pero alam ko naman na galit na 'to deep inside. "B-Bill..."

"Ang usapan natin, ngayon yung deadline ng story, hindi ba?" Nakangiti niyang sambit at pumunta sa harapan ko. Napansin ko rin yung attaché case na dala niya. Ano kaya'ng laman no'n?

"Sino siya?" Tanong ni Eros. "A-ah, boss ko si Bill." Sagot ko naman. "Ano? Wala ka bang ipapasa sakin?" Seryoso nang tanong ni Bill.

"B-Bill kasi, ang daming nangyari ngayong araw eh. Baka p-pwede ka pang magbigay ng palugit–"

"Palugit? Sue ang tagal mo nang nanghihingi ng palugit! Alam mo, kung ako sa'yo," Sabi niya't inilabas ang laman ng attaché case. "Magresign ka na lang." Sabi niya't hinagis sa mukha ko yung mga papel na nandoon.

"L-letter of resignation? Saka yung kontrata natin? B-Bill naman, 'wag ka namang ganiyan! Alam mo namang kaya kong gumawa ng story eh, kailangan ko lang ng konting panahon–"

"Panahon, Sue? Ilang panahon na ba binigay ko sayo? Pagod na 'kong magbigay ng panahon kaya panahon na siguro para magresign ka na." Nakangiti niya pa ring sabi, pero halata sa mukha niya na nanggigigil na siya.

"Ano 'to." Sabi ni Eros at hinablot sakin yung kontrata namin ni Bill. Doon nakalagay na magtatrabaho ako ng maayos, at may karapatan siyang tanggalan ako ng trabaho kapag hindi ko nagampanan ng tama yung trabaho ko.

Maya-maya pa, biglang pinunit ni Eros sa dalawa yung kontrata na ikinagulat namin ni Bill. Pinunit niya ulit sa apat, hanggang sa maging maliliit na lang 'yon na papel. Ano ba'ng ginagawa ng mokong na 'to?!

"Eros! Anong ginawa mo?!" Sabi ko habang pinupulot isa-isa yung mga papel. Bwisit na 'to, lagot ako neto!

"Tigilan mo nang kakapulot jan." Sabi niya't pinatayo ako, saka tinapon ulit yung mga piraso ng papel na nasa kamay ko.

"Simula ngayon, hindi na siya magtatrabaho sayo kalbo. Kaya umalis ka na dito." Kalmado pa ring sabi ni Eros habang ako, maluha-luha na. Nababaliw na 'tong lalaking 'to! Binabawi ko na yung sinabi ko kanina!

"Grrr! Wala ka nang babalikan na trabaho, Sue! Matagal-tagal ko na ring hinangad na mabanggit ang mga salitang 'to, at ngayon masasabi ko na," Sabi niya at huminga muna ng malalim.

"YOU. ARE. FIIIIIIIIIRED!" Sigaw niya sa mukha 'ko at saka umalis na dala yung attaché case niyang walang laman. Napa-face palm na lang ako habang nag-iisip kung saan ako kukuha ng pera. Wala na 'kong source of income dahil sa lalaking 'to! Maski siguro pambayad sa apartment na 'to, wala na!

"Ano ba Eros?! Umalis ka na nga dito hindi ka naman nakakatulong!" Sigaw ko sa kaniya habang umiiyak na. "Tinulungan kitang makawala sa pananakal niya." Sambit niya habang nakatingin sakin.

"Hindi mo 'ko tinulungan! Ginawa mo lang na mas malala pa yung sitwasyon ko ngayon! Sa'n na 'ko kukuha ng pambayad sa apartment na 'to? In case na mapalayas ako, matutulungan mo ba 'ko, ha?! Ikaw kasi, hindi mo alam yung ginagawa mo!–"

"Ikaw, hindi mo alam kung ano ginagawa mo! Hindi ganiyang Hermosa ang nakilala ko. Yung kilala kong Hermosa, matalino at matapang, alam kong kaya niyang lusutan lahat ng problema kasi nag-iisip siya! Isa pa, nandito naman ako! Tutulungan kita kahit pa sa anong bagay, alam mo ba 'yon ha?! Alam mo ba 'yon?!" Sigaw niya sakin habang mahigpit na nakahawak sa magkabila kong balikat. Maya-maya pa'y bigla niya 'kong niyakap. Sobrang higpit. Pakiramdam ko, okay lang na umiyak sa mga balikat niya.

Hindi ko man alam kung bakit ganito siya umarte, pero pakiramdam ko, totoo lahat ng sinasabi niya at nakahanda akong magtiwala sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit, pero kapag siya na yung nagsalita, parang posible lahat ng bagay.

HDSeries 1: Eros HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon