IKATATLUMPU'T DALAWANG KABANATA

1 0 0
                                    

SUE'S POV

          "Sue, tinawagan ko na si Ser Eros kaso hindi siya sumasagot kaya tinadtad ko na lang siya ng text." Sabi ni Kuya Badong sakin. "Kuya dapat hindi mo na ginawa 'yon. Busy ata siya eh." Seryosong sagot ko naman sa kaniya.

Nandito na kami sa hospital, pinunta agad yung babae sa emergency room. Naghihintay na lang kami dito sa labas, mga ilang minuto na rin yung nakalipas simula ng pinasok siya sa ER.

Maya-maya pa, isa-isa nang nagsilabasan yung mga nurses. Huling lumabas is yung doctor. "Kamag-anak po kayo nung pasyente?" Tanong nung lalaking doctor. "Ah, hindi po. Kami po kasi yung nakakita sa kaniya sa kalsada kaya pinunta na po namin siya dito." Sabi ko naman at nagtinginan kami ni Kuya Badong.

"Gano'n po ba? Sige po, hintayin po muna natin yung relatives niya." Sambit niya. Pero hindi pa nagtatagal eh may babaeng dali-daling tumakbo papunta sa direksiyon namin. May kasama siyang lalaki, asawa niya ata. Mga nasa 40's na sila at mukhang may kaya.

"Doc dito daw po sinugod yung anak ko? Kamusta na po siya? Okay lang po ba si Molly?" Nag-aalalang tanong niya. Nanay pala siya nung babae, si Molly.

"Ah, kayo po ang parents ng pasiyente? She's doing fine naman po, wala naman po siyang injury, nagkasugat lang po siya sa forehead, bandang kanan. Epekto po 'yun ng pagkatama ng ulo niya sa isang matigas na bagay, sa pader o sa semento. May nakita rin po kaming bakat ng tali sa leeg niya't malalim na sugat sa pulsuhan niya. Baka po may nakatusok sa wrist niya na matulis na bagay tulad ng kutsilyo. Pero okay naman na po siya, nakaready na po siyang ilipat ng kwarto." Page-explain nung doctor.

"Misis, mukha pong suicidal yung bata. Kailangan niya po ng matinding gabay ninyo at ipakonsulta niyo rin po siya sa psychiatrist." Dagdag pa nung doctor bago tuluyang magpaalam at umalis.

Umiiyak na tumingin samin yung babae. Mukha siyang masungit. "Sino kayo?" Nakataas na kilay niyang tanong. Nagtinginan ulit kami ni Kuya Badong. "A-ahm, kami po yung nakakita sa anak niyong si M-Molly sa kalsada. Wala po siyang m-malay kaya naisipan po namin na dalhin siya dito sa hospital." Sagot ko naman kaya tuluyan na siyang napahagulgol.

"Maraming salamat hija, maraming salamat talaga." Sambit niya pa habang hinahawakan ang kamay ko.

Ilang saglit pa, nilipat na ng kwarto si Molly at lahat kami nandoon. Hinila ni Kuya Badong yung laylayan ng damit ko kay napalingon ako sa kaniya. "Salamat." He whispered and smiled, kaya nginitian ko rin siya.

Maya-maya pa'y nagising na yung Molly. Bigla siyang umiyak habang hinahampas yung ulo niya. Sinasabunutan niya rin yung buhok niya kaya pinigilan siya ng mga nurse na nasa loob kasama namin. "Anak please, don't do this. We love you." Umiiyak na sambit nung nanay niya at saka siya niyakap, pero kumawala siya at patuloy na sinaktan ang kaniyang sarili habang umiiyak.

Bigla siyang tumigil at tumingin sa akin. Hinila niya yung pulsuhan ko kaya halos matumba na 'ko. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sakin, ang sakit sa wrist. Sinubukan kong bawiin yung kamay ko pero mas lalo lang niya kong hinila papalapit sa kaniya.

"Gusto ko na mamatay." Diretso niyang sambit sakin, nanlalaki ang mga mata niya't namumula. Napakacreepy niya kaya nagtaasan ang mga balahibo ko.

Tiningnan lang ako ng mga magulang niya, tapos inawat na siya nung mga nurse nang bigla siyang nagsisisigaw na parang baliw, pero isa lang ang sinisigaw niya. "Gusto ko na mamatay."

Nang mabawi ko na yung braso ko, hinimas ko ito gamit ang isa ko pang kamay. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya, feeling ko naipit lahat ng ugat ko sa pulsuhan.

Lumabas na kami ni Kuya Badong, at saktong pagkalabas namin ay nakasalubong namin si Eros. Biglang nag-iba yung mood ko, biglang bumagsak yung universe nang makita ko yung mukha niya na tila nag-aalala.

"Sue, anong nangyari? Anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya kaya agad ko siyang sinalubong ng sampal. Ang lutong, sobrang lakas ng tunog kaya nakuha namin ang atensiyon ng ibang tao sa loob ng hospital. "Ang kapal ng mukha mo. Ngayon nag-aalala ka? Ganiyan ka rin ba mag-alala kapag si Aria na ang usapan?" Tanong ko sa kaniya't inirapan muna siya bago maglakad palayo. Nakasunod lang sakin si Kuya Badong habang nakayuko.

"Kuya Badong?" Tawag ni Eros sa kaniya kaya parehas kaming napatigil sa paglalakad ni Kuya. Nilingon siya ni Kuya't yumuko ito ulit. Parang sinesenyasan siya ni Eros na sa kaniya sumama't 'wag sakin.

"S-ser—"

"Kuya Badong tara na." Ma-awtoridad kong sabi at saka naglakad na palabas ng hospital. Nakasunod sakin si Kuya Badong at pinagbuksan ako ng pinto, saka siya sumakay din at nagdrive na paalis.

Bwisit na Eros 'yan. Ang kapal ng mukhang mag-alala, eh kung 'di ako nagkakamali, gano'ng gano'n din siya mag-alala kanina na halos hindi na niya 'ko nakita o napansin. Hindi nga siya nagpaalam man lang sakin eh, bigla na lang siyang umalis ng bahay. Parang wala lang ako sa kaniya, ipinagdasal ko pa na sana okay lang yung kalagayan ng pupuntahan niya. Sobrang nag-alala ako, tapos makikipaghalikan lang pala siya kay Aria.

HDSeries 1: Eros HanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon